My Very Own Daniel Padilla
© MissShine 2013
Here's my first one shot! Sana magustuhan niyo po. :))) Dedicated nga pala ito kay ate Chee. Idol ko yan sa paggawa ng oneshots eh. Para sa akin siya ang Mother of Oneshots. Hehehe XD
Pasensya na po kung maraming mali ah? Pagpasensyahan na din ang plot. Hahaha! XD
-----------------------------------------------------------------------------------
"Oh Oh Oh Ohh Ohhh Na-nasa 'yo na ang lahat" kanta ko habang naglalakad sa hall way.
"Good morning Prez!" bati ng mga nakakasalubong ko sa akin.
"Good morning din" ^____^
"Mukhang good mood tayo ngayon miss president ah? Pakanta kanta na lang eh. Hehe" sabi sa akin ni Nina na nakasabay ko sa paglalakad, classmate ko.
Nginitian ko na lang siya ng malapad bilang pagsang-ayon. Good mood ako ngayon kasi narinig ko sa radyo kanina sa jeep yung kanta ni Daniel Padilla, one of my celebrity crushes. Ewan ko pero nakakagood vibes eh. Kinikilig ako sa tuwing naririnig ko ang kanta na iyon. Maybe dahil sa meaning nung kanta? Oh dahil sa fact na gwapo at mukhang maangas ang kumanta? Hihihi <3
*****
Papunta ako ngayon sa office ng student council dahil may mga kailangan akong ayusin. Sakto, wala pang tao sa loob. Tuloy pa din ang pagkanta ko ng Nasa'yo Na Ang Lahat.
"Oh oh oooh. Na-nasa iyo na ang la-----ay palaka! Ano baaaa! >___<" Isasara ko na sana habang nakatalikod ang pinto ng SC office kaso bigla itong bumukas. As in bigla talaga! Kamuntikan na akong masubsob!
"Ang gwapo ko naman atang palaka" sabi niya sabay pogi sign pa at saka niya isinara ang pinto. Inismiran ko lang siya.
"Pwede ba Vince, bakit andito ka na naman? Off limi----"
"Off limits to sa mga hindi officers. Yeah yeah." pagtutuloy niya sa sasabihin ko na para bang ilang beses na niyang narinig iyon.
"Wow, ang galing. Kabisado mo na pala." I said sarcastically. "Eh bakit hanggang ngayon nagpupunta ka pa din dito kahit alam mong bawal?"
Tiningnan niya ako nang diretso sa mata. Tila ba may gusto siyang sabihin kaso hindi niya magawa. I was hoping na kaya siya palaging nagpupunta dito ay dahil gusto niya akong makita o makasama. Pero as if naman. Isa lang naman akong hamak na kababata para sa kanya. Pero kung yun man ang dahilan niya kaya siya palaging nambubulabog dito, malamang dahil gusto lang niyang asarin at bwisitin ako o kaya naman ay may ginawa na naman siyang kalokohan. =___=
"Kasi masarap gawin ang bawal" he said with a playful smirk.
Siya nga pala si Vincent Montenegro, ang naturingang Daniel Padilla ng school na to. Parehas silang maangas and uhm.... gwapo. Pero para sa akin, mas gwapo siya kay Daniel >////>
BINABASA MO ANG
My Very Own Daniel Padilla ♥ [one shot]
Teen FictionMaangas siya, gwapo siya. Siya ang Daniel Padilla ng school namin, sabi nga ng iba. Pero kahit ganoon pa man, wala ng hihigit pa sa kanya. He’s my very own Daniel Padilla. ♥ A/N: Hindi po ito KathNiel fan fiction XD