Prologue

14 3 0
                                    

Mag-isa lang ako sa labas ng malaking bahay na ito at halos wala na akong magawa kasi sobrang linis naman eh! Kaya kinuha ko nalang yung hose at magdidilig nalang ako ng mga halaman kahit parang ang creepy ng paligid ay tumuloy pa rin ako lalo na roon sa pinakadulo nitong bahay na ito.

Nang matapos ko na ay binalik ko na rin ang hose at bumalik ulit sa dulo ng bahay, gubat na kasi ito kaya huni ng mga ibon at sariwang hangin lang ang maririnig mo dahil may nakita akong daanan ay dahan-dahan lang akong naglalakad nang biglang may humapit sa bewang ko, shit sino naman 'to?

"What are you doing here, Honey?"

"A-ah, w-wala po nacu-curios lang a-ako kung anong m-meron sa gubat na i-ito." Buong kalamnan ko ay nanginginig na sa takot pero may parte pa rin sa loob ko na nagsasabing kumalma lang at ligtas ako.

"Alam mo bang mapanganib dito?" He starting to sniff my hair.

"Eh bakit nandito ka kung mapanganib naman?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para magsalita ng gano'n at humarap sa kaniya na agad nanlaki ang mga mata ko.

"Hala! S-sorry boss!"

"Sa susunod h'wag kang basta-basta pupunta rito lalo na kung hindi mo ako kasama." Dahil sa gulat ko nang hapitin niya ulit ako sa bewang at this time ay sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa ay napatango nalang ako.

"I met you again, my mate." He sniffing my neck.

"W-what do you mean? Again? Sa pagkakaalam ko ngayon lang kita nakita." Ramdan kong ngumiti siya.

"I waited for so long to touch your beautiful skin." He starting licking my neck go to my ear.

"Can I mark you now, Honey?" He whispered in a husky tone.

Shit. How can I say no to him? If my body screaming that they want it too! But no! Hindi pwede, masyadong mabilis at hindi pa'ko handa. Alam ko rin kung ano ang gusto niyang mangyari dahil marami na akong nababasa na yun ang gamit nilang salita kung nais na nilang angkinin ang taong gusto nila.

"W-wait masyado ka namang mabilis, Boss."

"Okay, I respect you. I'm sorry, Honey." He kissed my forehead at hindi na humiwalay ang mga mata niya sa aking mga mata.

"Nagugulohan pa rin ako, Boss. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari." May kaba na rin akong unti-unting nararamdam.

"Soon." He deeply sighed. "Malalaman mo rin ang lahat sa ngayon let me handle this, can you give me your trust?" He's caressing my cheek.

"M-mahirap, mahirap magtiwala ulit. Kung ano man ang kagustohan mo ay hindi ko maibibigay hanggat wala kang paliwanag sa lahat."

Sa ilang buwan kong magta-trabaho ay ngayon ko lang siya nakita kaya gulong-gulo ako kung bakit sinabi niyang nakita niya ulit ako, samantalang ngayon ko lang siya nakita.

Sa lugar kung saan pwedeng maayos ang una naming pagkikita ay talaga namang sa gubat pa! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"Please, give me your full trust I promise sasabihin ko sayo lahat."

Nagsalubong ang dalawa kong kilay habang nakatitig sa mga mata niya dahil unti-unting nagbabago ang kulay ng kaniyang mga mata. Mahahalata ring parang ano mang oras ay magagalit na siya, hindi ko alam kung tungkol ba ito sa hindi ko pagbibigay ng tiwala ko kaya bigla siyang nagkaganito o may iba pang dahilang hindi ko talaga alam.

Bumibilis lalo ang pintig ng puso ko kasabay ng pagkirot ng nasa bandang gitnang dibdib ko na no'ng mga nakaraang araw lang na parang may naka-tatto na kumukulay asul. Dahan-dahan ko itong hinahaplos dahil parang kumakagat ang sakit niya sa loob ng aking kalamnan.

"Shit! They're coming..." He whispered pero narinig ko pa rin dahil bukod sa malapit lang siya sa'kin ay mas naging matalas ang pandinig ko.

"Kumikirot ang gitnang dibdib ko."

"Fvck! Hindi ko alam na magiging maaga ang pagbibigay ng ganiyan sayo. Kaya rin pala mas naging triple ang mga kilos ko sa tuwing nararamdam ko ang presensiya mo."

"Hindi kita maintindihan, ano namang kinalaman mo sa pagkirot ng gitnang dibdib ko?" Kaunti nalang ay masasabi kong masyadong mahangin ang lalaking ito na halos lahat nalang ay may koneksyon ako sa kaniya.

"B-bakit mas nagiging asul ang mga mata mo't namimilog?"

"You're not safe here anymore. I can feel it that they're near to us."

"Frawley, porta via mia moglie da qui."

Ni isa ay wala akong naintindihan sa mga sinabi niya dahil tiyak kong gumamit siya ng ibang wika at kaming dalawa lang ang nasa gubat pero may kinausap siya na alam kong nasa paligid lang pero hindi ko nakikita.

"See you when I see you again, Honey." Siniil niya ako ng maalab at madiin na halik na agad niya ring tinapos kahit hindi pa'ko nakakaganti.

Nag init ang magkabilang pisnge ko dahil sa ginawa niya sa akin. He's my first kiss!

"B-bakit?" Nagmumukha na'kong tanga sa sitwasyon ko dahil wala akong kaalam alam sa nangyayari ngayon.

"Mi prenderò cura di lei, Alpha." Nagulat nalang ako ng biglang may sumulpot sa tabi namin na agad akong pinahiga sa isang bagay na malambot.

Familiar ang tono ng boses niya pero hindi gano'n kaklaro sa akin kung siya nga ba talaga yun dahil ibang wika ang ginamit.

Bago pa man ako tuluyang makatulog na hindi ko alam kung paanong nangyari yun ay sunod-sunod na pag-aalolong ang mga narinig ko. Malinaw yun sa pandinig ko at natanaw ko pa ang kaninang kasama kong lalaki na nagiiba na anyo at hindi ko mawari kung ano nga ba yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're All I WantWhere stories live. Discover now