|[01]|

1 0 0
                                    


“Kalungkutan”

Ang dating masayang mga mata
Ngayon sa luha ay masagana.
Ang labing kung ngumiti ay kay tamis
Ngayo'y walang ibang ginawa kundi humikbi at tumangis.

"Tama na!"
Salitang lagi mong sinasambit
Kapag ang puso mo'y puno na
Ng kalungkutan at pasakit.

Dapat lang bang maranasan ko
Ang sakit na pinagdadaanan ko?
Mali bang hangaring sumaya
At ako ngayo'y nagdurusa?

Sa kalungkutan ay gustong kumawala
Sa sakit ay gustong makalaya
Ngunit paanong magagawa
Kung ang tanging paraan ay ang mawala?

Ilang timbang luha ang kailangan ubusin?
Ilang sugat ang dapat tiisin?
Upang ang kalungkutan ay matakasan
At ang inaasam na kapayapaan ay aking matagpuan?

- Lyra

PoetryWhere stories live. Discover now