Chapter Eleven
Andito ako ngayon sa library tahimik lang akong nagbabasa. At gusto ko din mapag isa.
Maya maya ay narinig ko ang boses nila primma na papalapit sa gawi ko.
" sevarcia? oii hinahanap ka ni nathalia, nag away ba kayo? "tanong ni primma, hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagbabasa.
" baka nga nag away sila, wag kaya muna natin istorbohin si sevarcia baka magalit pa yan satin. " saad naman ni sam, hindi ako lumilingon at nanatili nakatutok ang mata sa binabasa
" eh kanina pa hinahanap ni nathalia si sevarcia, hindi nanga sya nakapunta sa group activities nila, ayaw daw syang kausapin nang babaitang ito. " turan naman ni lezkie
" anong gagawin natin? " napapakamot na sabi ni primma
"papuntahin natin si nathalia dit-- "
" don't. " putol ko sa sasabihin ni sam
" a-ah, ano bang kailangan naming gawin para kausapin mo sya? "saad ni sam
" bumalik na kayo sa ginagawa nyo, mamaya pako lalabas nang library " sagot ko nalang, tumango nalng sila at halatang nag iisip pa kung anong gagawin para kausapin ko na si nathalia.
Nagkaroon kami nang pag tatalo ni nathalia, and its about william, hindi ko naman kinakausap si william dahil gusto nyang layuan ko ito pero kanina lang nakita nya kaming nag uusap, ay galit na galit sya.
Nagtanong lang naman yung tao, na para bang ang laki na agad nang kasalanan ko.
Lumabas nako nang library at pumunta sa canteen, i saw nathalia, with our friends, mukhang hinihintay nyako.
Napatingin ito sa akin tumayo papalapit sa akin..
" hon.. please can we talk? "maamong sabi nya, nakakunot ang noo ko na tiningnan sya
" wag ngayon nathalia.. you didn't let me explain earlier, lagi kang pinapangunahan nang galit mo, i thought you understand me. " sambit ko, napayuko naman sya, saka muling humarap sa akin at hinawakan ang kamay ko.
" I'm sorry, i was just.. jealous.. " sabi ko na nga ba
" nag seselos ka? nagtatanong lang naman yung tao eh, nakakainis ka talaga, lagi mo nalang pinapangunahan yang pagiging selosa mo. "sambit ko at binitawan sya saka tumalikod
hinabol nya ako pero hindi ko ito pinansin.
Nathalia's pov
napasabunot ako nang buhok, kasalanan ko toh eh, kung hindi ako pinangunahan nang galit at selos edi sana hindi sya nagagalit sakin nang ganito.
" talk to her, I'm sure naman na maiintindihan ka nya. " sabi ni primma napabuntong hininga ako,
" palagi nyakong naiintindihan, pero ako yung palaging d sya naiintindihan, kasalanan ko go. " nagsisisi na sabi ko
" magiging okay din kayo, pero sana bago magalit at magselos alamin mo muna hayst. " napapailing na sabi naman ni sam
Hindi ako nakapag focus sa kinakain ko, hinihintay ko lang na pumunta dito si sevarcia dahil gusto ko syang kausapin at humingi nang sorry.
Napatingin ako nang makita syang nakatingin sa gawi namin, tumayo ako at lumapit sa kanya.
" hon.. let's talk please.. " maamo kong sabi, pina kunutan nyako nang noo
" wag ngayon nathalia.. you didn't let me explain earlier, lagi kang pinapangunahan nang galit mo, i thought you understand me. " napayuko ako, alam ko nang mas galit sya sa aming dalawa, hinawakan ko sya kamay
" I'm sorry.. i was.. jealous. " sambit ko, kinunutan nyako ulit nang noo
" nag seselos ka? nagtatanong lang naman yung tao eh, nakakainis ka talaga, lagi mo nalang pinapangunahan yang pagiging selosa mo. " seryoso nyang sabi at inis na tinalikuran ako, hinabol ko sya pero hindi nyako pinansin.
Lalo akong napasabunot nang buhok, f*ck kasalanan ko to.
YOU ARE READING
Stay With Me (GL Fanfiction)
FanfictionShe loves her more than she'll ever know, and she loves her more than she'll ever show.