Effort..please

1 0 0
                                    

Kung tunay kang mahal ng isang lalaki, handa siyang mag-effort para sayo.

Girls, kailangan mo ring maramdaman ang alaga na nararapat para sa iyo. Ang pagmamahal mo ay dapat niya ring paghirapan. Hindi tamang lahat na lang ng bagay ay nagiging madali para sa kanya dahil mahal mo siya. Ang pagrerequest ng effort paminsan-minsan ay hindi masama, karapatan mo yun bilang isang babae, bilang isang tao.

Boys, wag namang mainis kay gf kung may pagkakataon na nagiging demanding siya. Dalawang bagay lang iyan e, naglalambing siya o sadyang gusto niya lang ang bagay na yun at mahalaga para sa kanya na sa iyo ito manggaling. Tsaka, hindi naman nangalahati ang hinihingi niya ngayon sa mga ipinangako mong tala at buwan noon, dvah.

Isa pang punto, mababaw lamang ang kaligayahan ng mga kababaihan. Hindi mo naman kailangang gumastos ng libo-libo para lang masilayan ang mga ngiti niya. Effort at hindi pera ang gusto nila. Kahit bigyan mo yan ng nilamukos na papel na pinagsulatan mo ng tulang ikaw mismo ang may likha tiyak kong mapapaiyak mo yan sa tuwa. Mas maappreciate pa nila ang mga simpleng bagay na saiyo mismo galing kaysa ang mga magarbong gamit na wala ka namang naging kontribusyon sa paggawa.

Hindi naman masamang tumanggi sa kanyang request pero wag mo namang araw-arawin. Pero para sa akin, mas maigi pang tanggihan mo na lamang siya kaysa pangakuan at hindi mo naman gagawin. Boys, wag niyo po silang paasahin sa wala. Hindi man sila nagrereklamo pero wag ka, iniipon lang nila ang lahat ng mga ginagawa niyo. Darating ang panahon na mapupuno na yan sila at sasabog.

Just a thought..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon