Prologue

2 2 0
                                    

SAIJI

Naka-upo lang ako sa landscape na katapat lang ng grade 10 building habang panay ang tingin sa mga estudyanteng katulad kong naghihintay din sa listahan ng mga estudyante kung saan nakalagay ang magiging section namin.

Kinurot-kurot ko na ang braso ko. Ang social anxiety ko! Sigaw ng isip ko.

Transferee lang ako rito, wala akong masyadong kilala. Well, not actually a transferee anymore dahil grade 8 pa lang ako nag-transfer dito, pero dahil sa COVID-19 hindi pwedeng pumunta sa school kaya ngayong balik face to face class na, wala akong masyadong kilala. Yung kasama ko namang pumunta rito na si Roana ay busy ka-chikahan 'yung mga classmate niya last year.

Naghahabulan sila ng classmate niya dati, na sa pagkakaalam ko ay Trixie ang pangalan. Seryuso lang ang mukha ko pero sa isip ko ay umiiling-iling na ako. Hays, fourth year high school na sila pero naghahabulan pa rin.

Nagulat ako nang magkagulo ang lahat. At dahil sa social anxiety ko ay hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Nakakahiya kaya, ang daming tao!

Pumunta naman si Roana sa pinto ng section 2 kung saan may nakadikit na mga pangalan ng estudyante. Tinawag niya ako kaya lumapit ako.

Hinanap namin ang pangalan namin pero pangalan ko lang ang nakita ko. Kinabahan naman ako. Gagi wag! Lord, 'wag mo naman akong ihiwalay kay Roana. Siya lang ang kilala ko rito. Mamatay ako dahil sa social anxiety ko.

Pero mahina ako kay lord. Hindi na rinig ang panalangin ko.

"Wala rito ang pangalan ko." rinig kong sabi ni Roana. "Ron, andun sa kabila ang pangalan mo, classmate tayo!" masayang sabi ni Trixie. Kasama naman sa kumpulan ng mga estudyante nakita ko si Kaizy na umiiyak.

Isa siya sa mga dating kaklase ni Roana kaya alam ko ang pangalan niya.

"Hindi tayo magkaklase." pinunasan nito ang luha niya na tinawanan ng dalawa niyang kaibigan. "'Wag kang mag-alala, classmate kayo ni Saiji oh." nagulat ako dahil nasama ako sa usapan.

Kilala ko sila dahil classmates ko sila last school year sa limited face to face classes pero hindi kami close dahil wala akong communication skills at hindi ako friendly dahil sa pagka-mahiyain ko.

"Tara, Saiji." yaya ni Kaizy. Pumasok naman kami sa section 2. Ang dilim naman ng classroom na 'to. "Diyan ka, Saiji, tabi tayo." inilagay ko naman ang bag ko sa tinurong upuan ni Kaizy.

Nagkagulo ang mga nasa likod at pumasok doon ang lalaking pa mysterious-mysterious dahil natatakpan ang mata nito ng buhok niya, butterfly haircut ata tawag d'yan. 'Di ba bawal ang haircut na ganyan dito sa school?

Nakarinig naman ako ng mga bulungang "Sino 'yan?" at "Pogi."

"Sus, kilala ko na 'yan." napatingin ako kay Kaizy. Nakatingin din siya roon sa bagong dating na lalaki.

"Good morning, class." tumayo kaming lahat at bumati sa teacher namin.

Nag-introduce siya sa sarili niya at nag-elect kami ng officer. Naguluhan naman ako. First day of school electing of officers agad?

"The position of president is now open."

"I nominate, Elyse Alleja." sabi nung isa naming classmate. Nakita kong umirap si Kaizy. "Bida-bida talaga 'yan kahit kailan." kumunot naman ang noo ko.

"Huh?" umirap muna ito bago sumagot. "Kaklase ko 'yan mula elementary at napakabida-bida n'yan. Tignan mo lang pagtumagal na tayo." napailing-iling nalang ako.

"Si Veronah iboto natin, siya kasi matapang." bulong ni Kaizy.

"Who's in favor for Elyse Alleja for president?" konti lang ang nagboto do'n sa Elyse. "Who's in favor for Dahlia Nevarra for president." tumaas ang kamay ng halos lahat ng mga kaklase namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon