sinubukan kong lumayo sa shelter na yun dahil hindi ako naniniwalang ako yun kung saan saan ako napunta pero............
bakit andito nanaman ako sa daan kung saan ako huminto kanina
ang shelter? seriously? baka naman namamalikmata lang ako, sinubukan ko ulit maglakad palayo sa pagkakataong ito iba naman ang tinahak kong way baka sakaling mapunta na ako sa iba
but sh*t I'm here again and again until whennnnnnn!!!!
"ano nanaman ba to bakit kahit anong takas ko sa lugar na to dito at dito pa rin ako dinadala ng daan yun????" nasipa ko ang damong nasa tabi ko s ainis pero gaya ng ginawa ko sa batang kamuka ko ay tumagos lang din sa damo ang sipa ko na syang lalo kong kinainit ng ulo
hindi ko alam kung ano bang gusto ng matandang yun kung bakit pa nya ko pinapahirapan ng ganito ano bang kinalaman nya sa buhay ko?
ano bang dapat ko pang malaman dito kung bakit di ako makaalis alis dito!
I stop for being annoyed na kahit ano namang gawin ko eh hindi ako makakaalis dito
since hindi naman nila ako nakikita or nararamdaman I can go inside of shelter even though this is not my routine!
kung saan saan ako nakakapunta sa loob ng shelter na to ibang ibang gusali ang nakikita ko dito sobrang daming bata na nakatira dito ang ilan ay naghahabulan, napapaiwas pa nga ako ng di ko namalayan na may babangga pa sakin sa gulat ko akala ko matutumba ako or what
pero tumagos lang sila sa katawan ko na para ba akong spirit, ano pa bang expected ko diba?
sa di kalayuan natanaw ko ang dalawang bata na nakita ko kanina but this time iba naman suot nila at para bang lumipas agad ang isang araw sa kanila habang minuto palang ito para sakin
sinundan ko yung dalawa kung saan nagkukwentuhan sila, naupo ako sa tabi nila since di naman nila ako nakikita
"xeloy may ibibgay ako sayo pero pikit ka muna" excited na sabi nung batang fiona syang sya talaga ang ugali
"ano ba yan bakit kailangan ko pang pumikit?" takang tanong ng batang kamuka ko
"eh basta pikit ka" kulit nung batang fiona kaya pumikit tong isa at inilabas nang batang fiona ang isang necklace
"taddaaaahh dilat ka na xeloy" sambit nung batang fiona kaya dumilat naman tong xeloy at nagulat pa
"oh hala ano to kwintas? na susi?" takang tanong nito
"oo ako mismo gumawa nitong kwintas yung susi naman yan yung naiwan sakin ng parents ko ayun kay sister nakalagay daw yan sa tagiliran ko nung sanggol pa ako and ganda diba" manghang sabi nito
"galing pala sya sa parents mo bakit mo to binigay sakin?" takang tanong nito
"kasi sa lahat ng batang kasama natin dito sa ampunan ikaw lang ang tumanggap sakin sobrang bait mo at ramdam ko ang pagpapahalaga mo sakin kaya sayo ko yan gustong ibigay, sabi mo nga diba may mga gustong mag apon dito sa bahay ampunan pano nalang kung isa satin ang piliin malulungkot ako ng sobra kaya gusto kong ibigay sayo to para kahit magkahiwalay man tayo mahahanap pa rin natin ang isat isa dahil sa kwintas na to pero sana hindi tayo maghiwalay kasi natatakot akong malayo sayo"
paliwanag ng batang fiona matatakutin pala talaga to bigla na lang din nalungkot yung xeloy
"kahit ako rin naman fiona natatakot akong malayo sayo , gusto kong magkasama tayo hanggang sa paglaki, pangako aalagaan ko tong kwintas na binigay mo at palagi akong nasa tabi mo" sambit naman ng xeloy
BINABASA MO ANG
Unexpected Back in the Past :[Suga/Woozi] (On-Going)
General FictionMaraming taong nangangarap na sana maibalik pa nila ang mga panahong nakalipas na pwede pa nilang maayos ang lahat, ngunit sa realidad napakalabong mangyari ito. Pero pano kaya kung sa isang iglap biglang nagkatotoo ang salitang "Unexpected Back in...