Anino

2 0 0
                                    

"Ano nga ba ako? Sino nga ba ako kapag wala ka? 


Sino nga ba ako sa tuwinang hindi kita nadarama?


Tila bang tumitigil ang mundo ko kapag kasama kita at para bang wala ng ibang tao pa sa mundo kapag tayong dalawa na ang magkasama.


"Isang hapon nanaman at nagsimula akong magsubok kumalas sa kadilimang sumasakop sa isip ko pero para saan nga ba? Para kanino? P'wede naman sigurong ganto na lang ako habang buhay." ani ng isang aniyong hindi mapangalanan, sa kaniyang utak. Napahilot na lamang ito sa kaniyang sentido dahil sumakit ang kaniyang ulo mula sa pag-iyak at sa pag-iisip nang sobra. 


Nang mahimasmasan ito ay agad na napatawa ito sa sarili niyang kagagawan. Bakit nga ba hindi niya magawang umusad? Bakit ba umaasa pa rin siya? Bakit pilit niyang ikinukulong ang sarili niya sa nakaraan? 


Ilang araw ang lumipas ay napagdesisyonan niyang maglipat at tila parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil wala na siya sa lugar kung saan naroroon ang bakas ng mga pinagsamahan nila ng kaniyang dating kasintahan. Unti-unti, binuhat niya ang kaniyang sarili, nilibang ito sa kung ano man ang bumabagabag sa kaniyang isipan at isang araw, napagtanto niya na *sa wakas* ay malaya na ito sa nakaraan. 


Sa kaniyang nilipatan ay marami siyang nakasalamuha na mga tao na bago sa kaniyang paningin ngunit may nakabihag sa kaniyang mata. Ito ay isang dalaga na nakaupo'ng mag-isa sa isang bench sa 'di kalayuan. Mataimtim itong nagbabasa habang may pusa na biglang tumabi rito at agad na inilapat ang ulo nito na para bang kinikiskis sa braso ng dalaga. Nginitian ito ng dalaga at nang makita ito ng aniyo sa di kalayuan ay para bang may naramdaman siyang kakaiba sa kaniyang puso. Para bang may mga dagang pilit na naghahabulan dito at ang pakiramdam na ito ay hindi maipaliwanag.


Ngunit, bumalik sa realidad ang isip ng aniyo nang may nilingon ang dalaga, nakatingin ito sa ibang dereksyon at para bang may tinitingnan. Sinundan ng aniyo ang tingin ng dalaga at nakita niya ang isang lalaki na may katangkaran at may maamong mukha, "Siguro ay kasintahan niya ito." saad ng aniyo sa kaniyang isipan, para tuloy siyang binagsakan ng langit at lupa sa nakita ngunit may pag-asa pa! Hindi pa naman kumpirmado na kasintahan ng dalaga iyong lalaki subalit gustuhin man itong lapitan ng anyo ay baka matakot ito gaya ng ibang tao kaya umuwi na lamang ang aniyo at sinubukan na kalimutan at alisin ang dalaga sa kaniyang isipan. 


Dumaan ang mga araw ay hindi pa rin niya makalimutan ang dalaga, paano ba naman ay palagi niya pa rin itong nakikita sa may karaniwang puwesto nito sa bench hanggang sa... 


"Baka naman matunaw ako sa iyong titig niyan, ginoo." sambit ng dalaga habang nakatingin ito sa aniyo na kanina lamang ay panakaw nang panakaw nang tingin sa dalaga. 


"Pasensiya.. huwag mo sanang masamain ang p-" natigilan siya nang tumawa ang babae.


"Sa totoo lang, noong nakaraan pa kita napapansin, sigurado akong ilang beses na rin nagtama ang mga mata natin." ani ng dalaga at nagpinta ang mukha nito ng isang malaking ngiti. Tila kumabog nanaman ang dibdib ng aniyo. Bumalik nanaman ang nararamdaman niyang hindi niya maikubli kung bakit. 


Ang dalagang ito ay napakaganda sa pananaw ng aniyo at para bang nasa tapat ka ng araw kapag kasama mo ito, nagtataglay siya ng kakaibang liwanag.


"Halika't umupo ka rito sa aking tabi." pag-aya niya at nagulat naman ang aniyo dito. 


"Hindi ka ba natatakot sa akin at ganto ang aking itsura?" ang aniyong ito ay kasintulad ng isang anino ngunit pisikal mo itong mahahawakan. 


"Matatakot? Bakit naman ako matatakot? At isa pa, maayos naman ang itsura mo ah, hindi mo ba nakikita kung gaano kaganda ang huging ng bawat sulok ng iyong katawan at mukha?" hindi mawari ng aniyo ang sinabi ng dalaga, dati pa man ay isang anino na itim lang ang tingin nito sa sarili. (It was somehow like a dark hollow shadow.) Labis pa ring nagtataka ang aniyo ngunit hinayaan niya na lamang ito.


Isang linggo nang magkaibigan ang aniyo at dalaga at makikita mo ang laki ng pingbago ng aniyo dahil kung dati ay para lamang itong itim na kung ano anong umaaligid sa paligid ay ngayon naman ay nagsisimula itong maging hugis tao, simula sa kaniyang paa hanggtsa kaniyang ulo ay nagmukha na itong normal na tao ngunit may kulang, ang puso nito. Ang puso nito ay makikita mo pa rin bilang isang hugis bilog na kulay itim, para bang may nawawala.


Isang araw ay habang masaya silang nag-uusap ng dalaga ay bigla itong nagkaroon ng lakas ng loob kaya't kinalabit niya ito. Napatingin lamang ang dalaga sa kaniya, hinihintay and kaniyang sasabihin.


"Sa loob ng isang buwan nating pagiging magkaibigan ay may nawari ako sa aking isipan. Sa totoo lang, dati ko pa ito naiisip." huminga muna ang lalaki(ang dating aniyo lamang.) nang malalim, tila bang humuhugot ito ng lakas ng loob. 


"Matagal na kitang gusto, pilit ko mang itanggi ay hindi na ito gagana, tuluyan nang nahulog ang loob ko sa'yo, binibini." ani ng binata. Binalot sila ng katahimikan at mapapansin mong palaki nang palaki nang dahan dahan ang pagsakop ng itim na aniyo sa dibdib ng lalaki. "p-pasens-".


"Gusto rin kita, matagal na." sambit ng babae at bumalik ang sigla sa mukha ng binata. "Hindi ko alam kung paano pero ang alam ko ay labis mo akong pinapasaya sa tuwing magkasama tayo. Ayaw na ayaw kong nawawala ka sa paningin ko, ginoo."


Bakas ang ngiti sa mukha ng binata at makikitang nawala na rin ang itim sa kaniyang dibdib. Nakompleto na ito.

AninoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon