Chapter5

6K 173 0
                                    

MARA

Five na ang tinawag at Ako na ang sunod. Alas dos na ng tanghali, at gutom na gutom na ko.

Maya maya pa.

"NO.6 . IKAW NA ANG SUNOD"

Sigaw nong lalaki.

Nag lakad nako papunta dun sa Office na magiging boss ko. Grabe namamawis ang kamay ko. Dagdag pa ng tingin at bulungan ng mga taong nadadaanan ko. may naririnig pako na nasa dulo daw ako bakit ako daw nauna sakanila. Bahala sila dahil yun yong number na binigay sakin

"Pasok ka na po"

Sabi sakin nong nag aalalay dito. Hinigpitan ko yung pag kakahawak ko sa strap ng bag ko at agad pumasok.

Sumalubong saakin ang malamig na Temperatura sa loob. lalo namawis mga kamay ko at feeling ko lalo ako nag papawis. shete.

Lumakad ako palapit, Nakita ko yung lalaking naka tayo at naka harap sa Malaking salamin na kitang kita ang buong ka-maynilaan.

Tumikhim muna ako ,At napaharap siya.

Teka, Siya yung lalaki sa Elevator. Tumingin siya sakin kagaya ng pagtingin niya sakin kanina sa elevator. Para syang nakakita ng multo.

"G-good morning s-sir"

Nauutal kong sabi. Pero di siya agad nag response dahil abala mga mata niya sa pag tingin sakin. Naiilang nako tuloy. Para akong matutunaw.

"Sit"

Command niya. Umupo naman ako sa tapat ng table niya at linapag yung resumé ko.

Sinuot niya yung Reading glass niya at binasa yung resumé ko. Medyo matagal siyang nakatingin sa papel. ganto ba talaga siya mag basa? mabagal? ako ito sa kinauupuan ko parang sinisilihan.

Saglit ko siyang tinitigan. Perpekto naman nito. Wala ka maipipintas. sya ceo nitong Zenara. at ang akala ko kadalasan sa ceo is matanda na, hindi pala lahat. Bigla syang tumingin sakin at agad ko naman inalis ung tingin ko sakanya

Tumikhim siya.

"So, You're X-xiamara Milton. Single Pero may isang anak?"

Tiningnan niya ulit ako.

"O-opo"

Nahihiya kong sabi. Ayokong ipag kaila si Star, tinuturing ko siyang anak at wala na silang paki dun, Mag kamukha naman kami kahit papano.

"why do you want to be my secretary?"

"because I know myself that I deserve to be your secretary. I can do everything you tell me to do... anything"

Ay saglit. Mukhang mali sagot ko. Naku nakakahiya baka naman mamaya iba isipin niya sa everything na sinabi ko.
wala naman siyang sinagot maliban sa pag titig sakin.
tapos maya maya pa sabi niya...

"So. Pag natanggap ka dito, Ano naman ang mapapala ko sayo?"

Bagot niyang tanong. Sumandal siya sa swivel chair niya at pinag laruan ang Fountain Pen niya.

"Full service po. Ammmpp.. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko."

Naku wrong answer ulit. Takte kasi kinakabahan ako eh.

"Ano ba ang kaya mo?"

tiningnan ko siya.

"Marami ho. Marunong akong gumawa ng Coffé , Marunong ako mag masahe,Marunong din ako sa... Halos sa lahat ng bagay. Pwede niyo kong tawagan kahit hindi na office hours. Pag kailangan niyo ng kasama,kung gusto mo pong Tumawa tawagin niyo lang ako,pag broken hearted kayo pwede niyo kong tawagan at humingi ng Advice. Call me Papa jack lang po ang peg"

Tapos ngumiti ako. Parang hindi ako nakahinga. Naku Mara wala ka na talaga pag asa. Cross finger talaga.

"Ok then. I will expect those offer of yours. You're hired"

Para akong nabinge sa narinig ko. Sandali. weh?

"T-talaga po? Hindi man lang kayo nag dalawang isip? Pano yung daan daan na gustong maging secretary niyo? Malay niyo may mas malala silang kaya kesa sakin"

He stared at me coldly.

"He-he. S-sabi ko nga po. Sige po. Mauuna na po ako ,bukas na bukas din po papasok ako. Bye"

Sabi ko at lumabas ng office niya. Nakakatakot siya.
Pero masaya ako , sa dinami daming magaganda dito, ako pa ang napili. Napasandal pako sa pintuan. Grabe lakas ng kabog ng puso ko. Sana di to panaginip.

....
Nag antay ako sa lobby kasi sabi sakin dun na lang daw ako mag antay. Tumanggap pa sla ng tao na iinterview-hin. medyo nalungkot ako baka talaga eme lang talaga sinabi sakin nun para siguro di ako ma disappoint sa sarili ko. pero hayaan kona.

maya maya pa dumating ung babaeng nag aassist samin kanina.

"Bukas na umpisa mo. Email kona lang sched mo for tomorrow"

Lumiwanag talaga paligid ko sa narinig ko. Ay legit ba?

"T-talaga hoh? akala ko kasi hindi totoo sinabi ni bossing. Tumanggap pa kasi kayo ng iinterview-hin kala ko eme lang. Manghihina na sana ako kasi wala pako kain simula kanina. buti na lang isip ko lang yon hehe."

Ngumiti siya sakin.

"Ahh yun ba? Palabas lang yon. Para di rin sila magtaka na may natanggap na agad. Sabi rin ni boss yon. O sya email na lang kita. tyaka bakit di kapa nakain? "

"Ahh ... kakamadali ko kanina hehe"

sabi ko. di ko na lang sinabi na naibigay ko laman ng pitaka ko sa bata.

"Thank you sa pag apply , Napasaya mo si boss..."

ano daw?

"Este napasaya mo kami. haha. may pagka bipolar kasi yun si sir. pag tyagaan mo nalang. wala kasi nag tatagal dun"

ngiti niya awkward eh. napa hehe na lang ako nag paalam na sakanya. Naku good luck talaga sakin.

The Dark Love Series#1 :The Lost Wife of a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon