Zoey Elaine Estrada
First day ko sa pagpasok sa bago kong school. Nakakatamad man ay kailangan ko pumasok. Late na nga ako kung tutuusin. Nung isang araw pa talaga yung umpisa ng pasukan kaso nalate ako dahil sa wag nyo ng alamin yung dahilan.
Pinilit ko ng bumangon sa kinahihigaan ko. Kumain, naligo at nagayos na ako. Nung alam ko ng wala na akong kailangan ay umalis na ako. Malapit lang naman yung school. Wala pang 10 minuto ang biyahe.
" Zoey! "
Nakita ko si Cass na nasa gilid ng gate ng school. Pinsan ko sya. Second cousin to be exact. Agad akong lumapit sa kanya.
" Naayos mo na ba kung saang section ako? " Tanong ko sa kanya.
" Ah oo naman! Ako pa! Dun ka na samin. Ayan ha. Hindi ka na mahihirapang magadjust! "
Tumango na lamang ako bilang sagot. Hindi naman kasi ako ganung kapalasalita na tao. Niyaya nya na akong pumunta sa room nya. Na magiging room ko na din. Napansin kong madaming estudyante sa paaralan na to. Halo halo. May gangster wanna be. Mga gangster talaga. Mga nerd na nasa gilid lang at invisible sa paningin ng iba. At mga babaeng hindi mo malaman kung ahas ba sa tindi ng pagkakapulupot sa mga boyfriend nila. Tss. Mga tao nga naman ngayon oh.
" Oh insan nandito na tayo. Welcome to section Ruby!! "
Malapit yung room namin sa court. Napaisip ako. Paniguradong magiging maingay to. Pano nalang kung may mga naglalaro hindi ba? Haynako. Pumasok kami agad ni Cass sa loob. Bawat masalubong namin ay ipinakikilala nya ako. Ako naman ay ngumingiti at tango lamang. Ayoko namang magsungit. At mukha namang mababait ang mga tao dito. Harmless.
" San mo gusto umupo insan? "
Nagtingin tingin muna ako saglit at ng makakita ako ng pwesto ay agad ko syang tinanong.
" May nakaupo ba dun sa pwestong yon? "
Tinuro ko sakanya ang pwesto sa gilid ng bintana. Bakante yung mga upuan dun. Sana lang ay walang nakaokupa doon.
" Ah dito? Wala. Bakante tong tatlong silya dito. Mga sobra kasi to sa ibang room kaya dito nilagay. Gusto mo ba dito? "
Agad akong tumango bilang sagot.
" Oh edi dito ka. Tara, umupo ka na. Ipapakilala nalang kita mamaya sa mga katapat mo dito."
" Bakit? Hindi ba kita katabi? "
" Naku hindi eh. Dun kasi ako nakaupo oh"
Agad nyang itinuro ang pwesto sa harap malapit sa pintuan. Malayong pwesto sa akin. So mag isa lang pala ako dito?
" Wag kang magalala mababait naman yang mga makakaharap mo jan "
Hindi na ko nagsalita pa. Umupo na lamang ako. Iniwan naman ako dito ni Cass. May pupuntahan at kakausapin lang daw sya saglit at nagsabing babalik din agad. Tinignan ko ang bintana. Walang view. Kung meron man ay yung building ng faculty ata ng Science dahil na din sa nabasa kong nakapaskil sa pintuan nito. Pathway ata tong gilid na to. May mga estudyante kasing naglalakad dito patungo sa isa pang building. Masyado pang maaga kaya napagpasyahan kong umidlip muna.
Nagising ako ng makaramdam ako na may yumuyugyug sa akin. Pagtingin ko ay si Cass lang pala. May mga kasama sya.
" Insan ikaw talaga natulog agad wala pa ngang klase. Haynaku. Ohngapala may mga ipapakilala ako sayo.. guys eto yung pinsan ko si Zoey "
Agad akong nilapitan ng mga kaibigan nya at isa isang nagpakilala.
" Rhea nga pala, nice to meet you "