1. Work

0 0 0
                                    

Monday morning

"Walang hiya kang lalaki ka! Ikaw ang may kasalanan ng lahat nang ito! Hindi sana ganito ang buhay ko! Tarantado ka!"

Nilakasan ko ang volume ng TV para hindi ko marinig ang buong pusong sigawan ng mag-asawa sa kabilang pinto ng aking apartment na tinitirhan ko. Sa araw-araw  yata na ginawa ng Diyos wala ng ginawa ang mag-asawa kundi ang magbangayan. Malamang sa malamang hindi na naman umuwi si mang tirso kagabi kaya nanggagalaiti na naman itong si aling gemma. Wala kasing ginawa yung lalaki kung hindi ang sayangin ang kanyang kita sa pag-iinom ng alak at sabong.

"Kung alam ko lang sana! Hindi na ako sumama sayo! Pinagtiisan ko nalang sana ang asawa ko at hindi na kumabit sayo!"

Ipiniling ko ang aking ulo. Ang alam ko kasi ay may kanya kanya silang pamilya bago magsama. Para sa akin, parang teleserye ang buhay ng mag-asawa sa kabilang pinto. Laging kaabang abang ang susunod na kabanata. Isa pa  parang hindi kumpleto ang umaga ko kung hindi ko sila maririnig magsisigawan.

Sila din siguro ang dahilan mung bakit sa dalawampu't tatlong taon ng buhay ko ay hindi ko naisip na magkaroon ng kasintahan.

Maya-maya ay tumahimik na ang paligid. Marahil ay tapos ng magbangayan ang mag-asawa. Tinapos ko na ang pagkakape ko at saka tumayo, naligo na ako kanina pagkagising ko at magbibihis nalang ako ngayon. I checked the time. I still have an hour and forty five minutes, bago ako malate sa trabaho. Isang bagay na hindi ko kayang magawa buong buhay ko.--- Ang malate.

Matapos magbihis ay lumabas na ako sa aking apartment. Inayos ko muna ang aking kwelyo na kulay gray na uniform at saka ko inilock ang pinto at habang naglalakad ako palabas ng gate ng apartment ay nakita ko ang isang magarang kotse na naka-park sa tapat.

Hindi ko na kailangan magtaka, alam ko na kung bakit naroon iyong kotse. I rolled my eyes, nang lumabas na ako ng gate ay kasabay ng pagbukas ng pinto ng kotse. It's Leo again. Lumapit siya sa akin at may inabot na naman bulaklak.

"Good morning Althea" ngingiti ngiting bati nya.

"Bye Leo" Kinawayan ko sya at tumalikod na. Swerte naman dahil paglabas ko sa may kanto ay meron ng nakaabang na jeep. Sumakay na agad ako roon para hindi na makasunod si Leo sa akin

Kinipkip ko ang aking bag sa aking kandungan. Maingat akong nakaupo sa jeep dahil nakaskirt lang ako at baka mamaya nakikita na pala ang aking perlas. Kaya maingat ako. Hindi nagtagal natanaw ko ang building ng Ortega system company. Pumara ako at agad ng bumaba.

Pangiti-ngiti akong naglalakad papasok sa building. Hindi ko hahayaan na masira ni Leo ang aking linggo. Lunes na lunes ay binubusit niya ang aking araw, kaya hanggat kaya ko ay iiwasan ko siya, kahit na alam kong malabong hindi kami magkita dahil supervisor siya sa department namin.

"Good morning Althea" Bati sa akin ng mga kasamahan kong nagtatrabaho dito sa OSC. I just smile, hindi ko naman sila kadepartment pero palagi nila akong binabati tuwing magkakasalubong kami.

Hindi ako friendly na tao, pero once na nagustuhan ko ang isang nilalang, kinakaibigan ko talaga ito. Katulad ni Belle, sumakay na ako sa elevator papunta sa department ko.

Ng nakarating na ako sa department ko nagtataka akong naglakad, dahil nakita kong nakapila ang mga ka-opisina ko sa labas ng department. Nagyayari lang naman kasi ito tuwing darating ang big boss.

"Hoy, andito si sir Henry?" Kalabit ko kay belle. Tinignan niya ako

"Wala! Pinipilahan lang namin yung bagong staff. Ang gwapo mhie!" Tili nito. Staff? Gwapo?

Napailing nalang ako. Natuloy na ako sa pagpasok, sumunod din ang mga kaofficemate ko. Sakto namang dumating si Leo at nilapitan ang bagong staff na sinasabi nila, nasa dulo ng department naka upo, ibig sabihin pag sa dulo nakaupo nasa mababa kang position, hindi ganoon kataasan ang sweldo.

"Guys, This is Ethan Andrada, bagong kasama natin dito sa department na ito" Pakilala ni Leo sa lahat.

Napanganga ako ng makita ang staff na sinasabi nila. Habang nakatingin ako sa lalaking iyon nakadama ako ng uhaw. Uhaw na hindi ko maipaliwanag, napahawak ako sa aking lalamunan at lumunok ng ilang beses, char lang. Familiar mukha niya, nakita ko na sya.

Siya ang bartender sa club nung isang araw.

So Ethan andrada pala pangalan nya. Cutie

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What is the useWhere stories live. Discover now