Part 1: Tissue Paper

24 0 0
                                    

“Pare ayos ka lang?” Tanong ni Chito

“Oo pare, Ayos lang ako!” Sagot ko naman

“Pare hindi eh, Tignan mo oh namumula kana!”

“Eh pare, San ba may malapit na CR dito?”

“Ayun! Kaya naman pala! Di mo na mapigilan ano? Kain ka kasi nang kain!”

“Pare naman eh! Di ko na talaga kaya, San ba may malapit na CR dito?”

“Ayun pare oh! Tignan mo may CR!”

“Asan?”

“Ayun oh! May bayad nga lang”

“Ayos nay an! Di ko na kaya eh!”

“Pero pare, Tignan mo! May babaeng pumasok!”

“Tanong mo nga sa guard!”

“Sige teka lang!”

Ako nga pala si Luke Reyes, 16 years old. At siya naman si Chito Bermudez? Bernudez? Bernadez? Basta B ang simula non! Chito B nalang para di nako mahirapan. Kaibigan ko yan, Kanina lang kami nagkakilala, nangutang kasi sakin yan, Kumain ba naman sa sosyaling kainan tapos kulang pala pambayad? Eto naman si ako, naawa. Pinahiram ko.

Lumapit sakin si Chito at nagsalita “Pare pare, Pambabae atsaka panlalake daw yung CR na yon!”

“Pwede pala yon?”

“Sa mga panahon ngayon, Kailangan mo nang maging praktikal Pare!”

“Oo na oo na! Magkano ba? Di ko na talaga kaya eh!”

“Sampung piso daw ang Number 2!”

“Sige salamat pare! Mauna kana”

“Di! Hintayin kita sige lang!”

“Ikaw bahala ah?”

“Oo na bilisan mona!”

Tumakbo ako papunta kay Kuya Guard ang nagbayad nang sampung piso. Tapos pasok sa CR, sa CR na pinasukan ko dalawa lang ang Cubicle. Yung isa taken na, Yung isa naman eh Freeng Free! Pumasok ako sa pangalawa at umupo. Sa wakas! Makakapagdownload narin! Sakit talaga nang tiyan ko. Ewan ko ba, sa sobrang sarap at ginhawa ang naramdaman ko eh napasigaw nalang ako nang “SARAP!” na pabulong. Pero malakas. Basta pabulong na malakas okay? Tapos may narinig akong boses sa kabilang cubicle.

“Kuya?” Isang boses nang babae ang nagsalita.

“Ano yon?” Ang sagot ko naman

“Kamusta kuya?”

“Eto Nagnu-number 2!”

“Oh talaga kuya? Ang galing mo naman!”

“Ako pa!” Sabay tawa.

“Kuya kanina kapa ba nandyan?”

“Di kakapasok pasok ko lang”

“Teka lang kuya ah!”

“Sige lang. Take your time!”

Sabay isang malakas na kalampog ang narinig ko galing sa kabilang cubicle

“HOY WALANG HIYA KA! ANO BANG PROBLEMA MO? BAT BA SAGOT KA NANG SAGOT JAN, KAUSAP BA KITANG HAYUP KA? DI AKO MAKAPAGCONCENTRATE SA PAGUUSAP NAMIN NI KUYA OH! PESTE!”

Di ko alam ang gagawin ko, Wala nakong ibang nagawa kung hindi magpalusot.

“Teka lang pare ah? Di kita maintindihan may babaeng maingay dito sa tabi ko, ANG INGAY INGAY MO NAMAN! AKALA MO NAMAN IKAW YUNG KAUSAP KO MAY KAUSAP DIN AKONG IBA NO? IKAW LANG BA ANG MAY KARAPATANG MAKIPAGUSAP HABANG NAG NU-NUMBER TWO? GRABE KA NAMAN! MAKA WALANG HIYA KA KALA MO ANG BAIT BAIT MO! Ayan pare okay na!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Part 1: Tissue PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon