Lagi na lang akong iniingit ng mga pinsan ko't mga kaibigan kapag may bago silang girlfriend o boyfriend. Karamihan sa kanila, kapag nakipag-break sa ka-relationship nila ay nakahanap agad, may kapalit agad. 'Yun namang mga may dati ng ka-relasyon, iniingit ako kapag anniversary na nila. Tulad ni Karlo, kapag anniversary talaga nila ni Maireen ay dumadaan pa sila sa bahay at iniingit ako.
"San,four years na kami! Je-je-je!" Habang nakaakbay at proud na proud sa maganda at mabait niyang girlfriend.
"O,sa'n mo na naman dadalhin 'yan?" pang-aasar ko naman. "Behave well ha,'insan!" Bilin ko pa. Kahit inaasar ko si Karlo ay pinapayuhan ko rin naman siya na h'wag lokohin o saktan emotionally ang girlfriend niya. Sa isip ko nga, ang swerte ni Karlo kasi nakatagl ng four years ang girlfriend niya sa kanya. Samantalang, may pagka-playboy si Karlo. Pero seryoso siya kay Maireen.
May pinsan rin ako at bestfriend na sobrang mag-bestfriend rin. Si Adong ang pinsan ko at si Philip naman ang bestfriend namin. 'Yung dalawang 'yun ang mahilig mang-asar. As in ang lakas mang-asar. Kunwari napadaan silang dalawa sa bakuran namin, tapos nag-iisa ako sa ilalim ng puno ng acacia, kunwari katatapos ko lang mag-gitara o kaya halimbawa no classes at nagpapahangin ako, o kaya doon nag-i-snack, pagtutulungan ako ng dalawa.
"Chirs, hindi ka naman sinagot?! Basted ka na naman?!" habang palapit si Adong sa akin, ang pinsan kong alaskador talaga. Nagmumukhang malungkot pa 'yan.
Sasabayan naman ni Philip. "Tol, pwde siguro mag-try ka uli sa girl, baka nagpapakipot lang 'yun!" seryosong-seryoso so Philip.
Nakangiti ako sa kanilang dalawa at pareho ko silang titingnan. Tapos bigla ko silang hahambasulin, bahala na kung saan ko sila matamaan.
"Kapal n'yo! um! Um! Pa'no ko maba-basted eh wala naman akong nililigawan!"
"Ah ganu'n ba?" Nag-iisip pa kunwari si Adong,buksador talaga ang loko.
"Akala talaga namin, nililigawan mo 'yung anak ng may-ari ng bakery sa kanto. Nursing student 'yun di ba?" Sabi naman ni Philip.
"Hindi ko s'ya typekasi sosyal s'ya. Ayaw ko sa sosyal, mga 'tol, gusto ko simple lang pero maganda. Pwede ba tigilan n'yo nga ako. Ang iniisip ko 'yung problem dolving sa Math!"
"Bakit hindi mo ksai ligawan si---"
Pinutol ko na ang sinasabi ni Adong."H'wag na,kung sino man 'yun. Kundi ko rin lang type, kundi rin lang ako in-love sa knya, iyo na,Adong!"
"H'wag naman, paano si Jessa ko?"
"Eh di sa'yo na lang, Philip!"
"H'wag naman, Chris pa'no naman si Diana ko?"
"Kunwari pa kayo pero tumitingin rin naman kayo sa ibang girls." hanggang ganu'n lang ang pambubuska na kaya ko.
"Nag-isip ng malalim si Adong. "Alam mo insan, nagtataka na talaga ako sa'yo. Minsan iniisip ko, baka may sumpa ka."
Natawa na naman ako."Tigilan mo nga ako, Adong."
"Walang sumpa 'yan," sabi naman ni Philip, "hindi lang marunong manligaw."
Dinipensahan ko ang sarili ko."Ako hindi marunong manligaw? Ang husay ko kaya manligaw!" Mayabang kong sabi. Marunong naman talaga akong dumiskarte sa girls kaya lang, sila ang mailap sa akin. Tingnan n'yo ha. First love ko si Dee,nung third year high school. Seatmate ko,close kami, niligawan ko. Pinaasa ako. Tapos malalaman ko,boyfriend na pala niya 'yung seatmate niya, si Frederico. Sh*t!