EPILOGUE

163 9 8
                                    


“Congratulations.” Bati ko kay Demitria at sa asawa niyang si Ronald na bitbit ang kanilang panganay na anak.

Ngayon ang araw ng binyag ng anak nila. At first daw ay nahihiya siyang kuniin akong ninong kaya natawa ako.

“Thank you for coming.” Sagot niya at kinuha ang anak sa asawa.

“What’s her name?” Tanong ko habang nakatitig sa anak niyang super cute.

Ako dapat ang ama mo…

“Ronatria, a combination of our names.” Sagot niya at ngumiti.

“What a nice name. Hi Ronatria, I am your ninong Colton. Promise hindi kita tataguan sa pasko.” Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ko.

“Demi!” Rinig jong sigaw ni Ate Victoria na ngayon ay may dalawa na pa lang anak.

“Excuse lang ha.” Paalam niDemi at naglakad palapit sa Ate niya habang karga ang anak.

“So I will call you kumpare I guess.” Si Ronald na nasa tabi ko ang nagsalita.

“Sort of.” Sagot ko at nagtawanan kami.

I didn’t expect that this will happen. Kung hindi ba ako naaksidente at nagka amnesia ganito rin ba kami kasaya ni Demi? I think no, kasi hindi pa rin titigil si Mommy na pumagitna sa relasyon namin.

Mom always says sorry to me kapag naaalala niya ang mga nangyari. I don’t have any choice but to forgive her since wala na rin namang magagawa kung hindi ko siya patawarin. Wala na si Demitria sa piling ko at kahit kailan ay hindi na babalik pa.

Paatras akong naglakad ng may nakabanggaan ako.

“Sorr—”

“Colton?”

“Stella?”

“Ikaw nga kamusta kana?” Tanong ko sa kanya.

“Fully healed and totally moved on.” Sagot niya at ngumiti. “Ikaw?”

“Getting better.” Sagot ko naman.

“Mahal.” Dinig kong sabi ng kung sino mula sa likod ko. “Kanina pa kita hinahanap.”

“Mahal, si Colton pala. Dati kong kaibigan, Colton si Yeshua boyfriend ko.” Pagpapakilala niya.

“It’s nice meeting you.” Saad ko at nag abot ng kamay.

“Nice meeting you too.” Sagot niya at tinanggap ang kamay ko. “Mahal tara na, iinom ka pa ng gamot.”

“Sige Colton, una na kami.” Sabi ni Stella at umalis na sa harap ko.

It’s so nice knowing that the two women I hurt is now lliving the life they both deserve.

This is Colton Alovero signing off for My girl is a Psycho but now she is a wife and a mother to her own family.

DEMITRIA’s POV

Hindi ko lubos maisip na mag iiba ang kapalaran ng pag ibig sakin. I thought habang buhay na kami ni Colton pero hindi pala. Akala ko rin ay habang buhay na akong magiging mag isa pero hindi pala.

I am so happy having Ronald and Ronatria.

“Love kamusta ang maging ninong ang ex?”

Hindi pa rin tumitigil si Ronald sa pag ti-trip sakin kaya binatukan ko siya.

“Hindi ka ba napapagod sa pang ti-trip mo love?” May inis ng tanong ko.

“Natatawa kasi ako sa’yo eh. Para kang bubuga ng apoy.” Sagot niya at tumawa na naman.

Pwedeng magpalit ng asawa?

“Alam mo love may ibubulong pala ako.” Saad ko at sinenyasan siyang lumapit.

Agad namang lumapit ang mabait kong asawa.

“Sa kusina ka matutulog mamaya.” Bulong ko.

“Love naman!” Pasigaw niyang sambit.

“Kapag si Ronatria magising sa labas ng gate ka matutulog.” Banta ko dahil tulog ang anak namin. Napagod yata sa binyag niya kanina.

Nag mouth zip sign naman siya at humiga sa tabi ko.

“Ang sabi ko sa kusina ka matutulog kaya labas!” Pagtataboy ko sa kanya.

“Hey love that’s foul. Alam mo naman na binabangungot ako kapag wala kayo ni Rona sa tabi ko right? Paano kung bukas pag gising mo patay na ako ha? You want to be a widow?” Pagpapakonsensya niya.

But he is right, binabangungot nga siya minsan lalo na kapag wala kami sa tabi niya. Minsan ko na kasing na witness ‘yun.

“Fine...” Sabi ko.

Akmang hihiga na siya sa tabi ko pero nagsalita pa ako.

“Pero doon ka sa tabi ni Ronatria.” Turo ko sa bakanteng space sa tabi ng anak ko.

“Pero love dito ang pwesti ko,” ungos niya.

“Ay Ronatria ayaw tumabi ni Daddy sa’yo nak oh.” Sabi ko kaya bigla siyang lumipat sa tabi ng anak namin.

“Nak dito na lang si Daddy sa tabi mo. Inaaway ako ni Mommy eh.” Saad niya at humalik sa noo ng anak namin.

Humiga na siya at yumakap sa anak namin.

Napangiti na lang ako sa scenario’ng nasa harap ko.

I didn’t expect that I will have this moment in my life.

I am Demitria Gazon- Robinson, once a Psycho but now a happy Mom, happy wife with a happy life. Signing off together with my husband Ronald Robinson and our lovely daughter Ronatria Coltness Gazon Robinson.

MY GIRL IS A PSYCHO [COMPLETED]Where stories live. Discover now