Chapter 7

3.3K 54 24
                                    

“Hoy, babae!” sigaw ni Shena nang makita akong dinaanan lang siya sa pathway papunta sa condo niya.

Tinakbo niya ang pagitan namin at humarang sa daan para hindi ako makalakad pa. She crossed her arms and raised her eyebrow, giving me a look that clearly demands an explanation. Kita naman kasi niya ang mangyayari sa baba dahil sa bintana ng condo niya. Alam kong nakita niya kami kakahintay sa’kin.

Bumuntong hininga ako at kinamot ang aking buhok. “Ano? Pwedeng papasukin no muna ako?” Bugnot kong sambit.

Umikot ang mata niya sa ere at mabilis akong hinila papunta sa kanyang condo. Wala na akong magawa at nagpahila nalang rin. Bumitaw lang siya nang makapasok na kami hanggang sala.

Akmang uupo ako nang marinig ko ang sunod-sunod niyang tanong.

“Sino ‘yon? Anong ginagawa mo ng buong gabi? Bakit ganyan ang suot mo? Alam mo ba kung ano ang mga sinusuot mong damit? Boyfriend mo ba ‘yon? Bakit hindi ako updated?! Huwag mong sabihin sa’kin na pati mga ganyan, tinatago mo na! Ano ba, Isabella, para kang alien na bumagsak lang bigla dito at hindi mo ako kilala! Hindi na tayo nag-uusap tulad ng dati. Lagi nalang may lihim! At sino ba ‘yang lalaki? Kilala ko ba ‘yan? Taga dito ba siya? Kailan pa kayo naging close? Bakit hindi ko alam?”

Sumingit siya para makahinga ng malalim, at bago pa ako makasagot, tuloy siya sa pagdadadakdak.

“Tapos, tingnan mo ‘yang itsura mo! Hindi mo ba alam kung gaano ka kahalaga ‘yan? Saan mo naman napulot ‘yang suot mong parang pang party? Saan ba kayo galing? Sinong kasama mo pa? Isa lang ba siya? Ayoko na! Sabihin mo na sa’kin lahat ngayon, Isabella. Lahat-lahat! Ayoko nang may tinatago ka pa sa’kin!”

Binato ko sa kanya ang unan na maliit. Sapol iyon sa mukha niya. “Manahimik ka nga, Shena? Ang daldal mo! Pwede pagpahingahin mo muna ako?” Badtrip kong sabi at busangot na tinanggal ang suot kong two inches heels.

Pinulot niya ang unan at padarag na tumabi sa akin. Hindi na maipinta ang expression niyang nakaupo lang at tahimik na pinagmamasdan ang mga ginagawa ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsimulang mag-ayos ng mga gamit kong dala. Naririnig ko pa rin ang mabilis na paghinga ni Shena sa tabi ko, ngunit alam kong kailangan kong maging kalmado para masagot lahat ng tanong niya. Tiningnan ko rin ang phone ko dahil bigla itong nagbeep.

Transaction Notification

Date:  July 11, 20**

Dear Ms. Isabella Heyes,

We are pleased to inform you that a transfer of ₱1,000,000.00 has been successfully credited to your account.

If you have any questions or require further assistance, please do not hesitate to contact our customer service at 1-800-123-4567 or email us at support@bankoftheworld.com.

“Tàngina!” Mura ko at laglag pangang nakatitig lang sa message. Scam ba 'to? Pero sa bank naman galing ang mensahe.

“Bakit?!” Natarantang tanong ni Shena. Namilog ang mata kong lumingon rito. Hindi pa rin ako makaimik kaya’t kinuha ni Shena ang phone at tiningnan rin ito. Kita ko rin ang pagkagulat sa mga mata niya. “Gago?! Wrong sent ba ‘to?”

Napalunok ako at kinuha kay Shena ang cellphone. Lumapit si Shena sa akin at tiningnan ang ginagawa ko. Pumunta ako sa details ng transaction at doon ko nakita ang pamilyar na pangalan.

“Alexander Mont..gomery.” Basa ni Shena. Suminghap siya nang malakas sa gilid ko at biglang tumili kaya’t sinampal ko ang bunganga niya.

“Peste ka. Natutulog na mga kapitbahay mo. Buang!” Saway ko.

The Millionaire's Matchmaking Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon