Chapter 2

348 32 5
                                    


"Wag na wag kang makikipag-usap sa mga taong di mo kilala at wag makikipag-boyfriend na di sinasabi sakin.Basta pagkarating na pagkarating mo ng maynila tatawag ka nak ha?" paalala ni nanay na mahahalatang may lungkot sa muka nito. Andito ako ngayon sa Airport dahil ngayon ang alis ko papuntang Manila. 

Dalawang linggo na rin ang lumapis mula ng malaman kong nakapasa ako sa paralang pinapangarap ko. Hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwa sa mga nangyayari. Unang araw ng pasukan bukas kaya halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Di ko na kailangan pang lumuwas ng Manila para sa enrollment dahil ginagawa na ito online.

"Pangako Nay, ilang beses nyo ng pinaala sakin yan eh nabaon na nga ata sa utak ko di na matanggal oh. At pangako mo rin na di mo papabayaan sarili mo, matulog ng maaga nay ha?" sabi ko kay nanay sabay yakap rito. Unang beses naming magkakahiwalay at sigurado akong matatagalan pa bago kami magkitang muli.

"Bestie" nabaling ang atensyon ko kay Lea ng bigla itong magsalita.

"Isa kapa, nakikisali kalang ata sa kadramahan ni nanay eh" sinuntok niya ako ng mahina lang naman sa balikat, pero nagyakapan narin kami. Kaibigan at kapatid ko narin siya. 

 "Susunduin ka ni  Joe at ng inaanak ko sa Airport Kathy at si Joe narin ang maghahatid sayo araw-araw pagpapasok ka"  saad ni Mam Claire.

 "Maraming salamat po" niyakap ko rin si Mam Claire at yumakap rin siya sakin .

Di na siya iba sa akin, madami narin siyang natulong samin ni nanay  kaya napamahal narin siya samin.Grabe lang ha ! Drama namin.

Yakapan at paalala lang ang nangyari habang hinihintay namin ang flight ko, at ng tuluyan na ngang tinawag ito ay nagpaalam na ako ulit sa kanila isaisa.




 "WOW!" yan yung first word na nasabi ko ng makababa na ako ng eroplano. First time ko sa Manila kaya kinakabahan ako. 

Lumabas na ako ng airport dahil ang sabi sa akin ni Mam Claire ay sa labas daw ako ng Airport susunduin ni Mang Joe. Ang nakakainis lang ay sa laki ba naman ng airport na to, pano ko hahanapin yung exit? Nagpatinaod lang ako sa agos ng mga tao hanggang sa makalabas na ako.

"Excuse me po Mam?" bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Kalbo ito at mahahalata ang katandaan ng lalaki dahil sa itsura nito. "Kayo po ba si Kathy Magpugay?" patuloy na tanong nito.

"Ah opo ako nga po yun, kayo po ba si Mang Joe?" tanong ko namang pabalik rito.

"Ah opo Mam, akin napo yang mga bagahi nyo " kinuha niya ang ilang bagahi ko at nilagay sa likod ng van.

 "Salamat po" ang tanging nasagot ko na lamang.

 "Tara napo Mam" yaya ni Mang Joe nang tuluyan nang mapasok sa likod ng van ang mga gamit ko.



 Nagtataasang gusali at maiingay na sasakyan ang una mong mapupuna sa Manila. Halos lahat ay may sariling mundo. Nakadungay ako sa bintana ng sasakyan ng may maalala ako.

"Ah Mang Joe, diba po dapat dalawa kayong magsusundo sakin?" ngayon ko lang naalala na dalawa pala silang magsusundo sakin.

 "May party pong pinuntahan kaya hindi po nakasama" sagot ni Manong.

Ah kaya naman pala. Siguro may night life din yung inaanak ni Mam Claire, yun yung alam ko sa mga kabataang may kaya sa buhay  at laging syudad.

"Mang Joe matagal napo kayong nagtatrabaho kay Mam Claire ?" wala na akong ibang maisip na tanong. Ayaw ko ng sobrang tahimik dahil parang ang lamya ng paligod.

 "Ah opo Mam mahigit limang taon napo" 

"Eh kung ganon di nyo inuuwian pamilya niyo?"

 "Opo Mam, ako lang kasi ang bumubuhay sa kanila kaya kailangan kumayod para may mapakain sa pamilya. May mga apo rin po kasi akong umaasi rin sa akin"

Di ko maiwasang malungkot sa kalagayan nito. Alam ko ang nararamdaman na kalungkutan ng mga anak nito na mawalay ng matagal sa ama dahil kahit ako ay nangugulila rin.

"Siguro miss na miss nyo napo sila" 

 "Ganon po talaga ang buhay Mam, di lahat sasangayon sa gusto mo kailangan mong kumayod"

 "Mang Joe, pwedeng humingi ng dalawang pabor?"

 "Kahit ano po Mam"

 "Una, gusto ko po wag niyo napo akong tawaging Mam, kasi po nakakailang. Kathy nalang po. At pangalawa dapat lagi kayong nakangiti, parang ganito po oh! " ngumiti ako ng pagkalaki-laki at napatawa nalang si Mang Joe. Alam ko para akong tanga. 

Minsan sinasabuhan akong tanga dahil lagi raw akong nakangiti, pero para sakin mas maganda talagang nakangiti. Nakakawala ng bad vibes. Being happy is a choice, so as being angry, sad, etc. Pakit mo pipiliing maging malungkot kung sakit lang naman sa puso ang resulta nito? Choosing happiness is choosing life.

"Sige Kathy" nangmakabawi sa pagtawa nito.

 "Yan! dapat lage kayong masaya" 

Nabalik ang atensyon ko sa labas ng bintana ng mapansin akong malaking gusali na sa tingin ko ay isang mall.

 "Mang Joe, mall po ba yun?" tanong ko agad dito bago niya itp malampasan.

 "Oo, bakit maykailangan kabang bilhin?" 

 "Opo, okay lang po ba kung huminto tayo saglit?" 

 Tumango lang si Mang Joe at agad na lumiko para dumiretso sa parking lot ng Mall.

 "Sandali lang po ako" sabi ko kay Mang Joe at tumango lang siya.

Dalidali kung hinanap ang tindahan ng mga camera. Ito kasi ang inutos ni nanay sa akin sa oras na makarating ako sa Manila.


 "Yan! ibili mo yan ng Camera anak at dalhin mo dito ang Maynila para sakin." sabay abot nang pera sa aking ni Nanay.

"Opo na , sisiguraduhin kung magugustuhan mo yung mga kuha ko at sa susunod di na ang Manila ang dadalhin ko kund kayo na po ang dadalhin ko dun" ngiti kung sagot dito.


 Nang makita ko na ito ay agad akong pumasok at bumili. Medyo may kamahalan pero mabutit umabot yung perang binigay sakin ni Nanay. Nang natapos ko ang pakay ko dun ay agad narin akung umalis.

Pabalik ako ng parking lot maymarinig akong lalaking galit batay sa mga sinasabi nito.

 "Fuck! Bakit ngayon kapa nasira!"

Memories Across the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon