HALOS MADAPA sa pagtakbo si Misaki dahil nalaman n'ya mula sa kaibigang si Angel na namataan daw si Ken sa Mall na pagala-gala.
Kaya wala pang limang minuto ay nakabihis na siya at tuluyang nagpaalam sa Mama n'ya.
Tangay ang kanyang mini backpack ay mabilis siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa sinabing Mall.
Trending sa twitter ang mga pictures ni Ken na nakasuot ng black hooded jacket at black na mask.
Hindi siya maaaring magkamali sa tindig at mga mata nito. Kahit pa siguro nakapikit siya at amoy lang ang basehan ay makikilala pa rin ito.
Isa ito sa mga miyembro ng sikat at multi-awarded na Ppop group sa bansa.
"Sisiw"ang tawag ni Ken sa mga fans nito dahil ito bilang "chicKEN", at sisiw na siya for four years.
Abangers sa mga FB at Tiktok live nito, sa mga guestings at nakanood na ng concert. Gayunpaman, hindi pa rin nagsasawa.
Mas lalong minahal n'ya ito dahil napaka-talented at napaka-cute nito.
Sinubukang tawagan ni Misaki si Angel pero out of coverage ito. Hindi na n'ya matandaan kung saan sila dapat magkikita dahil sa labis na excitement n'ya kanina.
Tumingin uli siya sa twitter ng latest update kung saan nakita ng mga co-sisiw ang kanilang "amo" o idol. At ayon sa mga ito ay nagtago daw ito dahil bigla itong dinumog ng mga fans.
"Ken, nasaan ka na? Promise! Isang sulyap lang, okay na ako." sabi n'ya habang iniikot ang Mall para hanapin si Ken at baka makita na rin ang kaibigan.
Naikot na n'ya ang first to third floor pero wala pa rin. Napagod na siya kaya nagpasya na siyang maupo sa isang isolated bench chair, doon lang kasi walang tao dahil nakatambay ang lahat sa foodcourt.
Binuksan n'ya ang mini-backpack at inilabas ang kanyang Hershey's chocolate milk drop at mabilis na binuksan 'yon at sumubo.
"Sarap!" parang na-drain ang lakas n'ya kaya ang chocolate ang kanyang energizer. Hindi puwedeng walang nakalagay na Hershey's sa kanyang bag.
Abala siya sa pagkain nang biglang may naupo sa tabi n'ya. Napalingon siya.
At halos lumundag ang puso n'ya nang mapag-sino ang taong katabi--it was Ken!
Imbes na tumili siya dahil nasa harapan na n'ya ang "amo" ay napatulala siya. Ang bilis ng tibok ng puso n'ya.
Dahil mata lang ang kita kay Ken ay nakita n'yang napangiti ito lalo nang makita nitong nakasuot siya ng Superior son, na clothing brand nito.
"Nice shirt." sabi pa nito sa maganda at mababa nitong boses.
Lumapit ito sa kanya. Amoy na amoy na n'ya ang pabango nito. Panaginip ba ito?
"Can I have some?" nakatingin ito sa hawak n'yang chocolate. Tumango siya. Dumukot ito sa chocolate at sumubo. "Hmm...yummy!"
At bago ito tuluyang tumayo at umalis ay tinanong nito ang pangalan n'ya.
"M-Misaki." nabubulol pa n'yang sabi.
Ngumiti ito. "Arigato, Misaki-chan!" saka nito magaang tinapik ang balikat n'ya.
Ilang minuto ang lumipas bago nag-register ang lahat sa kanya at doon na siya nagtititili.
OMG!This is indeed a day so sweet as this chocolate.
BINABASA MO ANG
K.T.D.M
Teen FictionK.T.D.M stands for Kilig To Da Max. The story is about an encounter of a fangirl to her idol. #HersheysMode #Sisiw #Fangirl