Chapter 2

4.7K 74 32
                                    

THE loud sound of the alarm clock abruptly woke me up. Groggily, I reached out to turn it off and stretched my limbs to shake off the stiffness from sleep. Tumayo na rin ako sa higaan na may gulong buhok kaya sinuklay ko nalang iyon gamit ang aking daliri. Sorry, tamad lang kumuha ng suklay.

Nakapamewang kong tiningnan ang nakanganga kong kaibigan na tulog na tulog na pa rin. Hindi siguro ito natulog agad at ayoko rin itong gisingin dahil tulog mantika pa naman. Nagtaka ako nang makita ang cellphone kong nasa labas na ng aking bag kaya kinuha ko ito binuksan.

Bumungad sa akin ang pangalan ng isang apps. Matchmaker: Dating with a twist. Napataas ang aking kilay dahil wala akong naalala na nag download ako ng dating apps sa cellphone ko at hindi ko naman hilig ng mga ganito.

I clicked on the application and began to explore. Wala itong profile picture at parang kakagawa lang pero nang makita ko ang message area ay may nakalagay roon.

Phantompurse sent you a message

‘Hi! This is my first time to try this application. It's quite good. Are you there?’

Nag scroll ako pataas pero wala namang ibang message maliban sa kanya. Sino na naman kaya ang gumalaw sa phone ko? Si Shena? Pero, hindi naman niya alam ang password ng phone ko.

A new message arrived kaya bumalik ako sa message area at nakita kong online pala ang mysteryosong nagchat sa account na hindi ko alam kung sino ang gumawa.

Phantompurse sent you a message'

‘Hey, You're online but you didn't even reply to my last messages. Are you ghosting me?’

Mukha ba akong multo? Tangina nito.

[Me]

‘Hello. Sorry but this is my first time using this app. It happened to download on my phone. I'm not really sure how to use this though.’

Agad kong pinindot ang send button at napakagat na lamang ng kuko. Mabilis itong nagseen at nakita ko ang type sign. Wala ba itong ginagawa? Ang bilis naman yata iseen?

Phantompurse sent you a message'

‘Oh, are you trying to explain yourself so I'll conveniently forget what you did? You've practically flooded my messages with your nonsense.’

Hala ka, buang ba 'to?

Imbis na pabayaan ko ay mas kumulo ang dugo ko. Langhiya kung sinong abnormal ‘to ah. Inis akong nagreply.

[Me]

‘Nonsense? You're the one talking nonsense here, Mr. Kung sino ka man, mamatay ka na ng maaga!

With emoji pa na angry, para dama niyang galit ako.

Phantompurse sent you a message:

‘Wow, that's harsh. I don't even know you and you're already wishing me dead? Real classy.’

Buwisit talaga. Sino bang tao ‘to at ang kapal ng mukha?

[Me]

‘Well, excuse me, Mr. I don't know you either, and you're accusing me of ghosting you. Ganon ka ba talaga ka assuming? And besides, bakit nandito itong app na ‘to sa phone ko, e hindi ko naman ni-download?’

Phantompurse sent you a message:

‘You expect me to believe that? Kung ayaw mong sumali sa dating app, then don't. Pero kung magsisinungaling ka, make it more believable next time.’

Napasimangot ako sa nabasa ko. Anong akala nito, madali akong paasahin? Buang ba siya?

[Me]

‘Magsisinungaling? Hoy, for your information, wala akong time para sa mga ganitong drama. Kung ayaw mo maniwala, bahala ka. Pero hindi ko nga alam paano napunta ‘tong app na ‘to sa phone ko. Baka hacker ka pa nga e.’

The Millionaire's Matchmaking Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon