Ⓒ︎Ⓗ︎Ⓐ︎Ⓟ︎Ⓣ︎Ⓔ︎Ⓡ︎: 27
Umupo si Dwight sa kanyang pwesto at tumabi nadin si Ziggy sa kanya habang nasagilid naman si Kenneth at nasa harapan naman niya ang Tita Flir niya
MUKHANG GALING ATA TO SA DRAMAHAN ANG PAMANGKIN KO AH. sambit ni Flir sa kay Dwight sabay subo nang pagkain
HINDI NAMAN PO TITA. sagot naman ni Dwight
SO, OKAY NA BA KAYO? AT SAKA KAYO NA BA? KAILAN ANG KASAL? sunod sunod na tanong ni Fir kay Dwight
NAKO TITA, EWAN KO PO TO SA KATABI KO KUNG ANO PLANO NIYA. sagot naman nito sabay tingin kay Ziggy, habang tahimik naman sa gilid si Kenneth
IKAW KUNG KAILAN GUSTO MO AT KUNG SAAN. sagot naman ni Ziggy kay Dwight nang naka ngiti
BEST WISHES SA INYO CUTE. sagot naman ni Kenneth sabay hawak sa kamay ni Dwight
THANK YOU CUTE.. sagot naman ni Dight at saka binigyan ito nang ngiti
ANG GALING NYONG UMARTE AH. KALA KO TOTOO NA. patawang sabi Ziggy sa kanila
EH ETO KASI SI DWIGHT EH.. MAY PAKULONG NALALAMAN. sagot naman ni Kenneth
Nang matapos na ang buong araw ay nag sipag uwi'an na sila sa Pilipinas. Hindi na sumama pa si Kenneth pabalik sa kanila.
Hinatid naman ni Ziggy si Dwight sa kanilang bahay at saka umuwi rin ito―――――
( Dwight's pov )
Sa dami ng pinagdaanan ko at ng pamilya ko sa buhay, hindi ko na imagine na darating yung araw na magiging maayos din ang lahat. Ngayon, sa puntong ito ng buhay ko ay masasabi kong kompleto na ang lahat, kontento na ako sa kung anong meron kami.
Kung ang buhay pag-ibig ko naman ang pag-uusapan, siguradong maraming maiinggit sa akin dahil naging opisyal na kami ni Ziggy. Nung araw na nasa Kasalan kami ay tinanong niya ako, kung pwede ba na maagaw niya ako kay Kenneth, pero dare lang yun namin ni Kenneth para pag selosin si Ziggy. hahaha. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa at sinagot ko siya kaagad. Isang karangalan ang maging kasintahan ng isang mabuting tao na katulad ni Ziggy.
Hindi ko ipagpapalit si Ziggy sa limang Daniel Padilla at sampung James Reid. Si Ziggy ang nagparamdam sa akin kung paano mahalin, alagaan, at yung feeling na may nag-aalala sa akin. Siya yung lalaking tinanggap ang buong pagkatao ko, ang lalaking minahal ako ng buo kahit marami akong pagkukulang. Kaya handa kong i-alay ang buong pagmamahal ko sa kaniya.
I am now starting to make things right at bilang unang step, I'll forget about my feeling towards Tyron. Actually kunting-kunti na lang talaga ay makakamove-on na ako ng tuluyan. Bakit pa kasi bumalik pa siya sa Pilipinas?. Hay nako pero kailangan ko ng tanggapin na kaibigan lang ang pwedi niyang ibigay sa akin at ako naman para sa kaniya dahil mayroon na akong obligasyon ngayon.
―――――
( Tyron's pov )
Habang tulala ako ay hindi ko namalayan na pumasok ang aking secretarya at saka may sinasabi ito
SIR, MERON PO KAYONG MEETING MAMAYANG 8 p.m. WITH Z-ELECTRIC CORP. TAPOS PO―――SIR? napa balik ako sa sarili ko nang tawagin ako nang secretary ko
ANO YUN? tanong ko sa kanya dahil wala akong narinig sa mga sinabi niya.
NIREVIEW KO LANG PO SIR ANG SCHEDULES NIYO NGAYONG ARAW. ang sagot niya. sa akin
JUST INFORM ME LATER. I NEED TO REST FOR NOW. ang sabi ko sa kanya.
Lumabas naman siya at naiwan akong mag-isa sa opisina ko. Sumandig ako sa upuan ko at ipinikit ko ang aking mga mata.
Sa laki ng naabot ko sa buhay ngayon, hindi ko pa rin talaga masasabing masaya ako. I'm still looking for my happiness na hindi maibigay ng kung anong meron ako ngayon. I feel so frustrated.
Kung kaya pinili kong ituloy ang relasyon namin ni Dwight? Kabaliktaran kaya ang mangyayari? Sasaya kaya ako? Ano ba itong iniisip ko, pamilyado na nga akong tao naiisip ko pa si Dwight.? Kahit pa man gustuhin ko sigurong magkabalikan kami ay hindi na maaari at hindi na pwedi dahil may pamilya na ako---pero hindi masaya.
Kapag binabalikan ko ang mga alaala naming dalawa, doon ko lang nararamdamang sumaya. Kaya naisip ko, siguro si Dwight lang talaga ang magpapasaya sa akin. Dahil minahal ko siya at minahal niya ako ng totoo. Mahalaga ako para sa kanya. Iningatan at inalagaan niya ako.
Pinaramdam niya sa akin ang kahalagahan ko bilang ako hindi ng kung ano ang meron ako at kung ano ang kaya kong ibigay. Kaya siguro siya palagi ang naiisip ko kapag nararamdaman ko na wala lang ako para sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon, negosyo lang naman ang nasa isip ng lahat dito.
( FLASH REPORT )
Naimulat ko ang mga mata ko para tingnan ang lamang flash news sa tv dito sa aking opisina.
KANINA OPISYAL NA INANUNSYO NANG Z-ELECTRIC CORP. & VENTURA'S DIGITAL SUPPORT CORP. PHIL. ANG PLANONG PAG PAPAKASAL NANG DALAWNG CEO NA SI MR. ZIGGY VENTURA AND MR. DWIGHT DEL ROSARIO. MARAMI ANG NAGULAT SA ANUNSYO DAHIL ITO AY ISANG SAME SEX-MARRIAGE, PERO AYUN SA DALAWANG PAMILYA, AY SUPORTADO NILA ANG DESISYON NANG KANILANG ANAK.
AT ITO PO SI KAYE. NA NAG BABALITA NANG LIVE.
ANO?
Lumabas ako nang opisina at nag punta sa isang bar sa di kalayu'an
ALAK PA. sabi ko sa bartender. Kanina pa ako umiinom pero hindi mawala sa isip ko ang bagay na gusto kong kalimutan.
Simula ng makita ko ang balita tungkol sa kasal ni DWIGHT AT ZIGGY ay hindi na ako natahimik. Labis yung sakit na naramdaman ko. Hindi ko matanggap.
I realize, na all this time, mahal na mahal ko pa rin pala siya. Na siya lang talaga yung taong bubuo sa akin.
Naalala ko lahat ng pinagsamahan naming dalawa simula ng mga bata pa lang kami and those memories are the best of all my memories.
Nagsisisi na ako dahil sa mga maling desisyong nagawa ko sa buhay ko. Nagkamali ako na iniwan ko siya.
Nagkamali ako na sinaktan ko siya.
Dapat inalagaan at inialay ko sa kanya ang buong puso ko noon para hindi ko na naranasan ang nararanasan ko ngayon. Ito nga siguro yung tinatawag nilang karma. Kasi sinaktan ko yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako at alagaan ako.Kapag iniisip ko na maitatali na siya sa ibang lalaki ay para akong sinasaksak ng kutsilyo ng paulit-ulit sa dibdib, para pinagsusuntok ang puso ko, para akong binibitay.
Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin na ibang lalaki ang mahalin at makasama niya habangbuhay. Dapat ako. Dapat ako yun eh.
Dapat kaming dalawa ang masayang magkasama.
Babawiin ko siya. Sasabihin ko sa kanya ang lahat. Siguro kapag nalaman niya ang totoo baka maintindihan niya ako at baka bumalik ang pagmamahal niya sa akin. Na kapag sinabi ko sa kanyang kaya ako nagpakasal ay dahil sa napilitan lang ako dahil mawawala ang lahat ng meron ang pamilya namin. Na hindi ko naman talaga mahal ang napangasawa ko at siya lang ang minahal ko buong-buhay ko.Chapter 28 will be posted as soon as possible. Thank you
YOU ARE READING
NAKAW NA SANDALI (Complete)
Randomang storyang ito ay kathang isip lamang, ito ay nag laman nang mga sexual na karanasan. happy reading!