Chapter 1

2.8K 98 9
                                    

Val's Pov

"Val gising na nagluto na ako ng pancakes." Gising sakin ni finn habang inaalog ang katawan ko. Tumango na lang ako kaya naman naramdaman ko ang pag-alis nito sa kama ko at lumabas.

Hi Philippines! This is me val at your service. 3rd year college nag-aaral sa Pert University! Uy unting flex ko lang, scholar ang mhima nyo sa isa sa mga pinaka mayaman na school. Since college nandoon na ako tas may mga naging best friends ako dito katulad nila keith at finn, dahil best friends ko sila inaaya nila ako na tumira kaming lahat sa iisang dorm since puro mga sarili nalang namin ang binubuhay namin. May ama pa naman ako pero... Nevermind, si mama naman tegi na raw. So after namin mag live-in sobrang mas nakilala pa namin ang isa't isa at dahil dun nalaman ko na si keith marunong mag piano, guitar at drum tas si finn naman ay drum at guitar at ako naman ay marunong lang mag gitara. Wala kaming secrets sa isa't isa at kung meron man di na namin pipilitin kasi we respect each others personal space and privacy. Also mga babae rin sila lahat tas mga bading rin HAHAHA. Teka hayop anong oras na?

Tumingin ako sa orasan at nakitang maaga pa kaya bumangon na muna ako at pumunta sa kusina. Nakita ko sila na kumakain pero nag c-cellphone.

"Hiya pa kayong ulamin yung cellphone nyo. Ano bang pinag-kakaabalahan nyo jan?" Tanong ko sakanila.

"Di mo ba tinignan cellphone mo? Ikaw yung president dyan tapos yung secretary pa yung unang nag announce sa gc." Asik nya. Ay hala oo nga pala.

Dali-dali kong kinuha ang cp ko sa kwarto ko at tinignan yun. Nakita ko ang 165 unread messages.

Mga alipin ni Val (Section A)

Secretary;
Hindi pa ata gising si pres so ako muna mag a-announce sainyo HAHAHA.

Diba nag resign na sila ma'am at sir kasi nagkaroon sila ng relasyon at nabuntis si ma'am? So eto na nga apat sila yung dalawa ayun yung papalit kila ma'am tas yung 2 pa ayun yung substitute teacher natin so i think di na kayo makaka-cutting kasi di na sila tanda ang mag babantay sainyo, balita ko mga strict daw yun tas ang gaganda daw so wag kayong mag-alala kasi may mga motivation na kayo.

Finn;
Sorry guys hindi pa gising si val.

Jaime;
Okay lang, pakainin mo yung bebe ko ah.

Finn;
Sure.

Vice President;
Mag-asikaso na kayo kasi nandito na ako sa room tas nabangga ko si ma'am ayaw nya daw ng nga late sa classroom nya. Legit ang ganda nya na-iinsecure ako.

Treasurer;
Nakanaks first time mong masabi yan ah e ggss ka nga, siguro sobrang ganda talaga ng nt.

Bogart;
Ano yung nt?

Treasurer;
New teachers. Bagay talaga kayo ni frat parehas tanga.

Geo;
Papanget na nga ng pangalan nila ipags-ship mo pa. Pano na lang kaya kapag pinagsama pangalan nila.

Jayzel;
Ey baka borat yan.

Vice President;
Putangina mo jayzel😭😭😭

Frat;
Putangina neto nananahimik ako.

Di na ako nag back read dahil alam ko puro katarantaduhan lang naman yon. Bumalik ulit ako sa kusina at sinamahan sila kumain.

My Lovely Wives Where stories live. Discover now