RP

33 2 1
                                    

RP STORY

Hi. Isa po akong Suzy RP. Pero behind this account, isa po akong straight na lalaki. UB ko po kasi talaga si Suzy. So, I tried not being too obvious. Nag-adjust ako sa typing skills ko at worst, nagpaka-feminine ako kahit labag sa kalooban ko. Then one day, may kaibigan akong Boram RP and that time "Bakla" pa yung tawagan namin. Ta's sabi niya, may irereto daw siya sakin. Myungsoo RP daw na naghahanap ng Suzy RP na ka-RS. Nung una, natatakot ako i-try kasi ayokong maconfuse sa gender ko. Pero ano bang masama sa TRY diba? Wala naman sigurong mawawala. So ayun, naging magka-RS kami. Patagal ng patagal, palalim ng palalim yung feelings ko sakanya. Hanggang sa tinatanong ko na yung sarili ko kung tama ba 'tong ginagawa ko? Kung straight pa ba talaga ako? Bakit sa dinami-daming RP sa mundo, sa isang BOY RP pa ako nainlove. Napapamura nalang ako minsan. Hanggang sa umabot sa point na gusto ko nang umamin sakanya pero natatakot ako. Ayokong maapektuhan yung relationship naming ng dahil lang dun. So, nagdecide ako na manatiling manahimik na lamang. Hanggang sa isang araw, nagdeact yung ka-RS ko without any words. Di ko alam kung bakit kasi sobrang clueless eh. Di ko alam gagawin ko nun kaya ni-pm ko si Boram. Sabi niya, itext ko nalang daw. So, binigay niya sakin yung number niya. So, ni-text ko siya. "Babe? Ba't ka nagdeact? May problema ba? Ba't di mo sinasabi sakin? Pagusapan natin to. Please? Bumalik ka na." pero wala akong natanggap ng reply. So, tinanong ko si Boram kung tama ba yung number na binigay niya sakin. Sabi niya, oo naman daw. Kaya naging pasensyoso nalang ako. Hinintay ko yung reply niya kahit mukhang tanga na ako kaka-isip kung bakit wala pa siyang reply? Kung bakit sa kapwa lalaki ko pa ako nagkaganito? Pero wala eh. Wala na akong magagawa dun. Mahal ko siya eh. So after 3weeks, nagactivate uli yung account niya. So nagleave ako sakanya ng message. "Babe?" and gladly, nagreply agad siya. 

Siya: I'm sorry. Itigil na natin to.

Me: Hala? Bakit? May nagawa ba akong mali? 

Siya: Wala. Ako yung may mali. Nagsinungaling ako sayo.

Me: Bakit?

Siya: Gusto mong malaman? 

Me: Oo.

-End of Convo-

Di na siya nagonline after nun. Sobrang sakit kaya pinamigay ko na yung RP ko na yun and dinelete ko number niya sa phone ko. And after 1 month, may tumawag sa phone ko na babae.

Siya: Hello?

Me: Hello? Sino to?

Siya: .........

Me: Hello? Sino to?

Siya: Number to ni -insert Suzy RP- diba? Bakit lalaki yung sumasagot?

Me: Ha? Bakit? Sino ka ba?

Siya: Ako kasi yung Myungsoo RP na naka-RS yung may-ari ng number na to.

Me: Ha?

Siya: Ikaw? Sino ka ba?

Me: Ako lang naman yung Suzy RP na naka-RS mo.

So, after ng call namin na yun, nagkabalikan uli kami.

THE END

walang poreber. Dejk

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RP Story (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon