xXx

5 1 1
                                    

So, kumusta na kayo ni baket mo? Tanong ko kay Mark na nakatuon ang paningin sa kalsada. Kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng Asin Road pabalik sa sentro ng Baguio. Kagagaling lang namin sa isang outing na in-organize ng aming grupo.

Tumingin siya ng bahagya sa akin, saka muling ipinukol ang titig sa kalsada.

Nagsasama na kami medyo matagal na rin. Sagot nito.

Matagal na katahimikan.

Oo, nasabi ko na rin sa kanya ang buong sitwasyon ko. Dagdag nito makaraan dahil tila nabasa kung ano ang susunod kong katanungan.

Merong asawa kasi si Mark, dati. Pero dahil sa napakaraming pangyayari sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, silay naghiwalay. Sa katunayan, may tatlo silang anak na nasa poder ngayong ng babae. Pinilit man nilang iwasto ang mga pagkakamaling nangyari para sa kapakanan ng tatlo nilang anak, pero tila yata sadyang mapaglaro ang pagkakataon dahil hindi pa rin nag-work ang kanilang buhay mag-asawa.

On going na ang annulment namin actually. Dagdag pa nito makaraan. At sa katunayan, ang parents ko na rin ang nag-udyok sa aming dalawa na magsama na ni Joy, at para maiwasan na rin ang napakaraming mga usap-usapan sa doon sa amin.

Si Joy ang kasalukuyang kinakasama ni Mark sa ngayon. At kagaya ng kanyang mga naikuwento, halos magkapareha lamang ang kanilang kuwento. Isang single mom si Joy, nagkaroon ito ng anak sa dati nitong nobyo. Na ayon pa rito ay iniwan daw siya ng nobyo ng malamang buntis ito.

Nagpakawala siya ng napakalalim na bunting-hininga at muling nag-focus sa kalsada na aming binabagtas.

Tumahimik na rin ako makaraan at binuhol-buhol ang mga binitawan niyang estorya.

Siya si Mark, halos limang taon na rin kaming magkaibigan. Nagkakilala kung saan kami nagtatrabaho sa kasalukuyan, isa sa pinakamalapit na kaibigan sa aking trabaho.

Tahimik lang kami halos sa buong biyahe at dahil sa epekto ng kaunting alak na aming ininom kanina, halos antok na rin ang bumalot sa aking pagkatao sa pagkakataon na yon.

Oo nga pala, tapos na pala ang bahay, house blessings sa sabado. Punta ka,a h. Sulyap niya sa akin. Para makilala mon a rin siya.

Matagal ko na rin itong kinukulit sa kanya. Pero dahil sa kumplikadong sitwasyon nila ni Joy at ng dating asawa, kaya hindi pa naging bukas si Mark sa amin.

Tumango ako makaraan at muling tumahimik, tumingin sa bintana. Sa fog na bumabalot sa paligid, na sinasabayan ng manipis na bagsak ng tikatik ng ulan.

--------------------

Masarap ang pagkain, no? Pagmamalaki ni Mark habang tulak-tulak ako paakyat ng hagdan papuntang second floor ng kanilang bahay. Luto lahat yan ni baket.

Bumungisngis ito pagkatapos na tila batang excited na excited. Siya na ang hindi makapaghintay na ipakilala si Joy. Natatawa na lamang di ako dahil animoy bata ng nais ibida ang bagong laruan.

Mabait, mapagmahal, maalaga, magaling magluto. At higit sa lahat, syempre, maganda. Dagdag pa nito habang abot hanggang tenga ang kanyang mga ngiti.

Muli na naman akong tumawa sa inasal niya at napangiwi na lang.

Sa aming harapan, may nakatalikod na babae. At aminado naman ako, sa likod, sa hubog ng katawan, sa bagsak ng buhok sa balikat, nababanaag ko ang isang magandang mukha. Ang isang tila maaliwalas ng mukha ng isang kabigha-bighaning babae.

Sa tabi ng babae ay isang batang lalaki na nasa apat o limang taon siguro, na nakahawak ang damit ng babae. Isang bata na nakangiti habang nakikinig sa usapan ng ina kasama ang mga kaibigan nito.

UNVEILED HEARTSWhere stories live. Discover now