Warning: SPG
Uncomfortable
Napalingon ako't napailing.
Kaagad akong pumunta sa pintuan para makalabas nang bigla niya itong hawakan!
"I said, what are you doing here?"
Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko na siyang nagpaestatwa sa akin. Kaliligo lang niya't nakasaplot ang tuwalya sa pang-ibaba!
"A-Ah... w-wala... napadaan lang ako, sorry." saad ko habang nakapikit.
Ano ka ba naman kasi, Kezzrah! Kung hindi ka sana pumasok edi hindi sana ganito!
"Oh, really? Maybe you just wanted to see me."
Nilingon ko siya't matalim na tiningnan.
"Hoy, kumag! Ang feeling mo! Hindi kita gustong makita 'no!"
Mas inilapit niya ang mukha sa akin at ini-angat ang kamay para ma-trap ako!
Napayuko ako at napatitig sa g-gitna niya.
Hinawakan niya ang baba ko at ini-angat.
"Don't be like that, you're turning me on."
Kita ko ang pagnanasa sa mukha niya.
Napalunok ako't napatingin sa labi niya, rason kung bakit hindi niya na napigilan.
Dahan-dahan niya akong hinalikan. Gusto kong umiwas pero taksil ang labi ko.
Bigla niyang binilisan at linaliman nang tumugon ako sa mga halik niya.
"Hmm..." ungol ko nang mas agresibo na ang palitan namin ng halik.
Nagsimula nang gumapang ang kaniyang kamay patungo sa aking leeg at likod.
Napansin kong hindi niya ginagalaw ang harap ko, maging ang pribadong parte ng aking katawan.
Gumapang na rin ang mga kamay ko sa kaniyang dibdib.
Noong naging kami'y hanggang halikan lang. Hindi namin hinahayaan na higit pa doon ang mangyari dahil alam namin ang aming limitasyon. Itong nangyayari ngayon, may mga pagkakataon na ganito kami dati, pero may suot siyang pang-itaas at pang-ibaba.
Iba pala talaga ang pakiramdam kapag mismong balat na ang nahahawakan at nahahaplos.
Naramdaman kong bubuhatin na sana niya ako nang biglang may kumatok!
Mabilis akong napalayo sa kaniya. Kita naman sa kaniyang mukha na parang na-badtrip siya.
"Bro? Bro, have you seen Kezzrah?"
Boses ni Prim 'yon!
Binilisan ko ang lakad at kaagad nagtago sa banyo.
Rinig ko ang pagbukas ng pinto at sagot ni Anz na hindi ako nakita at baka tumae lang raw!
Sa dami ng puwedeng irason, 'yon pa!
"Hey Cha, he's gone."
Kumatok siya ng ilang beses nang hindi ko binuksan.
Nakayuko akong lumabas sa banyo at mabilis tumakbo papuntang pintuan nang makitang papalapit na ulit siya sa akin.
Hinihingal ako nang makapasok dito sa huling kuwarto.
Bakit ba kasi ako pumasok do'n?
Hindi pa rin ako makapaniwalang ganoon ang nangyari!
Hindi nakikisama ang katawan ko sa kung anong sinasabi ng isipan ko kanina. In short, nanaig ang temptasyon!
Nag-focus na lang ako sa iba pang kailangang gawin matapos kong ginawa ang iniuutos ni Ma'am She.
"Cha, I'll take you home." turan ng taong nasa likuran ko ngunit hindi ko nilingon.
"A-Ah... huwag na, malapit lang naman. Ilang steps lang."
Lumabas na ako ng gate, pero sinundan niya pa rin ako.
Binilisan ko ang lakad pero ganoon rin ang ginagawa niya.
"Hey, your house is quite far from here. Something might happen to you."
Napatigil ako't liningon siya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Paano mo nasabing medyo malayo?"
Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin. "W-Well... Ninang just told me yesterday. Don't assume that I'm stalking you, tsk."
"Oh? Okay, sabi mo e."
Itinuloy ko ang paglalakad.
"How are you?" tanong niya at tinabihan ako.
Mukhang ihahatid talaga niya ako ah?! Kapag nakita kami ni Mesh, sigurado akong maraming itatanong 'yon!
"A-Ayos lang ako... I-Ikaw?"
Nanatili ang aking tingin sa dinadaanan namin, pero kita ko sa gilid ng mata kong nagulat siya. Hindi niya siguro inaasahan iyon, maging ako nga e. Ang kapal ng mukha kong magtanong. Naalala ko tuloy 'yong ikinuwento ni Manang.
"Miserable for years. But, I'm fine now, I guess."
Napapikit ako.
Alam kong ako ang dahilan.
Alam kong nasaktan ko siya, pero wala na kasi akong ibang choice no'n e. Naipit ako.
"S-Sorry."
Nagkunwari akong may tiningnan sa gilid.
"Why are you crying? You told me you're not in love with me or didn't even have a bit of affection towards me, right? So, why does it seem like you were affected?
Napalunok ako't naalala ang araw na iyon.
"Why are you so cold to me, love? Is there a problem? Was there anything I said or did that hurt you? Please love, answer me. I don't want us like this. Come on tell me, so we can fix it." aniya habang hinahabol ako sa paglalakad.
"Please love-"
"Hindi kita mahal! At ni katiting, wala akong nararamdaman para sa 'yo! Kaya tigilan mo na ako dahil wala na tayo!" sigaw ko habang pinipigilang lumuha.
"W-What? I-I don't believe you! I know you love me! I can feel that every time we're together! Oh wait, is this a prank? If yes, then it's not effective, and it's not funny, so stop this nonsense, love."
Nilingon ko siya't unti-unting nginitian.
"I knew it. It's only a prank-"
Tumawa ako. "Ang galing ko, 'di ba? Siguro kapag nag-artista ako, paparangalan nila akong best actress."
Napatango siya't napangiti. "Yeah. You would be one of the best of the best actresses love-"
"Best actress sa panloloko." putol ko na nagpakunot ng kanyang noo.
"W-What do-"
"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko? Hindi kita mahal! Naaawa lang ako sa 'yo kaya sinagot kita! Kaya puwede bang huwag mo na akong tawaging love dahil tapos na tayo!" sigaw ko at agad siyang tinalikuran.
"Kezz!"
Kaagad kong nilingon si Tita Chellan na nasa bahay ng kaniyang kaibigan.
Napapikit ako saglit. Manang-mana si Mesh kay Tita! Paniguradong hindi niya ako titigilan!
Lumabas siya at kaagad napatingin sa lalaking kasama ko.
"Sino siya? Ang guwapo, ah!" bulong sa akin sabay tulak.
![](https://img.wattpad.com/cover/350968323-288-k14018.jpg)
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsiyana Series 1)
RomanceUNDER REVISION Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley Land...