Locked 41

15.1K 210 1
                                    

Thank You po sa pagbabasa  :)



"Kier "



Napatulala ako feeling ko matatae *sorry sa word* haha! okay madudumi nalang ako sa iba't ibang emotions ko .



Pangungulila , galit , gulat at pagmamahal?......




"Haily Loves." o.O oh my tinawag nya ako sa second name ko ? Sa pangalan na gusto kong itawag nya sa akin .



Napatulala lang ako sa kanya at sya rin sa harap ko pero ilang sandali lang iyun dahil naramdaman ko nalang na nakakulong na ako sa mgayakap nya . Napatulala ako sa yakap nya hindi ko maitatanggi na ito yung matagal ko ng hinihintay yung mayakap at makulong ako sa mga bisig nya .



Nakakamiss



Isinubsob nya yung mukha nya sa leeg ko at mayamaya naramdaman ko na basa na yung damit ko .



Umiiyak ba sya?.... Malamang Cindy umiiyak sya alangan naman na laway nya lang yun diba ?.



Bumulong sya sa tenga ko na nagbigay sa akin kakaibang pakiramdam ng sumayad yung mga labi nya sa tenga ko .



"Konting panahon nalang Haily magkakasama narin tayo." Hindi parin ako makarecover sa pagkikita namin kya para akong manhid na walang pakiramdam sa mga nangyayari .



Humiwalay sya sa akin saka ako hinalikan sa noo pababa sa labi ko .



I close my eyes all I can is black pero biglang nagbago iyun ng sabayan ko na yung ritmo ng mga labi nya , ang tangi ko nalang nakikita.


Those times were happy and together .




Lumayo sya sa akin makalipas ang ilang segundo saka ako niyakap ulit ng mahigpit .




"Magpapaliwag ako sayo kapag wala ng baliw na hahadlang sa atin ." Humiwalay sya sa akin saka lumakad palayo sa akin .



"bye for now Haily ."




Haily I close my eyes ng bigla kong naalala........



"Haily huwag ka ngang umakyat diyan baka malalag ka ." napairap ako sa sinabi ni Tabachoy . Pssh! Kunwari pa ....



"Naku huwag mo akong gaguhin Tabachoy baka nga matuwa kapa pagnahulog ako dito eh mawawala na yung ng bubully sayo malaya kana."



Umakyat pa ako ng mas mataas sa puno ng mangga ang dami kasing hinog ang sarap pagpipitasin kahit sa kapit bahay pa namin ito.



"Kahit na kaaway kita ayoko paring makitang nasasaktan ka , saka never akong sasaya kapag nakita kitang umiiyak dahil nasasaktan ka." narinig ko pang sabi nya .




Ano nanaman kayang drama nito?.




May nakita ako na mas hinog at malaking mangga kaya kumapit pa ako sa mas mataas na sanga ng puno ng biglang may kumagat sa paa ako.



"Ahhhhhh ! May hantik ..... may langgam ."  nagwawala na ako sa sobrang takot na baka kung saan pa pumunta yung mga langgam ng biglang naputol yung sanga kaya kasama ako ng nahulog yon.




"HAILY"




"AHH TABACHOY."






Naghihintay akong bumagsak sa lupang maputik ng parang hindi sa putikan ako nahulog ?.



Nakapikit kong sinalat yung binagsakan ko ng may makapa akong three layer of banaue rice terrices . xD Haha!




Hala bakit parang humihing toh ? ibinaba ko pa yung pagkapa ko sa bandang ibaba nung pinaghulugan ko with matching pikit mata parin ng makarinig ako ng umungol .



Hala ano yun?.



"ughh! Ha...haily ahhh huwag dyan ." mabilis akong dumilat ng maramdaman ko  may nagsalita .




Oh my gosh! kay Tabachoy pala ako pumagsak nasa taas nya ako at sya naman nasa baba ko .




At sabay kaming napatingin sa kamay kong nakahawak sa Birdy nya .


>////< awkward ....





----



Nalala ko na si Tabachoy lang ang tumatawag sa akin na Haily maari kayang si Kier saka si Tabachoy iisa? Pero ang macho naman ni Kier  kay  Tabachoy .



Mabilis akong bumalik sa loob ng bahay dala yung paborito ng mga anak ko .



Mabilis na lumapit sa akin sila para ipakita yung kinulayan nila. Pagkatapos namin kumain nagpasya kami na pumunta doon sa kubo malapit sa dagat .


"Mami kelan po ba kayo pupunta kay Na?." Lie


"Bukas anak bakit?."



"Mami sasama po ako tapos kakantahan ko po sya gamit ito." sabi nya sabay taas nung maliit nyang gitara  .



"Bakit liligawan mo na ba thya Lie?." reese


Ngumiti lang ng matamis si Lie kay Reese saka nag strum sa gitara nya.



Lumipas ang ilang araw hindi na ulit nagpakita si Kier para tuloy nagsisi pa ako sa hindi pagkibo sa kanya.



" Tita Cindy kelan po ulit pupunta sila Lie dito?,." actually halos araw-araw nandito ang mga anak ko ewan ko ba dun ginagawang play ground ang hospital .



"Baka bukas isinama kasi sila nila nanay Helen para mamili ng mga gamit ."



"Gamit po sa school?."


"Oo tuturuan ko na kayong sumulat ng pangalan nyo gusto mo ba yun?." bigla naman nagliwanag yung mukha nya saka tumango ng tumango .


"Pagka umuwi sila mama at papa sa linggo sasabihin ko po sa kanila na marunong na akong magsulat ." pumapalak pang sabi nya .


5 years old na sya pero hindi pa sya marunong sumulat ng pangalan nya at hindi pa sya nag-aaral dahil hindi pwedeng puwersahin yung utak nya dahil baka mamaya lumala lang yung sakit nya.



Tok tok tok 

Humahangos naman na pumasok sa loob ng kwarto si Kyle isang gwapong nurse dito sa hospital .

"Ate Cindy kailangan ni Dr. Candelaria ng nurse karamihan kasi sa nurse natin ngayon mga nakauwi na  Emergency daw." hinihingal pa nyang sabi


Tumingin ako sa orasan and I check alasdiyes na pala ng gabi .


"Okay sige susunod ako sayo ."

Pinatulog ko na si Na saka ako sumunod sa kanya , lubos ang akala ko na sa emergency room kami pupunta para iassist si Dr. Kyrron Candelaria . Yep sya yung sumalubong sa akin sa harap ng hospital nung humahangos akong papuntadito galing sa park . Gulat na gulat pa nga ako nung nakita ko sya eh akala ko si Tito Kiefer nun pala kapatid nya na tito ni Kier akala ko nga dati yung tinawag na Dr. Candelaria nung security guard ay si Kier eh .



Hindi lang naman sya Candelaria na doctor ahh?.


"hmm? Kyle bakit tyo nandito diba dapat sa emergency room?,." tanong ko sa kanya ng dalhin nya ako sa rooftop.



Tinawanan nya lang ako sa nagmamadaling umalis at sabi pa sa akin hintayin ko daw si Dr. Candelaria .


Umupo ako sa may bench sa gilid ng railings . Tanaw dito yung mga kabahayan  at ang tahimik hindi tulad sa Manila .




"I'm glad you came to my emergency."



Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Biglang bumilis yung pintig ng puso ko ng makita ko sya.



"So? Ito pala yung emergency na sinasabi ni Kyle?."



"Oo ito nga yung emergency ...... dahil baka mamaya mamatay ako sa pangungulila sa sayo ."  mabilis nyang tinawid yung pagitan namin saka ako niyakap ng mahigpit.




"Haily I miss you please makinig ka muna sa akin bago mo ako kamuhian ."



Ano pa nga bang gagawin ko? Lagi namang ganun kahit gustong gusto na syang patayin ng isip ko pilit parin syang binubuhay ng puso ko .


Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang nagkukwento sya simula sa umpisa hanggang sa ngayon.

LOCKED|Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon