Devil
"K-Kezzrah, rito ka na simula ngayon."
Napalunok ako. "M-Ma'am.. b-bakit po-"
"Good morning, Ma'am. Nandiyan na po pala kayo. Nasa loob po si Mayor." saad ng babaeng nagbukas ng pinto.
Tumango si Ma'am at inakbayan ako papasok. Hindi ako gumalaw.
"K-Kezzrah... sige na, anak."
Kita ko sa mukha ni Ma'am Abejo na parang tutol rin siya. Binantaan rin ba siya ni Celi?
"Good morning, Mayor." bati ni Ma'am Abejo, pero sa akin nakatingin si Mayor.
"M-Magandang umaga po, M-Mayor." napayuko ako.
"M-Mayor, siya po si-"
"You don't need to mention her name, Ma'am Abejo. I already know her."
Napaawang ang labi ni Ma'am Abejo tsaka napayuko.
"Sige, Kezzrah, maiwan na kita dito. M-Mayor, mauna na po ako."
Lumabas na si Ma'am Abejo matapos tumango ni Mayor.
Napatingin ako sa gilid nang nginisian ako ni Mayor Sheneria Garvo.
"What are you doing? Start cleaning my office!"
Napalaki ang aking mga mata. "P-Po?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you deaf?"
May pinagmanahan pala si Celi! May ibinulong siya, pero binalewala ko na lamang.
"A-Ah, Mayor... ang ibig ko pong sabihin, hindi po ba dapat, mga papeles or may kinalaman sa computer po ang gagawin ko?"
Tinawanan niya lang ako. "Are you saying that I'm stupid? That I didn't know what you should do?"
Mabilis akong umiling. "H-Hindi naman po sa gano'n, M-Mayor-"
"You shut up! Just do everything I instruct you to do if you want to graduate! Now, start!"
Tinalikuran ko siya't mabilis kinuha ang walis tambo. Dalawa lang kami dito dahil nakisabay lumabas kanina iyong babae kay Ma'am Abejo.
Para akong naging kasambahay. Ang dami niyang pinagawa! Kahit malinis, ipinapalinis niya!
Umakto ako ng normal nang makapasok na 'ko sa sasakyan ni Rid.
Sa wakas, makakauwi na rin! Bagsak na bagsak ang katawan ko.
"Grabe, Kezz. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang doon ka! Ang sama ni Celi!"
Nagpalit muna ako ng damit bago kinuha ang cellphone ko sa bag.
Binuksan ko ito at mayroon na palang mga mensahe si Anz.
Love
Are you home, love?
How was your first day?
I love you!
Napabuntong hininga ako. Ayokong sabihin sa kaniya ang nangyari kanina. Alam kong nai-stress din siya sa trabaho, at ayoko nang dumagdag pa. Ganoon din kina Mesh at Rid. Ayokong makaapekto sa mga gagawin nila dahil kailangan nilang nag-focus.
Ako
Oo, love. Nakauwi na kami. Maayos naman, medyo napagod lang. I love you too! Ikaw, love?"

BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsiyana Series 1)
RomanceUNDER REVISION Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley Land...