Chapter 3

1 0 0
                                    

Chapter 3: Here without you.

Simpleng red tube dress na above the knee ang sinuot ko para sa birthday party ni Teejay. Kagaya ng plano ko, hindi na ako bumili ng regalo.

Kinonfirm ko yung friend request niya sakin. Chineck ko din yung timeline niya. I'm not stalking him, alright? I'm just checking. Wala namang masama, diba? At wala akong napala sa pangangalkal sa account niya. Wala siya masyadong status. Madalas puro tagged photos lang at tamang isang profile picture lang ang meron. And I admit, gwapo siya.

"Hi, Nikki, Louis! Buti naman at nakapunta kayo." Bati ni Laurice samin ni kuya pagdating namin sa venue. Nagbeso siya samin.

Sa isang hotel ginanap yung birthday party. At tamang buffet-type dinner lang ang mangyayari.

Pumunta na kami ni kuya sa reserved seats para samin. May apat pang mga lalaki na nakaupo na sa table. Siguro mga ka-edad ko sila o di kaya'y matanda sakin ng isa o dalawang taon. Medyo nalate kami ni kuya kaya nagkakainan na nung dumating kami.

"Bro!" Bati ni kuya at nakipaghigh five sa apat na lalaki.

"Uy, Bro! Long time no see." Sabi nung lalaking may messy hair.

Umupo na ako dahil na-o-OP na ako sa batian nila.

"Ah. Kapatid ko pala." Tinuro ako ni kuya. "Dominique Louisse."

Ngumiti lang ako.

"Niks, these are Paolo, Kylle, Kurt and Brent. Cousins ni Teejay." Pakilala ni kuya habang tinuturo sila isa isa. Isa isa nila akong binati.

"Hi, Dominique." Ani Kylle. Yung may messy hair sabay nakipagshakehands sakin.

"Nikki na lang." Sabi ko at ngumiti.

"Hoy, Kylle. Tigilan mo yang kapatid ko." Saway ni kuya at pinabitiw yung kamay namin.

"Easy, bro. Haha! Wala akong ginagawa. I'm just being friendly here. Ngayon ko lang nakita si Nikki sa personal. We're not even friends on Facebook. I only see her on your Facebook." Ani Kylle.

"You're a stalker now, Kylle?" Singit naman nung Brent.

"My classmates talk a lot about her. I got curious." Depensa ni Kylle.

"Stop your curiosity then. Bawal pang ligawan 'to." Tumingin sakin si kuya at tumawa.

"Kuya. Stop it. I don't want to be the center of attention. It's awkward." Bulong ko kay kuya.

Kumain na kami habang naguusap sila about random things. Basketball, school stuffs, girls, girls and girls.

Kasing edad ko pala sila Kylle at Brent. I'm 18. Sila Paolo at Kurt naman ay parehong graduate na ng college. Kabatch sila ni kuya.

"What do you have for Teejay?" Tanong ni Paolo.

"I got him a dozen of boxer shorts." Sabi ni Kurt at humagalpak sa tawa.

"Err. Is that even a gift, Kurt? Well, I got him a one-year supply of condoms." Sabi ni Kylle na siyang dahilan ng paghagalpak nilang lahat except kay Brent at kuya.

Awkward.

"We're with a girl." Seryosong sabi ni Brent.

"Uh. Sorry, Nikki." Dispensa naman ni Kylle.

Parehong tahimik at may pagkamisteryoso sina Paolo at Brent. Medyo nakikisabay naman si Paolo hindi katulad ni Brent na talagang seryoso lang. Habang sina Kylle at Kurt ay parehong masayahin at friendly.

"Anong regalo mo kay Teejay, Nikki?" Tanong sakin ni Kurt.

"U-uh.. Wala e. Hindi ko kasi siya kilala." Sagot ko.

"I got him nothing, too." Singit ni kuya at tumawa. "He has everything already."

Nagpatuloy uli sila sa pagkukwentuhan habang kumakain lang ako ng tahimik sa tabi ni kuya. Kinakausap din nila ako paminsan minsan at simpleng tugon lang ang tanging binibigay ko sa kanila.

"Stella dumped him." Sabi ni Brent. "He's still into her." Aniya at uminom ng tubig.

"Seriously, I don't like her for Teejay." Sabi ni Paolo.

"Bakit? She's pretty." Sabi naman ni Kurt.

"She's just pretty." Ani Brent.

"Good evening, ladies and gentlemen. I hope you are enjoying the event." Sabi ng Emcee sa may mini stage. "May we call our birthday celebrant here on stage to serenade us."

Umakyat naman si Teejay sa stage. He's wearing a simple red V-neck shirt na pinatungan ng itim na blazer, black pants at sneakers.

Hindi na siya ng salita. Bigla na lang tumugtog ang live band ng isang pamilyar na kanta. Nakatingin lang si Teejay sa mga tao ng walang ekspresyon.

"A hundred days have made me older

Since the last time that I saw your pretty face"

 

Napako lahat ng mata nang nagsimula siyang kumanta. Malamig ang boses niya at ramdam mo sa bawat bigkas niya na nasasaktan siya.

"A thousand lies have made me colder

And I don't think I can look at this the same

 

 But all the miles that separate

Disappear now when I'm dreaming of your face"

 

Pumikit siya at dinamdam niya ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

"l'm here without you, baby

But you're still on my lonely mind

I think about you, baby

And I dream about you all the time

I'm here without you, baby

 But you're still with me in my dreams

And tonight it's only you and me, yeah."

Buong oras na kumakanta siya ay nakatitig lang ako sa mga mata niyang nakapikit.

SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon