chapter 1

32 0 0
                                    

' ... I am really happy seeing all the parents and guardians here looking so proud to their sons and daughters... Kung nabubuhay lang sana ang mga magulang ko.'
Saglit ako napatigil nang maalala ko ang mama at papa ko.

"The reason why I'm here infront of all of you. The reason of all my perseverance. Are my parents." Garalgal kong sabi.. Nagbabadya na namang lumabas 'tong luha ko .. Ang sakit lang kasi .. Hay.. 'Di ito oras para maging malungkot.

Marami akong nakikitang naawa sakin, yung iba malungkot. Hala! Dapat masaya kami kasi graduation namin 'to. Ayokong kinakaawaan ako . tsk. Ako kasi pasimuno eh -.-

" I hope all of you have a successful life! Magandang buhay! Maraming salamat ." pagkatapos nun ay agad na akong bumaba upang makipagkamay ulit sa principal at sa mga mahahalagang tao ( yun ay kung mahahalaga talaga sila -.-) Mayor leano and some other officials , ang dami eh. Higit sa lahat pati sa President ng pilipinas.
Prestigious university kasi ang pinasukan ko. Scholar ako ng U.P .. Unibersidad ng mga Pogi DAW haha.

"Thank you for your wonderful speech Ms. Maria Mariemae Olivier at sa pagbahagi ng nakakainspired mong kwento sa amin! Once again palakpakan natin .. Ms. Maria Mariemae Olivier , ang ating Magna cumlaude!" Sabi ng MC, lahat ng mga estudyanteng grumaduate ay nagsitayuan pati na ang mga teachers giving me a warm of applause .

Sa wakas! Natapos din ang ceremony. Ang sakit sa pwet ang umupo ng ganun katagal ah. Ang dami ring nagcongratulate sakin at sinasabi nilang 'I'm sure proud ang mga magulang mo sayo'.

"Maria!" Sabay sabay na tawag sakin ng mga kaibigan ko. Agad akong lumingon na nakakunot ang noo.

"Alam niyong ayokong tinatawag ako sa pangalan na iyan eh"

"Haha ang cute mo talaga . Tara party tayo sa bar ko" tiningnan ko si Aaron. Oo si Aaron ang nagyaya. Nginitian niya ako at nakita ko na naman ang kanyang dimples. Ang cute niya .hehe hanggang ngayon 'di pa ako nasanay sa kanya kahit matagal ko na yang kaibigan. Inobserbahan ko ang damit niya v neck shirt na black na nahalatang fit ang katawan niya .. At .. OMO! Bakat ang abs dahil sa pawis, kasagsagan ng init naman kasi tapos nagblack pa .. Haha kailan pa ko naging manyak? Half korean siya kaya tsinito, 5'9 ang height . kung tutuusin pede siyang magmodel, messy at medyo kulot ang maitim niyang buhok na bagay naman sa kanya.. May pagka badboy ang dating pero cute . . .

"Hoy ! Tama na yang pagpapantasya mo kay Aaron. Haha. Basta mamaya magpaparty tayo at di pwedeng di ka sumama Mae" sabi ni Annie. Naku ! Itong pandak na to. Kokotongan ko talaga to mamaya.

"Oo na. Saan ba iyang bar na pinagmamalaki mo Aaron?" Taas kilay kong tanong. Nasa tabi ko siya at binigyan lang ako ng ngiting 'basta ako bahala'. Tsk. Mayabang ,porket umaasenso na sya. People this days ..

"'Di naman pwedeng 'di natin icelebrate itong araw na 'to.
Magna cumlaude kaya kaibigan namin!" Sigaw ni Rey na nakakuha ng atensyon ng ibang tao. Pinagtitinginan tuloy kami.
"Manahimik ka nga." Saway ko sa kanya.

"Oh, ano oras at saan?" Tanong ko.

"Sabay tayo ,pangit.Mamaya 8pm sunduin kita." Ngiting aso ni Rey.

"Sige aasahan ko kayo mamaya ah. Aalis din ako ngayon. Maya nalang tayo magkita kita .. Mae .. Bye" ngiti sabay kindat. Yuck.

"Kay Mae ka lang nag babye . hmp. Umalis ka na nga!" Pagtatampo ni Annie .. Haha nakapout pa mukha tuloy duck .
Bago umalis si Aaron tumingin siya kay Annie at nilabas ang dila na nang aasar .. Tsk. Tsk. Isip bata.. Haha sabay takbo, takot lang niya kay Annie.

"oh siya, uwi na rin ako. Rey ingatan mo si Mae ah. Lagot ka sakin. " Annie.

Tumawa at ngiting malapad ang loko .. Nilagay pa niya ang braso sa balikat ko "Ako bahala, I'll always keep her safe". Binaling ko ang mukha ko sa kanya at binigyan ng 'di ka makakaalis ng buhay 'pag 'di mo inalis' look .. Nakuha naman niya agad yun.

"Maiwan ko na kayo lovers!" Mae.

"Lagot ka sakin Annie! .. Hmp. Ingat."sabi ko.. Binalingan ko ng tingin si Rey. Aba't nagkakamot ng batok at parang may gustong sabihin.

"Uhm. . Mae. May handa sila mama .. Ano. K-kasi aah.."

"Ano?" Haha pine pressure ko lalo, mabait kasi ako eh.

"Kung pwede dun ka muna sa bahay namin, may inihanda si mama para sa atin .. Dalawa." Seryoso niyang sabi. Nakita kong parang nag iba ang mood niya nung kaming dalawa nalang.

" ah ok" iyon nalang ang nasabi ko at agad naman niyang hinila kamay ko at nanguna sa paglalakad pero 'di nakatakas sa paningin ko ang ngisi niya. "Hinihintay na nila tayo" .. Bulong niya pero 'di ko gaanong maintindihan.

Siya si Jenrei Alfonso, anak ng mayaman. Makulit at masayahin .. Halos Magkasing tangkad lang sila ni Aaron, lamang lang siya ng konti. Kayumanggi, simple manamit at charming.. Nako maraming naging babae,paiba iba every week. Haay playboy e. Sabi nga ng ibang babae 'Sino ba namang hihindi sa isang Jenrei Alfonso?' Duhh .. Oo gwapo siya pero 'di tatalab iyan sakin. Itaga niyo pa sa bato ni darna.

Nandito kami sa kotse niya papunta sa bahay nila.. Ang tahimik naman. Ang boring tuloy kaya kung ano ano ginagawa ko.
Nilalaro laro ko yung seatbelt, nilakasan ang aircon, nagpatugtog na malakas tapos hihinaan papalitan ang tugtog sabay kakanta, tumingin sa salamin, maglalaro ng COC .

Pansin kong pasulyap sulyap si Rey sa akin .. Nakakunot ang noo tapos napapangiti at napapailing nalang siya sa pinaga gagawa ko..

Nandito na kami, kusang bumukas ang malaking gate nila at nagpark sa garahe. Pagkatapos ay Dali dali naman siyang lumabas para pagbuksan ako, gentleman eh.

"Pangit, bilisan natin siguradong naiinip na sila mama alam mo namang miss ka na nun" excited niyang sabi.

Hindi ito unang beses na nakapunta ako sa malamansyon nilang bahay. Nakapalagayang loob ko na agad ang mama niya kaya ganun nalang ang pagmamadali niya na makita ako ni tita.

"Mukhang ikaw ata ang excited eh". Ani ko . Di sya sumagot sa halip ay kinuha niya ang kamay ko na siyang kinabigla ko naman. Mukha tuloy kaming magnobyo na nakaholding hands .. Di na ko naka angal dahil binuksan niya na ang pinto at tumambad sa amin ang 'di namin inaasahan..

_____________________

Blue eyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon