"Uh Tita, si Shion po? Nandyan po ba?" pakinig kong tanong ng tao sa labas kaya tinakpan ko pa lalo ang bibig ko.
Hindi na ako makahinga dito. Hindi na nga ako pumasok tapos pupuntahan naman ako sa bahay.
"Naku Heli, hindi pa bumabalik eh. Nag paalam kasi kanina na lalabas siya. Hindi nyo ba nakikita nila Jakah?"
Nice save, Mama. Kaya loves na loves kita eh.
"Hindi nga po pumasok eh. Sige po Tita. Thank you po, balik nalang po ako tomorrow, since baka po maisipan ni Shion na pumasok kasi may na miss po siya sa school."
Napakagat ako ng ibabang labi ng marinig ko ang huli niyang sinabi. Nilaksan niya pa ang boses niya kaya malinaw ko yong narinig mula sa sala namin.
"Ma, wala na ba?" bulong ko kay Mama ng pumasok siya.
Agad naman akong binatukan ni Mama kaya napanguso ako. Ano ba naman yan, Ma, anak mo ba talaga ako?
"Bakit mo ba iniiwasan yang si Heli? Parang dati lang, favorite Kuya mo yan tapos ngayon, grabe ka kung maka iwas." umupo si Mama sa tabi ko kaya alam ko na kaylangan kong ikwento kung anong nagyari kagabi.
"Ma, kasi ano,"
"Ano?"
Napatungo ako bago maramdaman ang pag iinit ng mga tenga ko. "Sabi kasi niya, he likes me daw," bulong ko.
Napa irit naman si Mama bago ko maramdaman ang pag hampas niya sa braso ko. Aray ko ha.
"Ma, bakit ka nananakit?!" sigaw ko. Grabe, parang hindi anak ha.
"Kasi naman. Finally finally! Ang manhid mo din kasi anak, bakit hindi mo nararamdaman yang nararamdaman ni Heli sayo eh hindi naman siya subtle,"
Bakit nga ba? Kailan nga ba nagsimula?
"Ang tanong anak, gusto mo din ba siya?"
Muli akong nag iwas ng tingin kay Mama ng ngisian niya ako. Alam na alam ko na ang mga ngisi ni Mama na nakakaloko.
"Ewan ko po."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanya. Iniwan niya ako two years ago ng walang paalam. That year was may darkest year kasi habang broken hearted ako sa kanya ay nagawa niya pang mang iwan ng walang paalam knowing na wala naman akong ibang kaibigan aside from him.
Saka ko lang din naman nakilala si Jakah noong umalis siya. Kaya when he left, I was really devastated. Ni rason hindi niya maibigay kung bakit siya umalis.
Nagising nalang ako ng wala na si Heli. Umalis na siya ng walang paalam.
"Hi Tita, si Shion po? Uy grabe, sakto hindi pa ako nag aalmusal. Pakain ako Tita ha!"
Kunot noo akong pumasok sa kusina ng umagang umaga ay boses ni Jakah ang bumubulabog sa pandinig ko. Ang kapal talaga ng mukha nito at dito pa dumayo ng kain.
"Hoy, eight pesos yang itlog na kinakain mo! Tapos 50 yang tinapay. Kain ka ng kain, wala ka namang ambag," inis kong binato ng tissue si Jakah kaya napalingon siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Always You [HEESUN ONE SHOT]
Fanfiction"Wala naman sigurong kapatid ang gugustuhing halikan ang kapatid niya sa labi diba?" A short filo one shot staring with Lee Heeseung as Heli Lee and Kim Sunoo as Kim Shion. ❗ All of the events, name, and place inside this fiction are all product of...