Chapter 1

13 0 0
                                    


Samantha Javier's


Shit. My head hurts. Pakiramdam ko talaga may nilagay si Cris sa inumin ko. 

I rushed to the bathroom, feeling the urge to vomit. My vision is hazy. I feel the world spinning around. Fuck. I won't ever drink again. 

"Sammy," I heard a familiar voice behind my back. Hindi ako pwedeng magkamali. I know it's her's .

Pinalis ko ang isiping pansinin ang tinig at saka tuloy-tuloy na nagtungo sa isang cubicle. Doon ko inilabas lahat ng hinanakit ko sa mundo-este mga kinain ko kanina, Err, kakadiri. My stomach still feels swirling like a roller coaster. 

I heaved a deep sigh as I regained my consciousness. It felt lucid to see the silhouette of Jamie from nowhere. I thought being drunk would stop me from thinking of her, but it just made things worse. Because I am now feeling her soft hands wrapping around my arm. Her sweet smell is driving me crazy, and my heart can’t stop palpitating her name. 

“Okay ka lang?” her angelic voice sent shivers down my spine. Para akong pinawisan nang malamig, ramdam ko ang nagsisimulang panginginig ng mga kamay ko. Kaya’t bago pa man ito umabot sa kaniya ay marahas akong tumikhim at binawi ang kamay ko. 

“Yea,” maiksi kong tugon. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad na tumalikod. Ramdam ko ang paghabol niya sa akin ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Pagod na akong umasa. Pagod na akong magparamdam sa taong hindi naman ako nakikita nang higit pa sa isang kaibigan.

“Samantha,”

“Can you please—fudge, i’m so sorry, Dean,” napahilamos ako nang mukha nang ang bumungad sa akin ay ang seryosong mukha ng aming Dekana. Ngayon pa talaga siya nagpakita. 

“It’s okay, I was just about to ask you something important. Can you give me a minute?”

Her voice is as monotone as it is. It was never new to my ears. It’s just I wasn’t in the mood to deal with any school responsibilities, especially at this time. 

“Sure, Dean,” I responded. Para namang makaka-hindi ako sa obligasyon ko. 

Kahit nahihilo pa ay mataman ko na lamang siyang sinundan papunta sa kaniyang office. Malinis at organisado, walang kahit anong dekorasyon liban sa mga polisiya ng unibersidad. Kilala ang dekana namin sa pagiging strikto sa mga gawaing pampaaralan ngunit mayroong puso para sa mga estudyante, kung kaya’t hindi na nakabibigla na siya pa rin ang dekana sa haba ng panahong inilagi sa campus namin. 

“Are you drunk, Ms. President?” pambungad niya pagkaupo ko pa lamang ng sofa. Mariin akong napalunok dahil sa timbre ng kaniyang tinig. Mahihimigan ang awtoridad ngunit may bahid ng pag-aalala sa kaniya, maging sa paraan ng kaniyang pagmamasid sa akin.

“I drink but I ain’t drunk,” depensa ko, kahit halos magtawag na ng uwak sa sa cr kanina. 

Tumango naman siya, animo’y nakukumbinsi sa kasinungalingan ko. Perks of having the position, once they trusted you, it would be easy to make them believe whatever you say. 

“Then sign this,” she demanded, handing a piece of paper with scribbles on it. 

Ano na naman ‘to. Puro na lang sila papirma, hindi ba sila marunong mag-decide ng kanila? 

“Can I take it home? I think it would be best to review it first before signing it,” I muttered. Kahit ang totoo’y nagdodoble-doble lamang ang mga letra sa paningin ko at nahihirapan akong i-absorb ang nilalaman dahil sa amats. 

“Unfortunately we need it as soon as possible today. Dapat noong nakaraan pa ito, ang kaso ay hindi ka namin mahagilap gawa ng busy sa midterms tapos ay nagaasikaso pa kayo ng event today. We need to submit the name until midnight, therefore you need to sign tonight,” paliwanag niya. 

Hindi ko na lamang mapigilang mapakunot ng noo habang pilit binabasa ang laman ng sulat. 

Ang naiintindihan ko lang ay may bagyo daw tapos nangangailangan ng representative. Wala naman sigurong masama kung pipirmahan ko na ito. 

Kahit may bumubulong sa akin na huwag ay mas nanaig ang pagtitig ni Dean sa papel na hawak ko at sa akin. Para tuloy wala akong choice kung hindi pumirma na lang. 

Kitang-kita ko kung paano sumilay ang ngiti sa mga labi ni Dean. 

“Well done, see you on 14, Ms. Javier,” aniya saka tumayo. Inalalayan niya pa ako papuntang pinto saka tinapik, “...take care.”

Kahit naguguluhan ay hinayaan ko na lamang maglaho ang pagkabahala sa nangyari. Muli akong nilamon ng ingay at kaguluhan ng party. A, yeah, I almost forgot. We’re celebrating our Campus Year End Party. 

I just hope everything will end with happiness just how this party ends this year. 

“Sam,” naalimpungatan ako sa marahang pagyugyog ni kuya sa akin. 

Hindi pa sana ako sasagot kung hindi niya nilakasan ang panggugulo sa tulog ko. 

Gusto ko siyang sipain pero mas matanda nga pala siya sa akin. Hays. 

“Wait lang,” tumatawad kong sagot.

“Bilisan mo, kanina pa natawag Dean niyo,” aniyang parang iritang-irita.

Inis akong bumangon saka siya sinamaan ng tingin. May pagdabog pa ako ng unan na pinulot ko lang din dahil sa masamang titig ni kuya. Hindi ba ako pwedeng mainis?

Huminga muna akong malalim bago sinagot ang tawag. 

Ang aga-aga, Dean, for Pete’s sake.

“Yes, Dean, good morning,” magalang kong bungad.

“Where are you? Ikaw na lang ang hinihintay. The meeting will start at 10 AM,” aniya. 

Napatingin ako sa screen ng phone at kumaway ang mga numerong 9:45. Bumuntong hininga akong muli bago sumagot.

“Yes, Dean. Papunta na po,” usal ko na lang saka padabog na pinatay ang phone. 

Nagsisisi na talaga akong tumakbo ako bilang President. Kung bakit ba kasi hindi ako marunong um-hindi. Wala naman akong napapala dito kundi sakit ng ulo at stress. 

My phone beeps a message. Napamaang na lang ako sa nabasa. 

MEETING AGENDA

What: Leadership Training at Baguio City

Where: University of Pines - Main Campus

When: December 14-17 2022

Who: Selected Student Leaders 

“What the hell is this?”

For the Nth TimeWhere stories live. Discover now