Isay's POV
Naku naman kasi si mama eh. Ang aga-aga nang-i-stress na siya. Ay kenat talaga!
Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.
Hmmmmm...
Buhok na wavy na kulay itim.
Matang sing-shape ng almond na brown na brown with matching long and thick eyelashes.
Ilong na katamtaman lang pero hindi flat.
Kissable lips na ma-mink mink.
Kayumangging kulay na pang-morenang model ang datingan.
Ay bongga! Ang ganda ko talaga hahaha.
At siyempre, bago ako umalis, nagawa ko pang mag selfie.
*click*
*click*
*click*
"Hmmm... ano kaya ang maganda sa mga 'to? Ay bet ko 'tong isa! Upload ko nga sa PeysBuk."
"ISAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ka ba namang bata ka! Oras na kung anu-ano pa ang inaatupag mo. Bilisan mo na jan at talagang male-late kana sa school!" sigaw ng nanay kong hindi napapagod mag-rap simula kanina.
"Oo na po, ma! Pababa na ako!" sigaw ko pabalik. Lamna diz! Need ko na gumora kung hindi kawawa ang aking eardrums sa aking rapper na nanay.
Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko ng kumakain ng almusal ang aking poging daddy.
"Good morning sa pinaka-poging daddy sa buong mundo! Mwaaah" sabay lapit at beso sa aking tatay.
"Good morning din anak. O heto na ang baon mo."
"WHAT?! 500 po daddy? Thank you so much po!"
Dahil sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya bigla. Aba! Sino ba ang hindi matutuwa kung ang ibinigay na baon sayo ay 500 pesos 'di ba?
"Hay naku, Papa. Masyado mong bine-baby yang anak mo. Ang laki-laki na. Hoy Isabella, umayos ka ah. 'Wag kang gastador." sabi ng nanay ko habang naka-pamaywang pa.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malas Sa Pag-ibig (ABMSP)
HumorNangarap ka na ba na sa edad 25 years old, ikakasal ka na? Sa edad 26, manganganak ka na. At bago ka tumuntong sa edad na 30, may bahay at kotse ka na. Hay buhay. Samahan si Isay sa kanyang mala-roller coaster na lovelife na may lungkot, saya, tawa...