Friend
Mabilis akong umupo at ikinalma ang aking sarili.
Ipinagpatuloy naman ulit ni Anz ang paglipat sa mga kaklase ko.
Napansin kong naglabas si Mesh ng papel at ballpen, tsaka nagsulat.
Napakunot ang aking noo sa nabasa.
Kinikilig ako, Kezz!
Traydor!
Hindi ko na lang pinansin dahil hindi ako titigilan niyan kapag sumagot pa 'ko, tapos nasa harap pa kami. As in magkalapit kami ni Anz!
Napalunok ako nang matapos na siya sa pag-ayos sa amin.
"Your class card, Miss Sandilio."
Napalaki ang aking mga mata't mabilis itong inilabas. Kaagad ko itong sinulatan at inilagay sa lamesa.
"Miss Sandilio, is that how you treat your other instructors?
"P-Po?" tanong ko.
Anong ibig niyang sabihin?
"Nevermind."
Ang sungit!
"As I said last Monday, I'll be discussing first the Fundamental Principles of Taxation, which is all about the inherent power of the government, the scope of taxation, the principle of a sound tax system, and also the different forms from the escape of taxation."
Pumunta siya sa harap ng table at umupo. Mas nagkalapit na kami, kaya lalo akong hindi naging kumportable.
"You've reached this far, so I know you already have knowledge about taxation. Am I right?"
"Yes, Sir!" sagot ng mga kaklase ko.
"Miss Sandilio."
Ini-angat ko kaagad ang aking ulo dahil sa gulat.
"You didn't answer. Why? Have you forgotten the topics tackled in your lower years?"
Ikinalma ko ang aking sarili.
"A-Ah... yes, Sir."
"What?"
Oh, bakit? Talaga namang nakalimutan ko na, kasi first year pa lang kami no'ng nai-discuss iyon sa amin.
Siniko ako ni Mesh. "Kezz!"
Tiningnan ko ang isinulat niya.
Bakit mo inamin?!
Hindi ko siya pinansin at muli kong nilingon si Sir.
"Sir, what I've said was true. Yes, I've already forgotten about it, but it doesn't mean that I don't have knowledge about that po."
Tumango siya at inilakbay na ang tingin sa aming lahat.
Mabuting hindi ako nautal!
"The purpose of taxation is to achieve economic and social stability, protect local industries, reduce inequities in wealth distribution, strengthen anemic enterprises, and a lot more. There may be some people who disagreed at first, but we can't deny the fact that paying taxes is important." ani Sir.
True. Nakatutulong din ito sa mga pampublikong serbisyo, tapos sa marami pang mga programa. Kagaya sa mga benepisyo para sa matatanda, sa mga health care center, pampublikong paaralan at transportasyon, at marami pang iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/350968323-288-k14018.jpg)
BINABASA MO ANG
Found Love In La Union (Probinsiyana Series 1)
RomanceUNDER REVISION Warning: Mature Content/R-18 In order to ease the heaviness she felt, Kezzrah Chareel Sandilio was forced to leave the place where she grew up. But everything suddenly becomes complicated when her former boyfriend, Zaichen Anzley Land...