chapter 6

42 35 3
                                    


Alas singko palang ay gising na ako, Sabi kasi ni ate Loren ay dapat andon na kami mga 6:30 kasi hihintayin pa namin yong kukuha saamin na sasakyan. 

5:30 nang natapos na akong kumain at nag bihis narin. Pants at jacket ang suot ko, May dalang extra na t-shirt din ako.

Para naman mamaya kapag uuwi ay hindi ako madungis.  5:50 nang may kumatok sa pinto at alam kung si ate Loren yon at napag desesyonan namin na mag lakad lang, Dahil maaga pa naman.

Habang nag lalakad kami ay nakita ko na naman sya.

Bakit ba lagi ko siyang nakikita?

Hindi ba pwedeng wag nalang syang magpakita saakin? Nakayuko lang akong nag lakad at halos natumba ako nang tinawag pa ni ate Loren si kuya Berto na kasama ng binata.

Lumapit naman si kuya Berto saamin kaya napahinto kami.  Habang papalapit silang dalawa sa kinatatayuan namin ay halos makalimutan ko ng huminga.

Mag behave ka naman self para ka namang Tanga, Pinisil ko ba ang kamay ko na nasalikod ng pwetan ko. Para naman ay mabalaan ko ang sarili.

Nang tuluyan na nga talaga silang nakalapit ay iniwas ko ang tingin. Kunyari ay tumingin ako sa paligid kahit naman walang kailangan tignan.

"Magandang Umaga sayo Elle." Bati ni kuya Roberto saakin. Kaya no choice ako at humarap sakanila.

Napalaki naman ang mga mata ko ng pag harap ko ay mga mata niya, Ang una kung nakita,  Dahil sa taranta ay hindi ko nasabi nang maayos ang sagot ko kay kuya Berto.

"Ma-a-gan-dang Umaga din sayo kuya Berto bati ko." Kahit nanginginig ang boses wala namang sinabi si kuya kaya iniwas ko ang tingin.

Hindi naman nag tagal ay umalis na sila dahil may gagawin pa raw sila. Sabi pa nga nila ay baka sila daw ang mag hatid saamin doon sa farm.

"Sana Hindi."Dasal ko pa, Ayokong sa unang araw ng trabaho ko ay mali-mali ang magagawa ko. Malapit na kami nang naisipan kong tanungin si ate Loren.

"Ate Loren?Ano pala pangalan nong kaibigan ni kuya Berto?" Tanong ko.

"Ah sya ba? Hindi ko ba nasabi sayo?" Sunod sunod niyang tanong.

Lumingo ako para sabihin na hindi niya nasabi saakin. Ang tanga ko diba? May nangyari saamin pero hindi ko alam ano pangalan niya? Hyst.

"Siya si caiden Lopez anak sya nang may-ari noong flower farm. Pero hindi sya yong tipong pinaglandakan na siya ang anak nang may-ari. Kaya nga diba lagi silang magkasama ni kuya Berto mo, Dahil tinulungan sila nito sa mga mabibigat na Gawain.
Minsan ay siya pa nga ang mag presentang mag deliver nong mga bulaklak o di kaya yong mga bagong harvest na mangga."Paliwanag ni ate.

Wala naman akong problema sa kanya. Hindi ko lang alam, Kung alam niya ba ang nangyari o baka katulad ko ay nag kunyari lamang na hindi namin kilala ang isat'isa.

Baka nga ay nakalimutan na niya ang mga nangyari nong gabing yon. Sino ba naman ako diba? Para maalala niya? Parang piniga ang puso ko sa naisip.

Hindi naman nag tagal ay nakarating na kami ni ate Loren sa tamang  sakayan na gagamitin naming mga trabahante papunta sa farm.

Umupo kami ni ate sa may likod sabi nila ay temporary lang raw itong sinasakyan namin. Dahil hindi pa raw nakauwi yong bus shuttle para sa mga trabahante. Isa itong 4x4 na sasakyan, at may mga upuan kaya umupo kami ni ate Loren sa may dulo dahil punoan na doon sa harap.

Hindi naman nag tagal ay bumyahe na kami papuntang flower farm, Ang sarap kapag fresh na hangin ang malanghap mo.

Tamang alas 7am kami nakarating doon sa farm. Namamanghang tinignan ko ang paligid, Hindi naman kami maiinitan masyado, Dahil para itong may net sa ibabaw siguro iwas mga insekto tapos may tambayan kami bawat line sa bulaklak, Ang  ganda nang bulaklak.

Till We Meet Again [Under Editing]Where stories live. Discover now