CHAPTER 17 [ UNEDITED ]

4K 142 26
                                    

Callista


Nagising ako dahil may naririnig akong nag-uusap at medyo lumalakas ang mga boses nito. unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang isang babae at isang medyo may edad ng babae na nagtatalo.

“Mommy, bakit ba nandito yang babaeng yan? napulot mo lang yan sa gubat eh, mamaya niyan tayo pa ang mapahamak.” saad ng babaeng matangkad.

“Alex, alam kong hindi siya masamang tao at lalo na hindi tayo mapapahamak. Bugbog ang katawan niya nung nakuha namin siya ng Dada mo at nakakaawa ang itsura niya, mukha siyang walang bahay.” giit naman nung babaeng medyo may edad na. Sa tingin ko ay Mommy niya ito.

Napakamot naman sa sentido ang babaeng  matangkad. “Mommy naman, malay mo nagpapanggap lang siya na nabugbog or ano pa man. Pag gising niya kailangan na niyang umalis dahil ikakapahamak natin kapag nanatili pa siya rito.” sagot naman ng babae sa kanyang ina.

Bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya. Ang sakit naman magsalita ng babaeng 'to. Sana pala namatay na lang ako para hindi na ako magdurusa pa, na sana hindi na lang ako nakakatanggap ng paratang galing sa ibang tao nang ganito.

Pinilit kong tumayo kahit nananakit ang ulo ko kasabay na ang likod ko, gusto ko nang umalis para hindi na sila mag-away. Ako na ang magkukusang umalis kaysa nagtatalo sila nang dahil lang sa akin.

“This is my house, Alex. Hindi natin siya papaalisi—”

Hindi ko na pinatapos ang ginang at tumikhim na ako sa likuran nila, dahilan para tumigil sila sa pag-aaway.

“A-aalis na po ako. Salamat po sa pagpapatuloy sa'kin.” akmang aalis na ako nang biglang hawakan ng ginang ang pulsuhan ko kaya nilingon ko ito.

“Hindi ka pwedeng umalis. Isang linggo kang walang malay, kailangan mo pang magpahinga at hindi ka pwedeng umalis dahil delekado sa labas. Gabing gabi na.” paliwanag ng ginang.

Napatingin naman ako sa Anak nito na masama ang tingin na ipinupukol sa'kin kaya agad akong napayuko. “A-ah o-okay na po ako, sorry po sa abala. Kaya ko na po ito.” pagtanggi ko rito pero umiling lang ang ginang.

Himawakan niya ako sa magkabilaang balikat at tiningnan ako sa mata. Nakita ko sa mata niya ang pag-aalala pero kailangan ko na talagang umalis. Parang papatayin na ako nung nagngangalan na Alex. Nakakatakot yung mga tingin niya, pero mas nakakatakot yung mga tinginan ni Savannah.

Bigla kong naalala ang mga nangyari. Ginahasa niya ako. Ang dumi dumi ko na, hindi ko aakalain na gagawin niya yun sa'kin. Hindi na siya naawa sa'kin. Wala siyang puso.

Nabalik ako sa reyalidad nang may biglang kamay na dumapo sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko. Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa mga naalala ko.

“Tahan na, magpahinga ka na. Kung ano man 'yang iniisip mo, iwaksi mo muna yan. Mukhang hindi maganda ang nangyari sa'yo dahil nung natagpuan ka namin sa gubat ng asawa ko ay puro ka pasa, kahit ang damit mo ay punit-punit.” pagpapaliwanag ng ginang sa'kin na ikinatango ko.

Tumingin naman ang ginang sa Anak niya at nakita kong bumuntong hininga na lamang ito at umalis sa silid. Tumingin ako sa paligid at nakita kong sobrang lawak ng kwartong ito. Halos lahat ng gamit ay parang ginto.

“P-paano niyo po ako natagpuan sa kakahuyan?” tanong ko sa ginang.

“Binili namin ang lupang iyon at naglibot kami ng asawa ko, hindi sinasadyang natagpuan ka namin na walang malay. Isang linggo kang walang malay, mabuti nga mabilis na nawala ang sugat mo, mukhang may tinakasan ka na masamang tao.”

Wala na akong na-isagot sa ginang at inihatid na ulit ako nito sa higaan ko. Gusto ko mang umalis pero hindi siya papayag kaya hinayaan ko na lang. Isang linggo pala akong walang malay, ano kayang nangyari sa isang linggong iyon? napabuntong hininga na lang ako at pumikit na. Kahit isang linggo akong natulog ay ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko.

The Obsessed Psychopath (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now