2:30

16 0 0
                                    

Katatapos lang namin mag-night out sa bar malayo sa siyudad at grabe ang hilo ko nang lumabas doon. Napasobra ata ako sa pag-inom.

Alas una y media noong medyo humupa na ang tao sa bar at napagdesisyonan na naming umuwi dahil late na at may pasok pa kinaumagahan.

“Paniguradong nag-aalala na si Mommy,” sambit ko sa sarili.

Naiwan ko ang phone ko sa bahay at siguradong marami nang missed calls doon si Mommy.

Tinawag ko ang best friend kong si Trish para samahan muna akong umihi at ang boyfriend naman niya at si Justin na kaklase rin namin ay nasa sulok at nagyoyosi.

“Sigurado ka ba na magpapasundo ka pa? Sabay ka na lang kaya sa amin? Kasya naman tayong apat sa sasakyan,” si Trish.

Magkapareho kasi ng direksyon ang bahay nilang tatlo at ako lang ang naiba. Kung sasabay pa ako sa kanila, nasa anim na kilometro pa ang layo galing do’n sa dalawang magkaibang daan pagkatapos ng La Esperanza Road. At kung ihahatid pa nila ako, medyo late na sila makakauwi.

Isa pa, pinapauwi na rin agad sila ng magulang nila. Ayoko namang pagalitan sila at sobrang late na nakauwi nang dahil sa akin.

Tumango ako. “Oo. Isang kilometro lang naman ang layo niya galing dito. Nasa bahay ng kaklase niya, may tatapusin daw na group project. Paniguradong tapos na rin sila at inaantay na lang niya ako para sunduin.”

“Well then, let’s just wait for him na lang at nang sabay na tayong umuwi.”

Nakitawag na lang ako kay Trish at agad naman iyong sinagot ni Kuya at sinabing papunta na siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na nga siya.

Sumakay na ako sa kotse at umupo sa front seat habang si Kuya naman ay umikot na para pumunta sa driver’s seat. 2:15 AM nang umabante kami.

Nauna ang sasakyan nila Trish sa sasakyan namin mga ilang metro lang ang agwat. Medyo madilim na ang daan at wala na gaanong sasakyan na nakakasabayan namin kasi sobrang late na naman.

Inaantok ako sa biyahe, epekto na rin ng alak. Pagod din ang katawan ko sa kakasayaw.

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 2:30 AM na. Isang oras mahigit pa siguro ang biyahe. Wala ring imik si Kuya habang nag-da-drive at diretso lang ang tingin sa daan.

Maya-maya lang ay medyo nakalayo na ang sasakyan nila Trish at hindi na namin makita ang sasakyan nila sa daan. Mukhang binilisan na ng boyfriend niya ang pag-da-drive at mag-a-alas tres na.

Paidlip na sana ako nang biglang napa-preno si Kuya dahil may tumawid na matandang babae sa daan.

Sobrang bagal ng lakad niya at nakapagtataka na sa ganitong oras ay may matanda pang gising at andito sa madilim na daang halos wala kang makikitang bahay sa paligid at puro puno lang ng kahoy ang makikita.

Sobrang bagal ng lakad niya at nakapagtataka na sa ganitong oras ay may matanda pang gising at andito sa madilim na daang halos wala kang makikitang bahay sa paligid at puro puno lang ng kahoy ang makikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang ilaw at ang tanging nakapag-ilaw lang sa daan ay ang ilaw na galing sa kotse namin.

Hinintay lang ni Kuya na makalagpas ang matanda at nang nasa may tapat ko na siya ay bigla siyang huminto at dahan-dahang lumingon sa amin. Ngumisi siya siguro ay sign ng pasasalamat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2:30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon