Does Forever Really Exist?

122 8 4
                                    

WALANG FOREVER!!

Yan ang sinasabi ng karamihan.. Laman na yan sa kahit anong social networking sites!

Hugot dito. Hugot doon. Kahit na maliliit na bagay, lahat may banat na hugot para dyan. At isa po ako sa mga yan ^.^

Yung iba broken hearted kaya nagiging BITTER. Yung iba ay napaka realistic lang talaga. May iba rin naman ay trip lang.. nakikisabay sa uso? Ganun?!

Kung ikaw ang tatanungin ko, naniniwala ka bang my forever? Yung totoo? Hwag kang bitter!

walang forever kasi lahat ng bagay may katapusan. Tulad nalang ng buhay natin.. “Life Time” lang ang meron. May araw at oras na itinakda ang Panginoon para bawiin nya na ang hiram nating buhay.

Kapag nalagutan kana ng hininga masasabi mo pa kayang may forever? Di ba hindi na! Patunay lang yan na wala talagang forever.

Eh baka gusto mo pang lumandi yang kaluluwa mo hanggang sa kabilang buhay? Aba! Nakakabilib naman kung ganun!!

Mapa kanta nga ay sinasabi naring walang forever eh!
I will loving you 'til we're 70 ♪

So, kapag nag 71 na? Hala! kabahan kana.

Tyaka kung sinasabi mo namang may forever tapos YOLO ka ng YOLO eh anong pinaglalabanan mo?! Naka shabu ka ata teh!

Ba't di nyo nalang paniwalaan ang sinasabi ng kalendaryo..

SMTWTFS

Sana Maniwala Tayong Wala Talagang Forever Salamat!

Teka, nagmumukha naba akong bitter? Hehe

Hindi po ako bitter sadyang napaka realistic ko lang talaga! Ang thought palang ng salitang yan ay ramdam ko ng papaasahin ka lang sa huli.

Pero nagkamali ako.

Akala ko lang pala yun!

Does Forever Really Exist?

Naitanong ko sa sarili ko.

“ Tara na Chen” sabi ng kaibigan ko. Inaya nya kasi akong magsimba..

“ Teka, saan tayo dadaan dyan? ” nalilito kong tanong sa kanya. Nasa gitna kasi kami ng dalawang daan.. Ang isa ay makipot na daan na parang nakakatakot at parang papasanin mo ang lahat ng problema.. Ang isa naman ay napaka luwang na parang wala kanang po-problemahin pa.

“ Saan ba ang gusto mo?” tanong nya.

“ Pareho ba yang papunta sa simbahan?” isang mapait na pagtango lang ang naisagot nya.

Bumuntong-hininga muna ako bago muling nagsalita..

“ Kung ganun pala eh dito na tayo sa maluwang na daan! Ba't pa natin papahirapan ang ating mga sarili kung may magandang daan naman..” Pagkatapos kong sabihin yun eh nagsimula na akong maglakad papunta sa maluwang na daan pero bigla nalang hinawakan ng kaibigan ko ang aking kamay kaya napahinto ako.

“ Isang napakagandang daan ang tatahakin mo.. Parang masaya, malaya at wala ng problema! Pero hindi mo ba naisip na baka yan din ang daan patungo sa kapahamakan? ” nabigla naman ako sa sinabi nya't napakunot ako ng noo.

“ Kung gusto mong maghirap! dyan kana dumaan sa makipot na yan! Halata namang mahihirapan ka eh.. Kita mo naman oh! Mukhang mapanganib.” pasigaw kong saad sa kanya.. Dalawang daan lang pinag-aawayan na namin!?

“ Bago mo marating ang kasiyahang nais mo ay dadaan ka muna sa mga pagsubok ng buhay. Mahihirapan ka nga pero kapag alam mong kasama mo ang Panginoon walang silbi ang salitang mahirap! Kasi nandyan sya para alalayan at tulungan tayo.”

Does Forever Really Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon