My Fake Lover (The Panakip Butas Story) -One Shot <3

1K 12 3
                                    

Vote and Comment Kayu ha...

Plano ku sanang gawing novel to ee.. 

Kaya lang Cliche na kasi ung mga ganitong plot kaya ginawa ko na lang one shot..

Enjjooooyyy

^___^

++++++++++++++_______________+++++++++++++++++_______________++++++++++++++++++________+++++++++++______________++++++++++++++++

Meet Gia Ramirez, sa age niyang 17 years old ay working student na siya. Maganda siya, matangkad at matalino, mabait pa, kaya naman maraming guys sa school nila ang nagagandarapa sa kaniya. Bukod sa pagiging working student sa isang restaurant, sideline din niya ang pagiging PANAKIP BUTAS.. Oo, panakip butas siya ni Clark Salazar na isang sikat, guwapo at mayamang heartthrob sa university nila. Model siya ng bench kaya sikat na sikat siya, bukod dito anak pa siya ng isa sa mga mayayamang businessman sa bansa..

Siguro malaking tanong sa iniyo kung pano naging panakip butas si Gia.. Ganito kasi yun, ayaw na ni Clark sa ex-girlfried niya ehh sunod pa rin ng sunod at dikit pa rin ng dikit sa kaniya kaya ang magbayad na lang ng magiging panakip butas ang naisip niyang solusyon.

<####### Gia's POV#######>

"Anu ba yan ang aga aga nambubulabog..!!"

Ang aga-aga niya tumawag, nakakainis siya..!! Sa araw-araw na ginawa ng dityos sa buhay ko.. Araw-araw siyang tumatawag sa'kin at palaging 5:30 A.M..!! Hindi ko naman magawang patayin cp ko kasi siguradong pupuntahan niya ko dito..

"Ano ba yon..??"

"Mag ayos-ayos ka.. tandaan mo may date tayo ngayon.."

"Ano? Na naman?!! Kakadate lang naten last week aa"

"Kailangan din yon ngayon, basta pumunta ka sa Park ng school mamayang 3:00 P.M magkita tyao doon.."

"Sige na nga..!!"

OO, hindi ako makatanggi sa lalaking to.. Pano ko magagawang tumanggi ehh nainlove na ko ng tuluyan sa kanya. Kahit naman kasi bi-polar yang unggoy na yan ehh nagawa ko pa ring mainlove sa kaniya sa di malamang dahilan. Dalawang taon na kasi akong nagpapanakip butas para sa kaniya.. Ayun, nadevelop feelings ko sa kanya. Kaya lang ang masaklap, hindi niya ako magugustuhan kasi sa pagkakaalam ko may gusto siyang iba.

Nag-ayos na ako.. Naligo at nakakain na ako. Naglagay ako ng konting make-up sa mukha.. Nakapagbihis na rin ako at ang kailangan na lang ay umalis ako. Lumabas na ako ng bahay, pero may nakita akong kotse na nakaparada mismo sa tapat ng bahay namin. Alam kong kay Clark yon kasi yan yung ginagamit naming sasakyang pag minsang nagdedate kami..

Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng sasakyan, nasa isang daliri niya yung susi ng kotse niya at pinapaikott niya ito sa daliri niya. Nang makita niya ako, ngumiti siya sa akin. Nagulat ako kasi first time ito. Kadalasan kase, para kaming mga aso't pusa sa dalas naming mag-away.

O////////////O Nailang ako sa pagkkatitig at pagkakangiti niya sa akin. Naramdaman ko na bumilis din ang heartbeat ko. Kapag nakikita ko kasi siya o kaya pag magkasama kami palaging bumibilis ang heartbeat ko. Inlove na talaga ko sa bi-polar na'to.. Kahit pa pabago-bago mood niya at madalas mag-away kame, Minahal ko na siya..

"Antagal mo naman, kanina pa ako naghihintay dito.."

"Haa-- ahh ganun ba, bakit sinabi ko bang puntahan mo ko dito?"

"Bakit, masama bang sunduin kita..??" - Ngumiti siya at nilalapit niya ang mukha niya sa'kin kaya naiilang ako.. Inilayo ko naman yung mukha ko sakanya.

My Fake Lover (The Panakip Butas Story) -One Shot &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon