"Elli.. elli.." tawag ko kay elli ng makapasok ako sa loob ng bahay."Adelaine! Saan ka galing? Saan ka natulog? Anong nangyari sayo?" Sunod sunod na tanong ni elli.
"Elli, mamaya na 'ko mageexplain pwede pahiram ng pera pang bayad ng taxi?? Kanina kasi magbabayad na sana ako ang kaso hindi ko naman mahanap ang wallet ko. Nang maka bayad ako sa taxi driver nakita ko na agad si elli sa pintuan na kapamaywang. Kailangan ko pa nga pa pala mag-explain kay elli."So? Care to explain Adelaine?" Nakataas ang kilay na tanong sakin ni elli. Niyakap ko si elli at doon umiyak ako sa kanya naramdaman ko nalang na niyakap ako pabalik ni elli.
"Elli.... Wala na ang Bataan" Umiiyak na sabi ko kay elli. Inilayo ako ni elli sa kanya at tinitigan sa mukha.
"Anong wala na ang Bataan? My god Adelaine. Don't tell me humithit ka ng droga bruha ka." Hysterical na sabi ni elli at ngali ngali ko syang batukan ang slow eh.
"Shit ka naman elli ang slow mo" Humihikbing sabi ko pero nakangiti na 'ko.
Pagkatapos ng madramang pangyayari iyon ni-kwento ko kay elli ang lahat lahat ng nangyari.
"Wala na nga ang Bataan" nanlulumong sabi ni elli pero na gulat na lang ako ng bigla syang tumili."Elli ano ba? Bat bigla ka na lang tumitili dyan para kang sinasaniban"
"Girl gwapo ba? Macho? Hot? Sexy? Yummy?" I just rolled my eyes at elli kahit kailan talaga.
"Ay girl maiba tayo. Nay good news ako sayo" Ang lapad ng ngiti ni elli abot hanggang tainga. Tsk
"Oh ano yon?" hindi interesadong tanong ko kay elli baka kasi mamaya sasabihin lang nya na nakuha nya na yung number nung hot crush nya.
"Laine tanggap ka na sa Seymour Empire." Masayang - masayang wika ni elli with matching talon talon at nakisali na din ako sa kanya.
"Ahhhh. Elli magkakapera na 'ko"
"Oo girl. Makakabayad ka na sa mga utang mo sakin."
Hindi ko na pinansin yung sinabi ni elli Basta ako, masaya ako kasi magkakatrabaho na ko ang hirap kaya ng walang pera sana lang, sana lang talaga maging maayos ang pagtratrabaho ko don.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Mess
RomanceMy life was a mess after my ex-fiancé left me with another girl. Then he came he makes my life messier than before. Is it good or it will broke my heart again in the end?