ISANG LINGGO ang lumipas matapos ang nangyari nung gabing iyon at isang linggo na din ako busy dahil ako ang gumagawa ng trabaho ng boss ko na ilang araw ng walaMinsan ay may gantong ugali ang boss ko. Kaliwat kanan ang utos kahit may sekretarya naman ito na dapat yun ang gumagawa. Na papaisip nalang ako minsan kung tini-trip nalang ako minsan ni sir luigi
"Mam cassy may nag iiskandalo po sa labas" Gulat naman ako na patingin kay aya dahil sa sigaw nito galing sa pinto ng store.
Ala singko pa lang ng umaga ay pumunta na ko dito sa opisina dala ang mazda miata na kotse dahil hirap talaga ako makatulog simula ng kaganapan sa harap ng bahay namin mag kapatid
"Sino? Customer ba?" Kunot noong tanong ko.
Umiling sya "Hindi po ako sigurado mam" Natatarantang sagot nito
Dali dali naman akong tumayo upang tignan kung sino ang ng gugulo. Na papailing nalang ako habang nag lalakad papunta sa store. Araw araw nalang talaga sinusubok ang pasensya ko
"Lumabas ka dyan calderon! Malandi ka!!" Sigaw ng babae sa labas at panay hagis ng mga karton sa naka sarang glass door
Tumaas ang kilay ko ng madinig ang aking apelyido
"Sino naman ang bruhang to" Taas kilay kong tanong kay aya. Nag kibit-balikat lang ito at nilingon ang nag iiskandalong babae
"Excuse me mam? Ano ho ang problema?" Magalang kong pag tanong
"Asan yung calderon dito ha? Yan ba?!! Nasa loob ba?! Palabasin mo sya!!" Pag turo nya pa kay aya. Umuusok ang babae sa galit
Pa simple ko syang tinignan mula ulo hanggang paa. A petite girl that looks like a teenager with a blue hair. She's wearing a simple green sleeveless crop top, dark blue jagger pants and a pair of 2 inch pink heels. Weird, hindi bagay
"Wala naman ako utang kahit kanino. Pano naman na laman neto ang apelyido ko?" sa isip isip ko pa
Kung ano ano ang pinag hahagis nya kaya andito lang ako sa bahagyang binuksan na glass door. Baka tamaan nya ko "Ano ho ang sadya mo saken?" sagot ko sa kalmadong boses. Pilit iniiwasan mag maldita dahil customer's always right, ika nga nila. Bawat hagis nya ng kung anong bagay ay makikita mo ang brasong kada angat nito ay nalitaw ang malilit na pasa sa bandang ilalim
Tinali nito ang naka lugay na buhok "Ah so ikaw yung kabit ng boyfriend ko?" Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya. Kabit? Ako? Na pa ngisi ako sa sinabi nya
"Anong kabit? Sino ka naman miss? I don't even know you" Na iinis na sagot ko. Masyadong skandalosa hindi ko naman sya kilala
"Ikaw yung kabit ni jacob. Ikaw yung nasa picture frame sa flat nya! " Tukoy nya sa condo na pag aari ng ex-boyfriend ko. Para syang toro na anumang oras ay susugurin ako.
"Mag dahan dahan ka sa pananalita mo miss. Matagal ko ng boyfriend si jacob" muka syang binuhusan ng tubig sa sinabi ko. Stay calm self, sayang ang energy. Simple ko pang nilingon ang paligid at buti kami pa lang dalawa ni aya andito ngayon sa store
"Baket ha?! Gano na ba kayo katagal?! 6 months ko na syang boyfriend!" Mahihimigan ng pag aangas sa tono nito. Hindi agad ako na kapag react. Unbelievable. 6 freaking months? So jacob's been cheating on me nung mga panahon nag live-in kami for a month? Wow
"We've been together for more than 2 years kid" Kaswal na sagot ko. Pinipigilan kong mag taas ng boses dahil sayang ang energy, madami pa kong tatapusing trabaho
Biglang nanubig ang mga mata nya. Hindi agad sya na kasagot at panay kuyom sa mga kamay animoy gustong manapak
Mas nilakihan ko pa ang pag bukas sa glass door "So technically, ikaw yung kabit. Hindi ako" Blanko na ang tingin ko sakanya. Na mumula na ang babae sa galit dahil na din litaw ang pag ka mestisa neto
BINABASA MO ANG
One Step Away
Teen Fiction"If you're hurting, then why are you still here?" "That's how i love. Every one of you have the power to hurt me physically, emotionally, and even mentally. Pero ano magagawa ko? It hurts me more not seeing everyone. I'd rather stay silent and en...