Isa lang siyang simpleng lalaki. Masipag mag-aral. Mabuti sa sariling mga magulang. Marespeto sa kapwa. Walang bahid ng kayabangan sa katawan. Napaka-gentleman pa.
Siya yung tipo ng lahat ng gugustuhin ng babae sa ugali ng kanilang perfect guy ay nasa kanya na. Sa pisikal, ayos lang naman. Matangkad. Moreno. Matangos ang ilong. Malalaki ang kanyang mga mata at tila nakinang pa daw sabi ng kanyang ina. May kagwapuhan naman.
Siya si Angelo Briones. Isang simpleng lalaki na tubong San Bernardo. Hindi sila mayaman pero bata pa lang siya ay nakasentro na ang kanyang buhay sa pagtulog sa kanyang mga magulang.
Lovelife? Meron namang nagkakagusto sa kanya. Madami nga kung bibilangin eh. Pero single pa din siya kung tatawagin hanggang ngayon. Bakit? Kasi ang puso niya ay kanyang inaalay para sa iisang babae lamang.
Hmm. . .
Ang nag-iisang babaeng sobra niyang pinapangarap ay ang nag-iisa lamang na si Zara Navarro. Ang isa lang naman sa mga sikat na singer sa buong bansa.
Si Zara ang may titulo ng "accoustic princess" sa bansa dahil nadiskubre lamang siya sa pagko-cover ng mga kanta sa youtube at ngayon siya ay naggi-guest na sa iba't ibang mga show sa tv at malapit na siyang mag-labas ng sarili niyang album.
Lahat ng yan ay alam ni Gelo dahil lubos talaga ang kanyang pagka-idolo kay Zara. Una niyang napanood yung cover ni Zara sa kantang When you say nothing at all ng boyzone. Simula noon ay naging completely infatuated na siya kay Zara at yun na din ang naging simula ng breakout ng career ni Zara.
Iba talaga ang paghanga ni Gelo kay Zara na tila parang kinikilig pa talaga siya sa tuwing napapanood niya ito at naririnig kumanta.
Ngayon ay college na si Gelo sa isang prestihiyosong unibersidad. Bagong oportunidad ito para sa kanya para mapatunayan ang kanyang totoong sarili. Ang hindi niya alam ay ang buhay niya ay mababago sa kanyang pagpasok sa college.
* * *
Unang araw sa eskwela ni Gelo. Siya ay kinakabahan pa.
Maaga siya. Habang hinihintay ang professor ay tinititigan niya lang ang wallpaper niya sa cellphone. Sino pa ba? Syempre, litrato ni Zara.
Aking diwata. Naisip niya at unti-unti siyang napapangiti.
Biglang may pumasok na babae sa klase at tumayo sa harap.
"Good morning, everyone. My name is Katherine Felizardo and I will be your professor in College Algebra."
Excited na excited si Angelo. Alam niyang kayang kaya niyang ipasa ang subject na ito dahil malakas talaga ang utak niya pagdating sa math.
"Hindi niyo na kailangan pang magpakilala sa akin. May record na ako ng names niyo. What I want you to do is, to make your own way to make me remember you."
Na-lito si Angelo, ang bilis naman magsalita ni Ma'am, isip nito.
"Gusto ko, gumawa kayo ng paraan na tumatak kayo sa akin. Hindi ko na kailangan pang pahirapan ang sarili ko at imemorize ang pangalan ninyong lahat. Nasa sainyo yan. Kung gusto niyong makilala ko kayo in a good way, do good in my class.
"You will not want me to remember you in a bad way, class. Kasi hindi ako takot magbagsak. Ipapasa ko lang talaga yung pinaka-deserving sa lahat ng deserving. And I mean that."
Ang lakas ng pintig ng puso ni Angelo. Grabe naman si Ma'am, naisip niya. Kahit na alam kong magaling ako sa Math, parang natapon na yata lahat ng confidence ko dahil natakpan na ng kaba ah. Si Lord na bahala sa akin.
"You," Akala ni Angelo siya ang tinuturo, hindi pala. Kundi yung babae sa tabi niya.
"A-ako p-po?" Nauutal na sagot nito.
"Sino pa ba? Stand," dahan dahang tumayo yung babae. Parang nanginginig pa yung tuhod niya sa kaba. "True or false? A rational expression is reduced to lowest terms when the numerator and denominator have no common factors other than zero."
Bumuntong hininga yung babae. Bakas sa kanyang mga mukha na wala siyang kaideya-ideya kung ano yung sagot sa tanong ni Ma'am.
Napalunok naman si Angelo. Alam niya ang sagot at kayang kaya niya itong ipaliwanag. Madali lang yan! Gusto niyang tumulong pero kahit siya ay kinakain na din ng takot sa kanyang terror na professor.
"Hindi mo alam? Ano? Nganga? My God! Pang grade 5 lang yan class, true or false!"
Gusto nang bulungan ni Gelo yung katabi niya ng sagot para hindi na siya mapahiya at matapos na 'to. Pero siya naman ang malalagot. Hihintayin niya na lang yung chance.
"Anong pangalan mo?" Tanong ng professor sa babae. Pero hindi ito nakasagot at nanatili lang itong nakayuko at frozen in place. Halos naluluha na siya. Parang nakalimutan niya na ata yung pangalan niya.
Kung ako ang nasa lugar niya, sa tingin ko'y makakalimutan ko na din yung totoong pangalan, isip ni Gelo.
"May nakakaalam ba sa klaseng ito kung ano ang sagot?" Tahimik lamang. Naisip ni Angelo na ito na yung chance para matulungan ang babae. Unti-unti niyang itinaas yung kamay niya. "I knew it, idiots! Sabi ko na--" Tinaasan naman siya ng kilay ng professor nang mapansin siya. "Alam mo?"
Napatango lamang siya. Halata sa mukha ng professor na ayaw niya maniwala. At hindi lamang siya ang nagulat kundi ang buong klase. Ngumiti ang professor. "Okay, stand. Tell me your answer and explain it raw,"
"False p-po, k-kasi po y-yung rational expression ay only reduced to lowest terms kapag yung numerator at denominator po ay walang common factors other than 1."
Manghang-mangha ang buong klase sa sagot ni Angelo.
"What's your name, hijo?"
"Uh, ano po, Angelo Briones po."
"Well done, Angelo. Well done. For those of you who wants to survive your College Algebra class, kaibiganin niyo na si Angelo kasi wala lang yung tinanong ko kanina. Jesus, napakasimple lang non. Ngayon pa lang nakikita ko na kung sino yung makakapasa sa class kong ito. If you think wala kayo sa apat na yun na nasa isip ko, prove me wrong. Class dismissed,"
Umalis na agad yung professor at iniwang gulat ang lahat ng tao sa klase. Unti-unting umusbong ang ingay at nagusap-usap na ang bawat isa kung gaano kahigpit yung subject teacher nila na yun.
May ilang bumati at pumuri kay Angelo sa talino nito. Hindi siya makapaniwalang pinupuri siya sa unang araw niya sa college ng mga kaklase niya.
Ito lang pala ang subject ni Angelo sa buong araw. Naisip niyang umuwi na lang. Nagsilabasan na din ang ilan kaya niligpit na agad ni Angelo ang kanyang bag at naglakad palabas.
Nagulat siya ng biglang may kumalabit sa kanya. Lumingon siya. Yung babae kanina na niligtas niya sa recitation pala.
"Uhm, hello," bati nito na may kasamang pag-ngiti.
Ngumiti lang si Angelo. Hindi niya alam ang sasabihin.
"Uhm, I just want to say thank you so much. Alam mo na, yung sa kanina? You were--" tumigil pa yung babae na tila inisip pa kung ano ang tamang salita na pang-describe kay Angelo. "I don't know, unbelievable? Ang talino mo pala,"
Natawa siya.
Matalino? Parang sobra naman yun. Masipag lang mag-aral.
"Ah, salamat, wala yun,"
"Halika, lunch tayo? Libre ko," yaya ng babae. "Ako nga pala si Sunshine. Sunshine Herlina," kasabay nito ang pag-abot ng kamay.
"Gelo na lang," tipid na sagot niya kasabay ng pakikipagkamayan nila sa isa't isa. "Salamat sa alok ah, pero may pupuntahan pa kasi ako eh."
Ngumiti si Sunshine at tumango. "Ah okay, okay, next time then?" Ngumiti lang si Angelo. "Sige, see you around, Gelo."
Pareho na silang naglakad palayo sa isa't isa.
Little did Angelo knew na yung babaeng yun ang magiging susi sa mga pangarap niya.
BINABASA MO ANG
Everytime
Teen FictionIsang simpleng lalaki na pinapangarap ang isang babaeng pinapangarap din ng halos kalahati ng populasyon ng bansa. Yan si Angelo. Ngunit nang makilala niya ang isang babae, hindi niya alam na ito na pala ang magiging susi patungo sa pinakapinapangar...