Space and Time

1 0 0
                                    

Privacy...bagay na kadalasang nawawala kapag nagiging taken ka na. Nakatatak na kasi sa ating isipan na kapag nagkaroon na tayo ng karelasyon ikokonsider na nating pag-aari na natin sila. Bagay ba sila para gawing pag-aari? Hindi naman di ba? Tao sila, taong may sariling pag-iisip at damdamin. Taong binigyan ng kalayaang magdesisyon para sa kanyang sarili. Oo, kabiyak mo na siya pero rason na ba ito para tanggalan mo siya ng karapatan?

Kadalasang pinagmumulan ng away ang pagiging madalas na pangingialam mo o ng partner mo sa desisyon ng bawat isa. Hindi ko naman sinasabing umasta kang walang pakialam sa mga ginagawa niya, ang ipinupunto ko lang ay wag naman sanang sobra na parang walang ka ng tiwala sa mga nagagawang desisyon niya.

Space and time, two things that are important to be constant in a relationship. Space- guys, hindi naman pwedeng kayo lang parati ang magkasama. Magkakasawaan kayo niyan. Hayaan mo siyang makipaghalubilo sa ibang tao. Bigyan mo siya ng pagkakataong magsolo hindi yung para kang linta kung makadikit. May mga pagkakataon kasing gusto nating mapag-isa at ikaw na gf/bf na yun ay hindi maintindihan, magtatampo na kaagad o kaya'y mang-aaway.

Time- it doesn't mean na kapag binigyan mo na siya ng space, hindi ka na magkakatime sa kanya. Kahit simpleng "Hi, Good Morning, o kaya'y Kumain ka na?" itext mo siya. Hindi naman nakakapagod un e. Ipakita mo sa kanyang mahalaga siya at hindi mo siya tinetake for granted.

Ang mali lang kasi sa atin ngayon, dahil alam nating mahal nila tayo hindi na tayo masyadong nag-eexert ng effort. Natetake for granted na natin sila. Oooops. wag ganun. Tiyak kong pagsisisihan mo ang mga panahong hindi mo siya pinahalagahan noong sa iyo pa siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just a thought..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon