Una

49.4K 58 4
                                        


Warning: RATED M

Bawal sa bata shooo kiddo! Sampalin ko bata dito!

===========================================================================

Si Karina ay Junior na sa kolehiyo samantalang si Winter naman ay isang freshman. Una pa lang tila nahuli na ni Winter ang atensyon ni Karina. Sa tuwing nakikita nito ang babae ay napapasunod ang kanyang mga mata.

Palangiti at palakaibigan si Winter tuwing nakikita siya ni Karina lagi itong nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan o minsan ay nakikipag usap lamang pero laging naka ngiti.

Tila ang mga ngiting iyon ang humilhila sa kanyang curiosity at tila mas lalong gusto kilalanin ang dalaga. Di siya sigurado kung may boyfriend ba ito sa ganda ng dalaga hindi impossibleng wala itong kasintahan.

Isang pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang Student Council President naimbitahan si Karina dahil siya ang Vice President kaya inimbitahan siya nito sa party niya. Halos maraming inimbitang esudyante ng school nila. Pumunta si Karina kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit tila may hinahanap siya sa pagdiriwang na iyon. Alam nyang may chance na pumunta si Winter. Alam nyang malapit ito sa Officers ng Student Council.

Lumipas ang kalahating oras at lumalim na ang gabi. Dumating na ang taong kanyang pinaka hihintay. Dumating si Winter kasama ang mga kaibigan at kaklase neto. Agad nilang Pinuntahan ang celebrant. After nun ay hinayaan na silang maki inom at makiparty.

Tahimik lang si Karina sa gilid kasama ang mga kaibigan nyang nagkwe-kwentuhan at naglolokohan. Tila nakapako ang mata niya kay Winter. Sumusunod saan man mapunta ang dalaga. Pinagmamasdan niya kung pano pilitin si Winter nang Kanyang mga kaibigan na uminom. Di naman makatanggi ang dalaga.

'Di marunong tumanggi'

Sa isip isip ni Karina na tila tine-take note ang mga nalalaman niya sa mga dalaga. Tuloy ang magkakaibigan. Nakita ni Karina kung paano nalukot ang mukha ng dalaga nang inumin nito ang dalawang sunod na baso ng Tequila na tila 'binyag' nang kanyang mga kaibigan sa dalaga.

Nagtuloy tuloy ang magkakaibigan habang nakamasid pa rin si Karina sa dalaga.

Lumalim pa lalo ang gabi. Ang mga kaibigan ni Winter ay paisa isang nagpaalam para magsayaw hanggang sa naiwan na lamang si Winter sa kanilang pwesto.

'Mabilis Malasing'

Pag tatanda ni Karina ng mga bagay tungkol sa dalaga.

Ilang minute ang lumipas ay nakita ni Karina na lumapit ang kanyang kaklaseng lalaki sa dalaga. Agad na tumaas ang kilay ni Karina sa nakita. Tila binubulungan ng lalaki si Winter. Habang si Winter ay tila tinutulak ang lalaki palayo sa kanya.

Di na nakapagtimpi pa si Karina at tumayo na siya at Lumapit sa Dalaga. Nakita niya ang kamay ng kanyang kaklase na hita ni Winter na pilit namang tinutulak ni Winter palayo at dama neto na di na kumportable ang dalaga.

"Tayo." Saad ni Karina habang nakatingin sa kanyang kaklase. Nagulat si Winter at lalaki na agad napatingin sa kanya. Hindi tumayo ang lalaki imbes ay nagpattuloy na lamang. "Wag ka magulo Karina para namang di tayo magkaklase oh." Saad ng lalaki. Ang mata ni Winter ay tila nagmamakaawa kay Karina.

"Tatayo ka o gagapang ka paalis." Saad ni Karina ng madiin at may galit. "Yabang mo ah porket may katungkulan ka!?" Napatayo ang lalaki at tila aambahan ng sapak si Karina. Agad itong kwinelyohan ni Karina, "Kahit wala akong katungkulan kaya kong manakit ng manyakis." Agad na napansin ng mga tao ang mga pangyayari. Agad ding lumapit ang mga kaibigan ng lalaki na kaklase din ni Karina para pigilan ito.

Libro nang PagnanasaWhere stories live. Discover now