PREVIEW: Maxim is Back!
Third Person POV
"Sir Max? It's already 11:30 in the morning sir." Turan ng secretary ni Maxim sa kaniya. Agad naman siyang tumango at ngumiti dito.
"Okay, thank you. Please take over, Kim." Nakangiti niya pang balik kay Kim sabay tayo. Ngumiti lang si Kim sa kaniya at tumango.
"Yes, sir." Turan pa ni Kim na kinangiti ni Maxim. Mabilis niyang inaayos ang gamit niya sa table.
Pitong taon na ang nakalipas nang mangyari ang trahedyang bumago sa buong buhay niya. Tila sariwa pa din sa kaniya ang sakit at lungkot na dinulot ng trahedyang yon. Wala na siyang gaanong balita kay Trevor. Pinigilan na din niya ang sarili niyang habulin si Trevor dahil kahit si Trevor ay hindi man lang siya hinahanap.
Matapos ang aksidente, agad siyang inilipad nila Maxus at Maximus papunta sa California kung saan na siya namuhay sa loob ng pitong taon. Dito siya tinuruan kung paano maging isang presidente sa sarili nilang kumpanya. Isang matapang at wais na presidente pero hindi maipagkaila ng lahat na mabait si Maxim. Hindi niya rin alam kung bakit umabot siya rito. Ang alam niya lang ay ang Dyos ang nagplano ng lahat.
"I'll get going." Nakangiting turan niya kay Kim nang matapos niya nang ayusin ang mga gamit niya.
"Drive safe, sir!" Paalala pa ni Kim kay Maxim na tinanguan at nginitian lang ni Maxim bago kuhanin ang coat niya at mabilis na naglakad palabas ng office niya.
Kim Agel, his secretary. Si Kim ang secretary ni Maxim sa loob ng anim na taon. Lalaki si Kim at siya mismo ang pumili kay Kim. Maswerte si Kim at siya ang pinagkatiwalaan ni Maxim.
Taas-noo naglalakad si Maxim. Bawat empleyado ay yumuyuko sa kaniya nang bahagya bilang pagbibigay respeto at sinusuklian din niya ng pagyuko at pagngiti.
Nang makarating siya sa elevator, pinili niyang sumakay sa public elevator. Agad nagbigay ng daan ang mga emplayado sa kaniya na kinangiti niya. They respect Maxim very much. Agad naman nagpasalamat si Maxim. Habang nakasakay sa elevator, kitang-kita ni Maxim ang repleksyon niya sa salamin sa loob ng elevator. Hindi pa rin niya pinapagupitan ang buhok niya. Ang buhok niya ang pinakagusto ni Trevor. Kaya kahit kailan hindi niya pinagupitan ito ng maikli. Ang singsing na bigay ni Trevor ay hindi pa din niya inaalis sa daliri niya. Pero ang kwintas, wala na sa leeg niya.
Nang makarating na siya sa ground floor, agad siyang humakbang palabas at nagsimulang maglakad papunta sa entrance ng sarili niyang building. Still the same. Nginingitian siya ng bawat makasalubong niya at nginingitian niya naman pabalik.
"Drive safe, sir!" Turan pa ng guard nila na nginitian niya lang.
Muli siyang naglakad papunta sa parking lot at inilabas ang susi ng kotse niya. Agad siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot ito paalis. Meron mas mahalagang bagay kesa sa trabaho niya para sa kaniya. At walang katumabas na kahit anong bagay yon.
PAGKARATING niya sa lugar, pinapasok siya agad ng guard. Kotse pa lang niya ay kilala na siya ng mga ito.
Tumango lang siya sa guard at ngumiti. Agad niyang pinark ang sasakyan niya at mabilis na bumaba. Naglakad siya ng taas-noo at walang pakialam sa paligid. Peoples stare is not bothering him just like the old times.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐨 𝐘𝐨𝐮 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟏 - 𝐒𝟐)
Любовные романы[Obsesiòn Amorosa Series #1] Marami na ngang nagbago sa lahat. Hindi ko naman inakalang aabot ako dito. Hindi ko inakalang aabot sa puntong ganito. Sa hinaba-haba ng laban ko, matatapos lang ito kung gugustuhin ko. Sa loob ng ilang taon, wala na ak...