Chapter 2

2 0 0
                                    


Sumimsim ako ng coffee habang hinihintay si Wry. Sinadya kong i-busy ang sarili ko sa pa-scroll sa tiktok dahil ala una ang usapan namin at ala una trenta'y singko na. Kanina ko pa gustong magdabog dito pero ayoko namang ipahiya ang sarili ko. Sasabunutan ko nalang siya pag nakarating.

"Hi."

Nag angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Pormal ang pagkakangiti niya sakin pero tumingin pa muna ako sa magkabilang gilid ko para makasigurong ako ang kinakausap niya.

"Ako ba?" Tanong ko pa.

Tumango siya. "Hi." Ulit niya.

"Hello?" Sagot ko. Takang taka.

"Are you with someone?"

"Not yet..." Lumabi ako. "Why?"

"Mind if I join you?"

"Bakit?"

"Because I'm interested?" Natawa siya. Tila namamangha pa sa asta ko. Hindi ko naman mawari ang ibig niyang sabihin.

"Interested? Saan?"

Napamaang naman siya. "Isn't it obvious?" Inilibot niya ang paningin sa buong coffee shop. Ganon din naman ang ginawa ko at nakitang normal lang naman ang paligid kaya anong inaarte nito? "This is a Gay only coffee shop."

"H-Ha?"

"Don't tell me you don't know? Hahaha. Or di mo lang talaga ako type?"

"H-Hindi ko alam." Hiyang hiya na sagot ko. Bumakas ang pagkadisappointed sa muka niya. Cute siya at matangkad, malaki ang katawan pero mas malaki pa rin ang katawan ni Abel——Bakit ko ba naalala pa yon! Tsk!

"Okay good." Aniya, ngumiti nalang. "I'm going." Tumango nalang naman ako't pinanood nalang siyang lumayo.

Bwiset na Wryan, makakatikim talaga siya sakin pag dating niya. Kaya pala tatawa tawa siya kanina habang sumasang ayon ako sa pagkikitaan namin eh. Dapat talaga nakinig ako sa kutob ko eh. Ano namang malay ko kung Gay Coffee shop to?! Nakakainis ha!

Ilang sandali lang naman ay nakita ko na ang kotse niyang pumarada sa labas. Maangas siyang lumabas doon, bilib na bilib sa sariling tinanggal pa ang suot na shades at tumingin ng mayabang sa paligid. Napailing ako sa inasta niya. Kala mo naman talaga.

"Kanina ka pa?" Ngiting ngiti na tanong niya nang maupo sa harapan ko. Masama naman agad na tingin ang iginanti ko sakaniya.

"Ano sa tingin mo?"

"Ah.." Pigil ang tawa niya pang reaksyon. "Traffic eh."

"Ang sabihin mo pinagyabang mo yang kotse mong barbie sa highway." Inis na sabi ko, bumilog naman ang bibig niya. "Bakit hindi ba? Pink? Na may glitters? Really?"

Sumama naman ang muka niya. "Tawag jan fashion!"

"Tas ang lakas ng loob mong bumaba don ng pagkayabang yabang." Tuloy ko, hindi pinansin ang dahilan niya. Natatawa na ako sa itsura niya pero pinigilan ko. "Eh, barbie ka naman."

"Tsk! At least ako aminado! Hindi tulad ng iba diyan!" Inis na asik niya.

"Sinong iba?!"

"Sino pa ba?" Bumalik ang ngisi niya.

"Hoy——hindi ako bakla!" Sigaw ko. Huli na nang ma-realize ko ang isinigaw kong 'yon. Lahat ng customers at staff ng shop ay nasaamin ang paningin. Ang iba ay napailing pa habang nakangisi.

Tumawa din si Wry. "Kaya pala nandito ka?"

"Anong malay kong pang baklang coffee shop 'to!" Sigaw ko na tanging siya lang ang makakarinig.

The Rainbow in your EyesWhere stories live. Discover now