"Kailan ka magsa-sign ng mga books mo?" tanong ng kaibigan ko habang nag-aayos ako ng mga gamit ko na ilalagay ko sa locker ko mamaya.
"Sa susunod na araw pa, gusto mo sumama?" pumalakpak siya at nagbow pa sa akin, I rolled my eyes at her, alam ko naman kung bakit siya masayang masaya.
"Just promise me na hindi mo guguluhin si Ms. Taffy doon, ha" alam ko kasing idol na idol niya yun.
"syempre, baka ipatapon mo ako noh!" lumabas na kami sa classroom namin at pumunta na sa locker namin.
Pagbukas ko sa locker ko ay may nahulog na red envelope, pinulot ko yun at inilagay ko sa bag ko.
"Sana all nalng, araw² ka nalng may natatanggap na letter" nginitian ko nalng siya at inayos na ang gamit ko.
"Mauna na ako sayo, sabay nalng tayo papunta sa pub house, baka hindi din kita ma text bukas, tatapusin ko muna ang mga gagawin ko" tumango lang ito at nagpa-alam narin.
Habang naglalakad ako pauwi sa apartment ko ay ramdam kong may sumusunod sa akin kaya mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa maka-uwi ako. Dali² kong ini-lock ang pinto at hingal na hingal umupo.