I-Ang Pagkikita

16 0 0
                                    

Leonora

"Libo-libong kababaihan na ang inimbitahan natin sa palasyo, ngunit ayon sa inyo kamahalan ay hindi sila ang nag ligtas sa inyo. Sigurado ho ba kayong siya'y babae?"

Napa irap ako at buntong hininga kong nilingon si Manuel, ang aking kanang kamay.

"Sigurado ako."

"Paumahinhin mahal na Prinsesa, ngunit... Hindi kaya'y wala na sya sa mundong ito—"

"Ako ba'y iyong ginagalit, Manuel?" Siya'y napa yuko.

"Paumahinhin, kamahalan."

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nahahanap—"

"Mahal na Prinsesa!" Napa lingon ako sa ibaba mula sa aking kinauupuan. Hingalong tumakbo papalapit sa akin ang isa kong tagapag silbi at tila ba'y naliligo na sya sa sariling pawis. "Mukhang nahanap na namin ang babaeng iyong pinapahanap!"

Napatayo ako, "Nasaan na sya? Ipasok nyo sya!"

"Mahal na Prinsesa... Ang problema niyan ay... Hindi namin sya mapilit na maisama sa palasyo. Napa away pa kami sa kanya at lahat ng gwardya sibil ay natumba nya."

Napa takip ako ng aking bibig.

Siya na nga iyon!

"Nasaan sya? Kailangan ko siyang puntahan ngayon din!"

"S-saglit, Mahal na Prinsesa!" Inis kong nilingon si Manuel. "Delikado pa ang lagay nyo ngayon. Hayaan nyong kami na lamang ang pumunta."

"Manuel..."

"Ho?"

"Ihanda mo ang aking sasakyan. Samahan mo ako."

"M-masusunod po."

Nauna syang lumabas sa palasyo habang ako ay hindi ko matago ang saya na aking nararamdaman.

Ang mga taong katulad nya ay dapat na tinitingala at binibigyan ng grasya.

Huminto ang sasakyan sa isang eskinita. Maraming magkakadikit na bahay at mga taong naka tambay.

Naunang bumaba si Manuel upang pag buksan ako. Bago pa man ako lumabas ay naka tingin na sa amin ang maraming tao. Marahil ay ramdam na nila na hindi kami taga rito.

Pag labas ko ay binati ako ng aking mga minamahal na mamamayan.

"Mahal na prinsesa!" Sigaw nila at pare-parehong yumuko.

"Salamat sa inyong pag bati, ngunit narito ako upang hanapin ang isang babaeng tumulong sa akin nang ako'y dakpin ng mga kalaban. Ang sabi nila ay dito raw sya naka tira. May ideya ba kayo kung sino sya?"

"Maaari nyo ho bang ilarawan ang kanyang pisikal na anyo?"

"Balot ang kanyang katawan, ngunit masasabi kong matangkad sya at singkit ang mata." Napansin ko na sila'y nagtitigan.

"Maaari ho ba naming malaman kung ano ang inyong pakay sa kanya?"

Napangiti ako.

Mahal sya ng mga residente rito.

"Gusto ko syang pasalamatan. Bigyan ng regalo, ganon!"

Muli silang nagtitigan. Saglit na namuo ang katahimikan sa amin hanggang sa...

"BADA! HINAHANAP KA NG MAHAL NA PRINSESA!" Sigaw ng isang babae habang naka tingin sya sa isang bahay na mayroong dalawang palapag.

"Hindi kaya'y niloloko lamang kayo ng mga tao—" pinanlisikan ko ng mata si Manuel.

"Hindi kaya'y ako ang niloloko mo?"

"Paumahin, Mahal na Prinsesa."

Nang lingunin ko ang bahay na iyon ay bumungad sa akin ang isang matangkad na babae.

Maputi ang kanyang kutis, mahaba ang buhok, at singkit ang mata.

Napakagandang nilalang

Lumapit sya sa akin at lumuhod bilang pag galang.

"Mahal na Prinsesa, ako raw po ay pinapatawag nyo."

"Tumayo ka." Sabay ng kanyang pag tayo ay ang pag tingala ko. "Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw ang babaeng nag ligtas sa akin no'n."

"Hindi ko ho alam ang inyong ibig sabihin—"

"Sumama ka sa akin. Mag usap tayo sa palasyo."

Tinignan nya ako ng may pag aalinlangan, ngunit siya'y aking nginitian lamang.

Hindi ko akalain na muli tayong magkikita.

Her Touch | BADA LEE AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon