"Oh ayan Lola, recording na. Kwento mo na po yung love story niyo ng greatest love mo" nakangiting sabi ko kay Lola dahil sa excitement, palagi niyang nababanggit sakin yung greatest love niya kaya inaya kong si Lola na ikwento yun saakin, pero para may remembrance at pwede ko panoorin ulit, ivivideo namin."Ah eh... Saan ba ako magsisimula apo.." nahihiyang tanong ni Lola "'La, wag kang mahiya ay, simulan natin... Sa anong pangalan niya?"
"Vicente ang pangalan niya apo.." sagot agad ni Lola.
"Wow ang charismatic ng name Lola ah" pabiro Kong sabi at natawa naman siya.
"Oo, sobrang gwapo non. Andaming nagkakagusto sakaniya... Ang ganda kasi ng mata niya at maganda siya ngumiti.. naaalala ko half Japanese siya.." pagpapaliwanag ni Lola.
"Ohh, eh Lola kelan kayo nagkakilala? What year nalang Lola para di ka mahirapan alalahanin" tanong ko muli.
"Hunyo labing dalawa... Labing-syam at limangput-dalawa ang taon.... (June 12, 1952)"
Hindi nagdadalawang isip na response ni Lola, nagulat naman ako dahil kabisadong kabisado niya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao.
"Wow naman Lola sobrang naaalala mo pa po ah" natutuwang sabi ko.
"Syempre, kapag mahalaga sayo ang isang petsa. Hinding hindi mo ito kakalimutan hanggang sa pumanaw.. ika nga nila... Iba ang magagawa ng pag-ibig sa isang tao.." sagot ni Lola at bahagyang napangiti.
"Ilang taon ka non la?" Sunod kong tanong.
"Dalawampu anyos na ata o dalawamput-isa... Basta ang alam ko at tatlong taon siyang matanda saakin..." Paliwanag niyang muli.
"Hmm... Ngayon naman la, describe mo siya" sabi ko.
"Idiscribe? Ibig sabihin mo ba ay idiscribe anong itshura niya?" Sagot ni Lola.
"Opo Lola, kayo bahala kung may gusto pa kayo idagdag na idedescribe" sabi ko.
"Ahh.. matangkad siya, chinito, moreno, yung mata niya kapag natatamaan ng araw makikita mo yung pagka-brown ng mga mata niya, sobrang gwapo niya; Ewan ko ba at sinasabi niyang hindi siya gwapo, pero siya ang pinaka gwapo sa lahat ng nakilala ko. Mahilig siya sa sports, medyo mainitin yung ulo niya pero kaya naman niyang ihandle. Pinaka importante, mahal na mahal ko siya."
Napangiti naman ako nang sobra no'n, biruin mo ba naman. Sobrang tagal na niyang mahal si Lolo Vicente.
"Grabe naman Lola, ngayon naman la may alam na sila about him. Ikwento mo na po pa'no kayo nag-kakilala at yung love story niyo" sabi ko sabay ngiti kay Lola, kahit saakin ay hindi niya pa ito naikwekwento dahil ang palagi niya lang sinasabi ay may greatest love siya na mahal na mahal niya.
"Si Vicente... Nagkakilala kami dahil biglaan na lang niya akong binigyan ng bulaklak. Yung binigay niya pa ay yung paburito ko" panimula ni Lola.
Nakinig naman ako ng mabuti.
"Ah.. hello. Teresa diba?" Biglang sabi ng isang lalaki sa likod ko, paglingon ko ay isang hindi ko ito kilala ngunit hindi ko ba alam sa sarili ko at nginitian ko ito at sinagot na "Oo, ako nga" pagkatapos niyang malaman na ako nga ito ay bigla niya akong binigyan ng isang bouquet ng paburito kong bulaklak.
"Ah... Para saan ito?" Gulat kong sabi sabay kuha ng inaalok niyang bulaklak. Sino ba naman kasi ako para humindi?
"Palagi kasi kitang nakikitang bumibili ng bulaklak sa flower shop ng mama ng kaibigan ko, uh.. weird ba.. pero kasi sabi niya ay bumibili ka daw para sa sarili mo ng bulaklak kasi... Hindi mo pa daw nararanasan mabigyan ng bulaklak..?" Awkward niyang sabi at napakamot na lang sa batok. Ah oo... Naaalala kong sinabi ko iyong sa nagtitinda ng mga bulaklak malapit dito.
YOU ARE READING
Oneshot
RandomOneshot stories/aus, mixed genres. Some might be based on a real story and some can have part 2s or 3. Taglish, some might have mature scenes so beware of warnings. Enjoy!:)