• 2 •

0 0 0
                                    

My name is Antonette Taus Mikabelle, 23 years old. My family is not that rich at all but because of me being a famous Author and being top in the class, naiahon ko sila sa kahirapan. Gumaan 'yung buhay namin. Wala akong kapatid kaya ang atensyon ng family ko ay sa'kin lang. Miracle child nga daw ako eh.

I started writing at the age of 15.

Before the interview, I always got gifts from unknown person. Mga death treats.

'I should kill you, you're a pathetic bitch. A two-faced bitch who thinks she's the most famous writer.'

'A delusional bitch, I'm better than you.'

At iba pa, lahat ng 'yun ay binaliwala ko lang. Tiniis ko ito ng maraming taon. Pero paano kung may kinalaman ang taong 'yun sa nangyari sa'kin?

Ang aga ko naman namatay, 23 palang ako eh. Wala pang asawa, wala ding boyfriend!

Sa pagsusulat ko talaga nabuhos lahat ng atensyon ko.

Pero teka nga, bakit parang nilalamig ako? tapos mainit ang pakiramdam ko sa palad ko?

Ganito ba talaga sa langit? Or sa impyerno, pero alam kong mabait ako kaya sa heaven nga.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, napapikit pa ako dahil sa liwanag. Mukhang nasa langit na nga ako, buti naman at hindi sa baba.

Kumirot ang ulo ko kaya hinawakan ko ito gamit ang kanang kamay ko dahil sa kaliwa ay parang may nakahawak na kung ano, hindi ko magalaw.

"Ahh ang sakit." daing ko.

"M-Miss?! Gising ka na po?" bigla akong napadilat sa sobrang gulat kahit medyo nahihilo ako.

Bumungad sa'kin ang babaeng nakamahabang damit, parang dress pero as in mahaba nga!

Gulat itong nakatingin sa'kin, hawak niya 'yung kamay ko! Bakas din ang kasiyahan at mga luha sa mata niya.

Omg sino 'to?

Bigla siyang umiyak at niyakap ako, sa sobrang pagkabigla ko ay pilit ko siyang tinutulak pero mahigpit talaga!

Naiipit 'yung mukha ko sa malaki niyang dibdib! Oo na hindi ganito kalaki ang akin.

"T-teka hindi na ako makahinga!" sigaw ko sa kanya, natataranta naman siyang bumitaw sa'kin at lumayo. Nagulantang pa ako ng bigla siyang lumuhod.

"P-patawad po Miss! Hindi ko lang po talaga makontrol ang aking sarili sa tuwa." nakaluhod habang nakayukong saad niya kaya napangiwi ako. Takot na takot naman 'to.

Buhay pa pala ako? Pero nasaan naman ako?

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong ito, maganda at pang mayaman! Makaluma din ang style I mean parang kwarto ng prinsesa!

Malaki din ang kama at malambot.

Bago na ba ang bahay namin?

Tiningnan ko uli ang babaeng nakayuko pa din hanggang ngayon. Kumurap ako.

Don't tell me 10 years akong na-comatose tapos sobrang yaman na pala namin, and itong babaeng ito ay maid ko! And ito na ang bago naming bahay!

Parang imposible naman ata 'yun?

Diba dapat patay na ako? Sa puso ako tinamaan.

"Wait nga, nasaan ako?" tanong ko sa babae, umayos siya ng pagkakaluhod habang nag tatakha akong tinitingnan.

"P-po? Narito ka po sa iyong kwarto." kumunot ang noo ko.

Panaginip ba 'to?

Sinampal ko ng isang beses ang pisnge ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Got Reincarnated On My Own Story!Where stories live. Discover now