A Memorable Christmas Eve

20 1 0
                                    

Hi! Ako nga po pala si Adrian as in A-drian a.k.a 'A' .
Para maganda pakinggan laging nasa beginning ng alphabet. By the way I am 13 yrs old a Grade8 student and it's December 22 2022. Nandito po pala ako ngayon sa School dahil naghahanda po kami para sa song and dance presentation namin sa paparating na "Christmas Party" ng aming school.

Kanina ay nagmamadali ako sa pag-alis ng bahay dahil nag-aaway na naman ang mama at lola ko dahil lamang sa dalawang daan na utang ni Mama kay lola. Matagal na ang pagkakautang na iyon pero nakalimutan lamang bayaran ni Mama dahil sa mabilis na siyang makalimot sa mga bagay-bagay. Buti pa si Lola natatandaan pa iyon kahit na ang tanda tanda na niya nasa 72 yrs old na yata siya ngayon.
Pero nagtataka lang ako dahil kahit ang tanda na niya ay galit parin siya kay Mama eh diba sabi nila "Past is past" at dapat na nating kalimutan ang nakaraan?

Naiinggit nga ako minsan sa ibang kaklase ko dahil close ang parents at Grandparents nila e. Ba't ba kasi galit na galit si Lola kay Mama? Nevermind, dahil magsisimula na po kami sa aming pag-eensayo. Ang pinili pala ng grupo namin ay ang Christmas song presentation which is napag sang ayunan naman naming lahat at ang kabilang grupo naman ang para sa Christmas dance Presentation.

"Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street
I remember the child, in the manger as he sleeps....🎶🎶🌟
Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawat damdamin...🎶🎵🎵🎶⭐🌟

Kinagabihan ay kinausap ko si Mama
Kung bakit nga ba galit na galit si Lola sa kanya? Gayong wala pa akong alam masyado tungkol sa mga bagay bagay lalo na sa mga suliranin sa aming pamilya. At napagtanto ko na kaya pala ito galit sa kanya dahil sa murang edad ay nag-asawa't nagpakasal na agad sila ni Papa gayong dinadala niya ako noon sa kanyang sinapupunan. Kahit pigilan man sila ng kanilang mga magulang ay wala na silang magawa pa dahil buntis na si Mama.
At dumating nanga ang aming Christmas Party. From December 15 to December 24 na po nangyari ang Christmas Party namin dahil sa nagdaang bagyo.
At todo birit ang mga kagrupo ko sa Christmas Song presentation namin na may kasamang sayaw ng mga beking kasama ko na pinangungunahan ni Nicky o Nikko kung minsan haha. Dahil sa pagkatuwa ng aming class adviser na si Teacher Anne ay binigyan niya kami ng isang bag ng Chubby chocolate at Isang bag ng Maxx na candy naman sa kabilang grupo.

Pagkatapos ng okasyong iyon ay agad akong umuwi ng bahay at agad ibinalita kay Mama ang masayang araw na ito. At agad kong hiningi sa kanya na magpunta sa bahay nina Lola't lolo. Nang una ay hindi siya pumayag dahil nahihiya daw siya at tinanong ako kung anong gagawin ko don. Sabi ko naman "Wala lang po. Gusto ko lang na makita sila ni Lolo't lola.",
At sabi naman niya ay "Ba't pa tayo pupunta don eh inaway nanga ako ng lola mo!"
Ayaw talaga niyang pumayag no'n ng bigla akong umiyak sa harapan niya.

"O anak, ba't ka umiiyak? O sige papayag na ako.
Ang galing ko noh? Best actor? Surry mama pero para naman saiyo to e.

*R.N Subdivision*

🎶 "Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street
I remember the child, in the manger as he sleeps....🎶🎶🌟
Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawat damdamin...🎶🎵🎵🎶⭐🌟

Lola: O apo ba't ka nandiyan? Pumasok ka rito!
Adrian: Ah sige po salamat! Nga po pala may kasama po ako.
Lola: E sino naman?

"Ma, patawad po. Magpapaliwanag po ako sainyo."
"Hmmm ano naman ang ipapaliwanag mo?" Na maaga kang nagkaanak at nag-asawa dahil ayaw mo ng tumulong saakin sa negosyo natin noon?

Lola, pakinggan niyo po muna si Mama.
"Kung di ko lang mahal tong apo ko siguro pinalayas na kita." O, magpaliwanag kana!

-Ma, ano po kasi.... Hindi namin sinasadya na mabuntis ako. Oo magjowa kami no'n pero wala pa sa isip namin ang bagay na iyon dahil nilasing lamang kami ng mga kaibigan ko at kaibigan niya kaya ayon nagising na lamang kami na magkasama sa iisang kama. Ma, patawad po talaga! Dahil gusto ko po talaga tumulong sainyo noon pero ayon nabuntis po ako kaya wala na akong choice kundi isilang na lamang itong anak ko. At patawad kung ngayon ko lang nabayaran ang utang ko dahil medyo nakakalimot na po ako kasi sign of aging na po yata ito.

" O sige na! Tumigil kana! Naiintindihan ko na. Akala ko kasi ginusto niyo talagang mag-asawa na ng maaga talaga no'n. Narinig ko narin yang sinabi mo noon sa kaibigan mo pero di ako naniwala. Pero ngayon naiintindihan ko na ang lahat. O siya, nakahanda na ba ang hapunan Teodor? Tanong ni lola kay lolo.
"Oo naman mahal kong Amelita. Halina kayo't maghapunan at dito narin kayo mag pasko saamin mamaya.
" A,e sige po Ma! Tawagan ko lang ang papa nito para dito nalang kami magpasko. 🌟

Napakasaya ko talaga ng gabing iyon dahil bukod sa kaarawan ng Mahal nating Jesus ay nagkaayos narin sa wakas ang mga magulang at lolo't lola ko. At magkasama kaming idiniwang ang gabi ng kaarawan ng Mahal nating Hesukristo.
☺️❤️💜❤️

A Memorable Christmas EveWhere stories live. Discover now