3: WHITE LIES

6K 228 71
                                    

'White lies are typically told to benefit others, yet they can sometimes be told for one's personal gain.'

•❅───✧❅✦❅✧───❅•

»»---- 7 Years Ago ----««

HERA AVERY POINT OF VIEW

Sunday. I'm standing in front of the Palermo Mansion door right now rather than leaving with my family dahil supposedly, Sunday is family day. I'm wearing a floral-patterned summer dress outfit paired with platform sandals.

Tinignan ko muna ang garden ni Tita Red na Royal Palace inspired kaya ang ganda tignan sa mata pero kapag gumawi ka ng kaonti sa bandang kanan ay agad mong masisilayan ang naglulusuganang tanim na gulay ni Clio.

Huminga ako ng malalim. Siya ang dahilan kung bakit every weekends ay pinapabuhat ako ni Mommy ng fruits and veggie grocery, weekly para sa sariling bahay ni Clio. Yes bahay ni Clio, may sarili nga siyang studio art as sariling farm property na malapit lang rito.

"Oh Avery, nandito ka na pala" Tita Red kissed me on my cheek "Aalis kami ngayon ng Tito Winter mo pero babalik rin kami this afternoon. Tiisin mo muna ang apat na wirdo ko mga anak"

I laughed. Apat? Lima po Tita, nasobrahan kasi si Clio ng enerhiya sa katawan. Sa limang magkakapatid, talagang si Clio lang ang umaaktong bata, she's not that smart kaya makaka-usap mo siya na hindi dinudugo ang utak while the rest Diyos ko! From Solar system to Earth Core ang pag-uusapan.

"Good morning Avery" Isang boses ang pumukaw sa tenga ko, tumingin ako sa paligid, nahanap ng mata ko si Tito Winter na pababa ng hagdan, naka smart casual attire.

"Good Morning po Tito" yumuko ako bilang galang, binigyan niya ako ng pat sa ulo.

"Knight was extra grumpy last night. Careful"

Lumapit siya kay Tita, agad na yumakap si Tita Red sa braso ni Tito. Sana all.

"Ikaw na muna ang bahala ha? Kung may ginawang kalokohan ang mga anak ko, isumbong mo na lang kay Daniel o kahit kanino na nandito sa bahay"

Napangiti ako dahil kung magsalita si Tita ay wala ng ginawang matino ang mga anak niya. Well, totoo naman.

Tumalikod na silang parehas at lumabas ng bahay. Huminga ako ng malalim, kakayanin ko 'to.

"Hello Avery! I like your dress!" Biglang may sumigaw mula sa second floor, kasunod nito ang mabibilis at mabibigat na yabag pababa ng hagdan.

Habang bumababa ng hagdan ay umaalon ang wavy hair ni Frigg. Kumikinang ang kanyang matang nakatuon sa aking dress. Kaya lang naman ako nagsusuot ng mga ganitong outfit ay dahil minsan na niya akong sinita sa pagiging out-fashioned ko.

Nakasuot pa siya ng pajamas kaya hula ko ay bagong gising palang siya. Lumapit siya sa akin saka ako inikutan habang nakamasid sa suot kong damit. Napahigpit tuloy ako sa hawak kong basket, bigla akong kinabahan at baka ako'y laitin na naman.

"Veggies and fruits again?-What the heck is this strange thing?" Sabay turo sa rambutan.

Hindi ako nakapagpigil kaya napalakas ang tawa ko sa harap niya.

"What? I really don't know its name Avery!" She crossed her arms across her chest.

"This is rambutan" saad ko saka kinuha ang prutas mula sa basket at inilagay sa kanyang palad.

"No wonder why I didn't recognize it, it looks ugly. What's the scientific name of rambutan?" Her eyes are full of curiosity.

"Hindi ko alam, basta rambutan 'yan" I said.

The Epitome of Algedonic LoveWhere stories live. Discover now