"No way. This is the end." Naiiyak na sambit ni Erin habang nakatutok ang mga mata sa computer. "Ganun lang ba talaga ang ending? Ang sad naman. Hindi man lang sila nagkatuluyan."
Ito ang buhay ni Erin. Puro anime, Japanese comics, anime songs ang inaatupag. Sabi ng iba, ito ang dahilan kung bakit sya single. Pero para sa kanya, single sya dahil mapili ang mga lalaki sa panahong ngayon.
Hindi naman sya pangit, ngunit hindi rin siya yung matatawag na maganda. Normal ang height nyang 5'4, balingkinitan ang katawan, kayumanggi ngunit makinis, at kahit alon-alon ang kanyang buhok ay hindi naman mukhang sabog o buhok mangkukulam. Normal features ng babae. Kumbaga, stereotypical girl.
Sa interes lang nagkakatalo. Mas gusto nyang pagusapan ang anime boys kaysa kay Daniel Padilla, mas pinakikinggan ang mga Japanese songs kaysa One Direction. Mas madalas ang pag-attend nya ng mga anime conventions kaysa concerts ni Katy Perry or Taylor Swift.
"Magiging single ka habang buhay kung puro ka anime." Parating sabi ng mga tao sa paligid nya.
Napabuntong-hininga na lang sya sa naisip. Nakakalungkot ngang magisa habang buhay, pero hindi rin naman nya kayang ipagpilitan ang kanyang sarili sa mga lalaki. Para sa kanya, hindi solusyon ang pagsuyo o panliligaw sa lalaki mismo para lang magka-boyfriend. Kung sa anime or manga ganun ang ginagawa ng mga babae, hindi 'yon effective sa realidad. Dalawa lang ang madalas mangyari sa ganyan; una, hindi ka na papansinin ng crush mo at pangalawa, papansinin ka pa din pero out of pity or for the sake of being friendly na lang 'yon.
"Ala una na pala." Napalingon sya sa kanyang mini clock sa mesa. Pagkatapos ay ibinalik nya ang atensyon sa paghahanap ng bagong Japanese manga sa internet. "Hmn... ay, maganda 'to ah."
Mamaya na lang sya matutulog, pagkatapos magbasa ng manga.
BINABASA MO ANG
The Experimental Girl
RomanceSi Erin ay isang napaka-simpleng college student na medyo adik sa anime. Sa sobrang pagka-in nya sa anime ay boring na sya sa paningin ng mga normal tao, at halos iwan na rin ng kanyang puso at isip ang realidad. Until she met Denzel, and lalaking b...